AGTR 32

927 26 0
                                    

Danica's Point of View.

"Tss, ano gising ka na ba? Ihahagis ko sana sayo tong tubig." saad niya. Nag-pout naman ako. Sungit.

"Gising na gising na nga ako e." saad ko at magpaikot-ikot, ito yung masaya kapag naging multo ka. Nakakalipad at makakatagos malaya ka gawin.

"Itigil mo nga yan!" sigaw niya. Tinigil ko.

"Ito naman highblood"

"Sabihin mo nga saakin, wala ka bang naalala?" Naalala?

"Naalala?" Umupo ako sa sofa. Nakakapagod din ang mag iikot lalo na kapag mabilis. ~T_T~

"Oo, wala ka bang naalala kahit onting scene bago pinatay?" saad niya. Napatingin ako sakanya. Bigla sumeryoso ang mukha ko, naalala ko....

"Bakit niyo to ginagawa saakin?!"

"Di mo ba nakikita? Di ka bagay dito!"

"Akala ko ba kaibigan kita!"

"Kaibigan? Kaibigan ba ang matatawag mo sa taong mang aagaw?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Parang awa mo na tama na..."

"Maawa? Nang dahil sayo! Di na ko yung niligawan! Kinuha mo saakin yung mahal ko!"

"Di kita maintindihan!"

"Well, pano mo nga ba maiintindihan? Eh ang gawin mo ay lumandi"

"Ahh masakit!" Daing ko. Na hilain niya ko patayo. Lumaban ako.

"Aray!" Saad niya.

"Huwag mo siyang sasaktan!" Bigla akong tinulak at tumama ako sa isang bagay. Di ko alam kung ano iyon dahil biglang sumakit ang ulo ko. Tinignan ko ito.....m-may d-dugo.

"Ano bang ginawa mo!"

"Sinaktan ka niya!"

"T-Tulong!" Sambit ko. Pero di nila ako pinansin.

"Ano na gagawin natin?! Kung sinaktan lang natin siya sigurado di siya magsusumbong!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"What! Wala sa plano na patayin siya!"

"Wala na tayong ibang paraan."

"Fine!" Yun ang huling narinig ko bago umitim ang lahat.

"*huk.. *" Pinikit ko ang mata ko. "Hindi....tama na.!" saad ko.

Nakita ko na naman yung scene na yun. "Danica!"

"AYOKO NA!" Sigaw ko. Para akong hinahatak. Pinikit ko ang mata ko at tinakpan ang tenga ko.

Nag paulit ulit to saakin. Ayoko!

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"Tama na!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"Mamatay na rin yan! Malakas ang tama niya!"

"DANICA! LOOK AT ME!" nagulat ako sa narinig kong sumigaw at napadilat ako. "Look at me." May malambot at maingat niya ako pinaharap sakanya. "What happend?"

"Jacob...*huk*..natatakot ako." saad ko, niyakap niya ako at umiyak ako.

"Tell me."

"Jacob, di ko maaninag ang mga mukha nila. Boses lang ang naririnig ko....at nakakatakot ang mga salita na binitiwan nila..." saad ko.

"May naalala ka?"

Tumango ako.



ISANG ORAS din ang nakalipas bago ako naka tahan. Natakot ako bigla..naalala ko yun. Sigurado ako, sila ang pumatay.

Isang Babae, Isang lalaki.

Nakatulala lang ako at nag-iisip.

Inagaw?

Malandi?

Di ko alam?

Di mahal?

Niligawan?

Ano ba talaga? Ano ba ang nagawa ko?
Bakit parang ang bigat nang pakiramdam ko?

Naalala ko yung lalaki.....yung time na, nakita ko siya bigla ko may naalala....

Posible kaya kasama siya? Posible kayang pati siya meron kinalaman? Ayoko magbintang pero ang sakit ng puso ko...

Parang may nagawa siya saakin na kinabigat at lungkot ng puso ko.

Babae? Yun ba si Chelsea? Kasama din ba siya? Kasama din ba siya? Sila bang dalawa?

Nagkaatraso ba ko? Ano ba talaga?

Sino ba sa buhay ko si Chelsea at yung Lalaki?





So Guys, Maikli lang to. Huhuhu. Sorry kasi sabi ko 2 chapters e. Pero nawalan ng wifi!

Kaya ngayon ako bumawi.

Don't forget to Vote, Comment & Follow.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now