AGTR 10

1.2K 37 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Hanggang doon muna iyon. Bukas nalang bata. Aalis na ko hinihintay na ko ng mag ina ko." Nakakabitin naman kainis!

Wala rin naman ako mapapala kung pipilitin ko siya di naman siya sasabihin eh.

Siya pala at ang Team niya ang humawak sa kaso ni Danica. May nalaman na ako.

Sino kaya ang babaeng iyon? Kaibigan ba niya talaga iyon? O isa sa mga taong nagpanggap?

Nag aaral kaya siya sa school namin? Di sapat ang information na yun. Bukas na bukas pagtapos ng klase may gagawin ako.

Pumasok na ako sa unit ko. "Hi! Jacob!" Umikot siya saakin parang kinikilatis ako.

"Ano ginagawa mo?" Saad ko.

"Wala naman chineck ko lang kung nagkapasa ka. Diba pumunta ka sa gang fight eh bakit wala kang pasa kahit isa?" Umiling-iling ako. Kung alam niya lang na inaasikaso ko ang case niya...Nainis pa naman ako doon sa mayabang na pulis na yun!

"Leader ako. Saka ako ang pinakamagaling. Ate ko lang ang nakakatama saakin." saad ko. Umupo ako sa sofa ang dami nagkalat na mga junk food. "Kumakain ka?" Tumango siya.

"Eh wala ako magawa kundi manood nalang ng tv. Naboring ako kaya nilabas ko yung mga gusto kong kainin." Nakangiting saad niya. Sabi niya di daw siya kumakain ang labo. "Gusto mo?" alok niya.

"Sayo na..parang di pa kasya yan sayo." Tumayo ako at pumunta sa kusina. Tinignan ko yung stocks. Kumuha nalang ako ng noodles. Yun nalang muna. Tinatamad ako magluto.

Hinintay ko hanggang sa maluto sa mainit na tubig. Kumuha ako sa drawer ng chopsticks. Kumuha rin ako ng dalawang bote na tubig. Dumaretso ako sa sofa. "Oh,tubig." wala kasi nakalagay na tubig puro pagkain lang.

"Shalamat!" Tsk nagsasalita may laman ang bibig.

Kumain lang kami habang nanood ng tv.

***

Habang nanood ako biglang bumigat ang balikat ko. "Oy Danica! Pasimple ka eh." Biro ko pero wala ako naririnig sakanya. "Oy—" Nakita ko natutulog na siya. Kaya naman pala. Pinatay ko yung tv. Binuhat ko siya ng pang bridal. Saka ko siya pinasok sa kwarto niya. Dahan-dahan ko siya nilagay sa kama. Natawa ako sa sarili ko, muntanga ako. Kung may tao dito siguro sasabihan na ko na baliw ako. Hinawi ko yung buhok na humaharang sa buhok niya.

"Ang daya mo...sabi mo di mo ko tutulugan..pero tignan mo ngayon ikaw yung tulog." Naka-ngiti kong sabi. Teka bakit ako nakangiti? Ewan.

Basta alam ko nakakatuwa siya kahit na minsan nakakainis siya, ang dami kasing tanong eh.

Napunta ang atensyon ko sa labi niya.

Dug.Dug.Dug.

Meron saakin na halikan ko siya pero meron rin na nagsasabi na huwag. Ano ba to? Ba't ang bilis! Aatakihin na ba ako sa puso?

Iniwas ko ang tingin ko bagkus hinalikan ko siya sa noo. "Good Night Danica." Yun yung huling sabi ko bago lumabas ng kwarto niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora