AGTR 27

954 27 0
                                    

Danica's Point of View.

"Sige. Pupunta tayo." Napatingin ako sakanya. Tumayo na siya at pumuntang banyo.

Napa-ngiti ako, akala ko tatangi siya dahil ayaw na niya na kasama ako. Oo, masakit pero anong gagawin ko?

Di ko kaya na mawala siya at di nalang siya pansinin. Ayoko na sa mga araw na ito, sasanyangin ko pa. Lalo na ngayon na yung feelings ko...eto na...

Tama kayo, I'm inlove with him.

Sa mabilis na panahon na lumipas, di ko namalayan na mahal ko na pala siya.

Sa pagsasama namin at paglutas ng kaso ko, namuo ang salitang love saakin.

Pero alam ko din na nahihibang ako na gusto niya ko.

Kaya kahit na maging cold ang pakikitungo niya mas okay na maging bulag at tanga para di ako masyadong masaktan.

Pero sana sa gagawing kong ito maging masaya ako kahit ako lang ang nagmamahal.

Eto na yata yung sinasabi nilang one-sided love.

Ngumiti ako ng mapait saaking sarili. Tama na Danica.

Lumabas ako ng kwarto niya pagtapos ko ayusin ang kama niya.

Hinanda ko na din ang simpleng breakfast namin.

Bacon, egg, fried rice at coffee.

Sinaling ko na ito. "Ah." napahawak na naman ako sa ulo ko. Napahawak ako sa upuan. "Ahh..."

"Oh! Pinagluto mo ko?"

"Oo naman, Good Morning para sa gwapo kong boyfriend." Niyakap ko siya.

"Boyfriend?" Tumingin ako sakanya, bigla ako kinabahan. "Asawa na kaya." Pinalo ko siya sa dibdib na kinatawa niya. " Hahaha, bakit? Akala mo no. Biro lang."

"Pati yung asawa? Sige uuwi na ko." Kunwari kinuha ko na ang bag ko at handa na umalis ng bigla niya ko iback hug.

"Ikaw naman syempre pupunta din tayo dyan kapag nakagraduate na tayo. Atsaka sayang yung Bacon, eggs, friend rice saka coffee kung wala ako kasabay." 

"Sige na nga." Niyakap ko din siya. At kami sabay na tumawa habang papunta sa hapag kainan.

Ang saya sobra kapag umaga kasama mo ang mahal mo.

Napatahimik ako. A-Ano bang nangyayari?

Pati sa pagkain may naalala ako? Sino ka ba?! Sino ka ba?!

Napapapikit ako at hinahabol ang hininga ko. "Sino....sino ka ba?."

"Hey." Napatalon ako sa gulat nang bigla niya ko hawakan. "May masakit ba sayo? Bakit pinagpapawisan ka? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya, tumingin ako sakanya, nakita ko na seryoso siya sa mga tanong niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now