AGTR 7

1.1K 39 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Find information about Danica Gabriella Cruz."

(Sure Sir.)

"Huwag mo kakalimutan yung mga gamit. I need them as fast as you can."

(Don't worry sir we are in work now.)

"Good. Well then, see you soon Mr.Shin."

(See you soon Sir Standford)

Pinatay ko na.

"Hayaan niyo na yan. Nagpadala na ko ng bagong gamit."

"Ayos!" Lahat sila nag ingay na.

"Gusto niyo ba muna mag babad?" Lahat sila ngumiti.

***

Habang nasa swimming pool kami. Inaayos na ng mga tauhan ni Mr.Shin ang mga nasira. Kasama na doon ang lock ng pinto. Mas pinagtiin ko ang security. Tiyak ay di na nila ito mapapasok.

"Malalim yata iniisip mo boss?" Nathan.

Inabot niya saakin ang beer.

"Wala to. May naalala lang ako." Tipid na saad ko.

Iniisip ko parin hanggang ngayon yung mga nalaman ko.

Suicide?

Kung nag suicide siya bakit niya ginawa iyon?

Sinakto niya pa sa mismo kaarawan niya?

O di kaya pinatay na siya.

Di imposible iyon. Pwede na pinatay na siya bago siya hinulog.

Pero bakit? Ano ang motibo nung suspect?

"Boss, si Mr.Shin." Nabalik ako sa realidad ng kalibitin ako ni Victon.

Tumingin ako sa isang naka black tux at may puting buhok.

Ngumiti ako.

"Mr. Shin." Umahon ako sa pool at kumuha ng isang towel.

"Good Morning,Young Master. " nag bow siya.

"Ang tagal na kita di nakikita."

"Oo nga Young Master. Isa na kayong tunay na binata." Nakangiting sabi niya.

Tumawa lang ako. Kahit di halata close kami ni Mr.Shin. Siya na rin kasi nagpalaki saamin nang mamatay si mama.

Tinatanong niyo nasa ang ama namin? Ayun laging wala. Nasa states na siya. Doon niya hinahandle yung kompanya naamin.

"Young Master, eto na po yung pinapagawa niyo." As expected. Mabilis pa sa alas kwatro nagawa ni Mr.Shin ang pinagagawa ko.

"Salamat dito Mr.Shin. Gusto mo ba muna dumalaw sa mansyon? Namimiss ka na rin ni ate." Saad ko.

Ngumiti siya at tumango.

"Pwede na man Young Master. Namimiss ko na rin si Lady Andrea" Saad niya.

"Di ka parin nagbabago Mr.Shin. Bibo at lagi kang umoo saamin dalawa." Saad ko.

"Tungkulin ko iyon Young master. Ang paglingkudan kayong dalawa."

"Buti ka pa nga inaalagaan kami." Nakangisi kong saad habang paupo. Kinuha ko ang beer at ininom.

"Huwag po kayo ganyan. Young Master busy lang talaga si Master. Standford."

"Busy? Di na nga siya nagiging ama. Oo sasabihin ko kapag kailagan namin ng pera binibigyan niya kami. Pero di ibig sabihin nun na ama na siya saamin." Naiinis ako.

Mula na mamatay si Mama naging balewala nalang kami ni Ate sakanya. Kami ang sinisisi niya kung bakit namatay si mama.

Akala niya gusto namin iyon?!

"Young Master, huminahon kayo."

Tama si Mr. Shin.

"Pasensiya na Mr. Shin. Kagagaling niyo lang sa Amerika. Dapat di kayo masyado nagpapagod. Ang mabuti pa magpahinga ka muna Mr. Shin." saad ko.

"Young Master okay lang ako."

"Mr. Shin hinanda ko na ang kwarto mo. Doon magpahinga ka na. Utos ko iyon."

Natawa naman siya.

"Wala naman ako magagawa. Sige ako ay magpapahinga na Young Master. Kung may iuutos kayo. Kumatok lang kayo sa kwarto na pagpapahingahan ko." Mr. Shin

Tumango lang ako.

"Greg, samahan mo si Mr.Shin sa kwarto niya."

"Sige boss! Mr.Shin ang tagal na ah!" Greg.

"Ikaw na basi Greg! Lumaki ka na!"

Natawa nalang ako.

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo.

Matapos ko magpalit. Humiga ako sa kama.

Nakakapagod ngayon araw. Di na ko nakauwi sa bahay. Sigurado dadaldalan ako ni ate. Nakapatay magdamag ang phone ko.

Ayoko ng storbo.

Naalala ko yung envelope. Kinuha ko yung binigay ni Mr.Shin.

Danica Gabriella Cruz.

------

Hello guys! Nagbabalik si author!

Pasensiya na kung ang tagal ko mag update.

Busy lang talaga ako.

Don't forget to Vote and Comment!

~Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now