AGTR 44

981 23 0
                                    

Danica's Point of View.

"Okay ka na ba?" tanong ko kay Jacob. Nakahiga siya sa lap ko at sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Ngumiti siya.

"Okay na okay, lalo na andyan ka.." Kiniss niya ang kamay ko. Ngumiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na parang nakalaya na ako. Tapos ang hustisya ka, nakuha ko na........ang saya sobra.....malungkot dahil tapos na..."Tama pala ang ginawa ko..." Napatingin ako sakanya.

"Huh?" Nakapikit siya.

"Tama pala nung araw na yun, inisip ko maigi."

"Ibig sabihin...nung pinuntahan mo ko?...nakahanda na kayo oara hulihin sila?" tanong ko.

~~FLASHBACK~~ (Jacob Pov)

Kabado ako nagmamaneho. Habang nagmamaneho kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Nathan.

"Nathan, pumunta ka sa hideout, tapos lahat sila isama mo, pumunta kayo sa unit ni Chelsea, 30 minutes. Sakto 30 minutes nandun na kayo."

"Bakit boss? Nagdrdrive na ko papunta sa hideout."

"Basta malalaman niyo din, Huwag niyo papakawalan si Greg at si Chelsea pagdating niyo."

"Sige boss. Saka pala..-" Pinatay ko na ang tawag dahil nakarating na ako.

~~END OF FLASHBACK~~

"So alam mo na may mangyayari?" tanong ko. Tumango siya. "Jacob..." Maluluha na ako. Akala ko...mawawala si Jacob saakin nung gabing iyon.....

Wala ako magawa...Dahil multo ako.

At...

~~FLASHBACK~~ (Danica's Pov)

Lalapit na sana ako nang.."Bat di ako makagalaw..." saad ko. Kahit anong gawin ko di ako makalapit. Umiiyak na ako.

Bakit di ko magalaw. Bakit ganun.

"Jacob..." Umiiyak na saad ko. Napaupo ako.

Nagulat ako na may mga dumating na lalaki. Inawat ni Nathan si Greg tapos ang ibang lalaki nakahawak kay Chelsea.

Dumating din ang detective.

Nang biglang nagalaw ako. Lalapit na sana ako kay Jacob nang bigla siyang mahimatay.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now