AGTR 64

822 19 0
                                    

Danica's Point of View.

"S-Salamat sa paghatid.." saad ko. Nakatungo ako. Nahihiya pa din ako sao nangyari kanina, doon sa lugar.

"No Problem. Mauuna na ko.." Huminga ako ng malalim at inangat ang aking tingin. Ngumiti ako.

"Sige. Ingat ka." Saad ko. Ngumiti siya at pumasok na sa sasakyan niya. Nagwave ako habang papaalis ang sasakyan niya. Nang mawala na sa paningin ko, tumalikod na ako.

"OMYGHAD." napahawak ako sa pisngi kong mulang-mula. Naalala ko ang ginawa niya saakin. "Danica...tama na." Sinampal ko ang sarili ko, nagbabaka sakali na mawala ang pamumula ko.

Napatigil ako. May nalimutan ata ako...

........"OMYGHAD! NALIMUTAN KO!" patakbo ako pumasok sa bahay.

"O anak, andito—"

Di ko napansin ang nanay ko sa pagmamadali ko. Syet! Nalimutan ko may lakad kami ni Harold!

Sa pagmamadali ko, inihagis ko nalang yung bag ko sa kamay.

Aish! Makakalimutin kasi!

Ano susuotin ko?! Kung ano-ano na ang pinagtatapon ko sa kama ko, wala ako mapili!

"Eto kaya?...hindi...Eto? Syet. Ayoko, Ito kaya?...MAMAYA NA NGA TO!" tinapon ko kung saan yung damit at pumunta na sa banyo. Naghilamos na ako at nag toothbrush. AISH. Pawis ako! MYGHAD. Kailagan ko maligo!

Di na ko nag abala tumingin sa oras dahil alam ko, pagtumingin ako matataranta ako.

Di ko alam kung pano ako naligo. Lumabas na ako sa banyo. "AY MA!" nagulat ako kasi, naka tayo si mama sa pintuan.

"May lakad ka hija? Nagmamadali ka ata?" tanong niya. Umupo ako. Kinuha ko ang blower at sinimulan ng patuyuin ang buhok ko.

"Opo Ma. Kakain kami sa labas ni Harold. Nalimutan ko na 7 nandito na daw siya"

"Kaya nga..nasa baba na." napatingin ako kay mama.

"SERYOSO? JUSMEEE!!!! MA, ANO BA PUWEDE MAISUOT?" nagmamadaling sabi ko. Kung mag jeans nalang ako?

"Magdress ka nalang. Yung white." Great idea. Kinuha ko yung binili ni mama, na dress. Yung white. Ngayon ko lang to gagamitin.

"Bumaba ka na pagtapos mo dyan. Bilisan mo." Mama.

Hays. Inayos ko ang buhok ko. Nag pulbos at nag pabango lang ako.

Wait—Yung sandals pala. Kinuha ko yung sandals at sinuot.

FINALLY! NATAPOS DIN.

Humarap ako sa salamin.

Ang ganda...

Bigla ko naalala...Nung multo ako. Parang ganto din ang kasuotan ko. Wala lang design.

Inalog ko ang ulo ko. Di yung literal ah! "Huwag ka nang magisip!" huminga ako ng malalim. Kinuha ko yung maliit na bag. Nilagay ko ang wallet, panyo, pulbos, pabango at phone.

A Ghost to Remember. (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora