AGTR 2

1.6K 47 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Multo." lumaki ang mata ko.

Multo siya?

"Di ako naniniwala! Ipakita mo talaga na multo ka!"malay mo palabas lang niya yun.

"Sige lulusot ako dun ah!" Pano naging maganda ang multo?

Diba panget iyon.

"Nakita mo?" napatingin ako sakanya.Triny ko siya hawakan pero tumagos lang

Bakit di ako natatakot?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko."Kailangan ko ang tulong mo." napatingin ako sakanya.

"Anong tulong?" tanong ko ulit.

"My mission ako dito.Hindi ako makakapunta sa langit kapag di ko iyon nagawa.Kailangan ko malaman kung bakit ako namatay at kung sino ang pumatay saakin." tumingin ako sakanya.

"Wala ako matutulong sayo.Umalis ka na.Matutulog na ko." humiga na ako at nakatulog rin.

-----

Danica's Point of View.

"Wala ako matutulong sayo.Umalis ka na.Matutulog na ko." Ang hirap naman niya paamuhin.

Pano na? Di ako makakakyat sa langit hanggang di ko nalalaman kung sino pumatay saakin at kinamatay ko.

Paano na ang mission ko.Gusto ko makapunta sa langit.Alam ko na.Di ako titigil.

Hi! Ako nga pala si Danica Gabriella Cruz.18 years old.

Di ako basta-basta tumitigil lalo na siya lang ang susi ko para makapasok sa langit.

Bukas na bukas magpapakita ako sakanya.Di ko siya titigilan hanggang mapa-oo ko siya.Pero sa ngayon matutulog muna ako.Nakakaantok rin.

Tumabi ako sakanya.Ang pogi niya kapag natutulog.Pero paggising ay ewan.

"Di ako titigil.Sigurado ako na tutulungan mo rin ako."

-----
Jacob's Point of View.

"uy! Jacob gising!" pagdilat ko."Wtf!? Andito ka parin!" akala ko umalis na siya.

Ano ba talagang kailangan niya.Sinabi ko wala akong maitutulong sakanya

"Di mo ba ko titigilan! Ang kulit mo multo ka!" angal ko."Maghanap ka ng ibang tutulong sayo.Hindi ako." Tumayo na ako.

"Bakit ba ayaw mo kong tulungan?" Tanong niya."Simple lang a-y-o-k-o"

"Hanggang diyan ka lang.Huwag kang papasok!" sinarado ko ang pinto ng banyo at nag-start na magshower.

Pagtapos ko na kaupo parin siya doon.
Tumingin siya saakin at ngumiti.Pero nawala iyon na makita niya na ka uniform ako.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Wala,naalala ko lang yan yung suot ko bago ako mamatay." napatingin ako sakanya

"Ano ba talagang nangyari sayo?" Tanong ko.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now