AGTR 15

1K 34 0
                                    

Jacob's Point of View.

Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig. Gabi na. Babalik na sana ako sa kwarto ko na mahigip ng mata ko ang mga nakakalat na mga papel.

Umupo ako at kinuha iyon. "Bakit ka kasali sa kaso na ito? Bakit ka nakipag kaibigan kay Danica?" alam ko ang ugali ni Chelsea. Sigurado ako na may gusto siyang makuha kay Danica kaya siya nakipag kaibigan. Ano iyon? "Pagnalaman ko na kasama ka sa pagpatay kay Danica di kita mapapatawad."

Kinuha ko yung isa. Pinsan nga ni Nathan.
Pinag aralan kong buong mag damag ang mga andito. At nalinawan ako.

****

Danica's Point of View

Papunta kami sa bahay ng isang kaibigan ni Jacob. Yung pinsan daw nung Nathan ay kaibigan ko. "Andito na tayo." Bumungad saamin ang ala mansyon na bahay, mas malaki parin yung kina Jacob. Bumaba na siya kaya lumipad ako at lumusot. Hihi.

Pinindot niya yung doorbell. Bumukas naman agad ito. "Good Afternoon po, Sir Jacob." may sumalubong saamin na maid.

"Nasa si Nathan?"

"Nasa kwarto po ni Young Lady Faye." Tumango ito at pumasok kaya pumasok na rin ako. Inikot ko ang paningin ko. Ang ganda ng loob. Pumunta kami sa taas.

*Knock*Knock.

"Sino yan?" Sigaw ng isang lalaki. Binuksan naman iyon. "Andyan ka na pala, pasok." Sumunod ako. May nakita akong babae na nanonood.

Napatigil ako parang pamilyar siya. Ngumiti siya kay Jacob. Okay nagselos ako doon. Joke lang #^_^#

"Jacob!" tumakbo ito at yumakap kay Jacob napataas taloy ang kilay ko. So ex-girlfriend din siya ganun? Hahaha.

"Bitaw!" Ngumuso siya. "Para kang bata!" Yan tarayan mo! ^_^ Ang sama ko sa kaibigan ko!

"Oo na. Ano ginagawa niyo dito ni Nathan?" tanong niya.

"Kilala mo si Danica?" Nawala ang ngiti ng babae at natulala. "Kaibigan mo siya diba? Ano ba talaga nangyari noon? Iniwan mo ba talaga siya? O sinadya mo iyon?"

"D-Di ko...alam ang sinasabi mo..." napaupo ito sa kama.

"Jacob dahan-dahan lang, may trauma pa siya doon." Nathan.

"U-umalis na kayo dito! W-wala ako kinalaman sa babaeng iyon! Wala kaya utang na loob huwag niyo na ako guluhin!" sigaw niya. Napahawak ako sa puso ko, bigla ito kumurot at napaluha ako. Ganto ba kasakit ka pa yung mismong kaibigan mo na ang nagtataboy sayo? bakit? Masama ba ako noon?

"Di ko siya kilala! Saka matagal na siya nanahimik! Huwag niyo ng guluhin!" Napatingin ako sakanya, nakatakip ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay. Di ko na kaya....tumagos ako sa pader. Bakit ganun?

Mas lalo ako napa isip...ano nga ba ako noon?

Kaibigan ba ako noon? Sabi naman nung officer mabait ako sa kwento niya. E bakit ganun niya ako pagtabuyan? Ang sakit pala, kasi kaibigan ko siya noong nabubuhay ako.

Bakit pa kasi ako nawalan ng alaala? Bakit?

****

Jacob's Point of View.

"Lumabas ka muna Jacob." tumango ako. Ayoko makipag usap sa baliw. Anong pake ko kung may trauma siya? Ako nga nanay ko nawala di ako nagkatrauma, galit ang nanaig saakin. "Faye, sana makipagtulungan ka saakin, ikaw lang ang makakatulong saakin para malutas ko ang lahat. Sana pagisipan mo." Yun ang sinabi ko bago tuluyan na lumabas.

Naalala ko yung kanina.....si Danica, umiiyak siya, bakit ba ganun ang takot nya na masabi ko ang pangalan ni Danica?

Nasa na ba siya? Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. "Natatakot siya, ayaw niya sabihin dahil baka mapahamak siya." sabi ni Nathan. Bigla naman ako napaisip, ibig sabihin may tumakot sakanya. Tumingin ako kay Nathan. "Lagi ako pupunta dito para kumbinsihin siya, at tutulungan mo ko doon."

"Pano?" kwinento ko ang plano ko.
Sumang ayon naman siya. "Sige na, mauna na ko." tumango siya. Nasan na ba si Danica?

Pumasok ako sa kotse at pinaandar na ito. "Nasan na yung multo na yun?" Tanong ko sa sarili ko, nababaliw na yata ako e.

PUMASOK na ako sa unit ko. Wala siya dito? Tsk nag gala yata yun. Kumuha ako sa ref ng beer. Binuksan ko ito at tinignan yung nasa documents.

Binabasa ko iyon.........

Basa...

Basa...

Napakunot ang noo ko. Mabilis natapos ang kaso?! Parang di naman nila ito binigyan ng pansin Tsk.

Ilalapag ko na sana ng may mahulog na papel. Pinulot ko iyon.

'May Binayaran, May Tinakot."

Binayaran? Tinakot?

-------

Guys! I'm so sorry, dahil ang tagal ko bago mag update. Pasensiya na talaga....

Di ko yata kaya na araw-araw mag update, madami kasi talaga ako ginagawa.. ~T_T~~T_T~

Sorry~~~ Sorry talaga....

Baka this week di ako makapagupdate, next week na siguro.

Sana maintindihan niyo, sisikapin ko na makagawa ng 4 na chapter para apat na araw may update ako ~T_T~ Di ko kasi talaga maharap.

Di na muna ako mangangako dahil di ko rin natutupad. Sana hinatayin niyo parin ang update ko....

Thank You!

Don't forget ko to Vote, Comment and follow me. Hihi.

~Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon