Chapter 95

575 10 0
                                    

Jacob's Point of View

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas matapos ang schooltrip na naganap sa school. Nakauwi na din si Thalia after ng mga shoot niya. Kung tinatanong niyo si Danica?

Di na kami nagpapansinan after niya sabihin na kalimutan na lahat. Ganda diba?Di man lang ako nakapag salita. Di niya man lang ako pinakinggan..

"Babe?" Napatingin ako kay Thalia.

"Hmm?" di ko namalayan na ka tulala na pala ako.

"You okay?" saad niya. Ngumiti ako at tumango. "Yow morning bes!" Napatingin ako sa bagong dating na si Danica.

"BES!" Napatingin ako sakanya. Di ba siya apektado? Napatawa ako. Biruin mo na kaya niya yon? Magpanggap na parang wala lang.

Tumingin ako sakanya. Kinalimutan mo na ba talaga ako?

Ako lang ata may problema eh. Umasa ako na makakausap ko siya. Umasa ako na baka maayos namin...pero siya na yung nagdesisyon. Siguro para sa ikabubuti na din namin yon.

Pano kung pinagpatuloy namin?

Sakit lang naman madudulot saming dalawa.

.
.
.
.

Lahat kami napatingin sa pintuan ng marinig namin ang isang katok. May isang member ng student council ang pumasok sa room namin.

"May general meeting ang mga teachers. Kaya walang klase and bawal daw umuwi hanggang di pa uwian. Thank you."

Naghiyawan ang buong klase naman. Ako? Ewan ko.

"Babe! Wala daw klase! Let's eat?" tuwang-tuwa sabi ni Thalia. Napatawa nalang ako. Siguro tama na to. May Thalia ako kaya dapat palayain ko na siya.

"Ang takaw mo." Ginulo ko ang buhok niya.

"Ahm Thalia?" Nawala ang ngiti ko na maalala ko si Danica.

Kita ko ang tingin niya samin ni Thalia. Nang makita niya ako nakatingin umiwas siya. Sakto naman ang pag harap ni Thalia sakanya.

"Sama ka samin, girl." Yaya ni Thalia sakanya. Umiling siya at ngumiti.

"Ahm, may gagawin pa kasi akong importante e. So di na muna ako makakasama. Alis na ko ah? Enjoy niyo yung time niyo magkasama! Yoko mang third wheel ngayon HAHAHA" biro niya. Wala na ba talaga yon sayo? Tumawa silang parehas.

"Ganun ba? Juskoo, di ka naman na op samin. Pero sige go! Ingat ka bes!" saad ni Thalia. Nagpaalam na siya at umalis.

"Ano kain tayo?" tumango nalang ako at nginitian siya. "Ayusin ko lang gamit ko." Tumango ako.

"Hintayin kita sa labas." Lumabas ako ng classroom at kita ko mula sa kinatatayuan ko ang likod ni Danica.

"Babe tara na?" Tumingin ako kay Thalia at tumango. Tumingin ulit ako, isang huling siglap kay Danica at tumalikod na ako kasama si Thalia.

Siguro nga panahon at palayain kita Danica. Tama na yung sakit, di mo na deserve ang kagaya ko. Pagalingin mo ang mga sugat na ginawa ko sayo. Panahon na para buuin mo ang mundo mo na wala ako. I love you and I always do.

~FAST FORWARD~

Thalia's Point of View

Hi mga bes! Napadaan naman kayo sakin ahahaaha. Nakakapagod yung mga ginagawa ko ngayon. Kailangan ko mag model in the same time mag-aral.

Kasalukuyan ako nasa bahay. Day off ko kasi ngayon hehe. Kailangan ng beauty rest mga bebe.

Kamusta kaya si Babe? Tinignan ko ang phone ko. Walang text o tawag? Baka tulog yon. Tatawagan ko sana si Danica kaso naalala ko nag-aaral yon ngayon. Grabe kasi talino ng babaeng yon eh.

Binaba ko ang phone ko. Pansin ko na parang di nag papansinan at nagiiwasan yung dalawa yon. May nangyari ba nung wala ako?

Sobra pa naman ako nag-alala kasi, parehas sila nasugod sa clinic nung schooltrip. Nakapagtataka, sabay sila napunta doon.

Pero nung tinanong ko sila, nagkataon lang daw.....pero.....ba't iba ang pakiramdam ko?

May tiwala ako sakanila. Alam ko naman wala silang gagawin behind my back right? Kilala ko si Danica di niya ko kayang saktan...lalo na si Jacob kasi mahal niya ako.

Mahal ka pa ba? Napatigil ako. Ayoko mag-isip. Pero pumasok ang mga araw na di ko siya napagtuunan. Mas pinili ko ang career ko sakanya.

Pero di naman niya magagawa yon diba? Mahal niya ako sabi niya.

*TOK*TOK*TOK*

"Ma'am?" Nawala ako sa pagiisip ng kumatok ang isang maid sa pinto ko.

"Yes?"

"May pinadala po sainyo." Napakunot ako. Pinadala? E? Sino naman magbibigay sakin?

"Pasok ka teh." saad ko. Pumasok naman siya at isang box ang bumungad sakin. "Sige thank u dito." ngumiti ako sakanya.

Nang makaalis na siya. Tinignan ko yung message. Napatigil ako.....at kinabahan.

Hello girl!

Handa mo na ang sarili mo sa makikita mo sa loob ng gift na ibinigay ko. You know what? You trust so much. And THAT WILL BREAK YOU.

-----------

DONT FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW :)))) -LOVELOTS! -LITTLEGIRLOST.

A Ghost to Remember. (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara