AGTR 87: Camping

717 16 0
                                    


Enjoy reading *-*

~~~~Danica's Point of View.~~~~

Naalipungatan ako ng marinig ko ang ingay mga kaklase ko. Idinilat ko ang mga mata ko at unang bumungad saakin ay mga kaklase ko na nakatayo at parang may tinitignan.

"Sir!! Dyan tayo? Emeged!"

Kumurap-kurap muna ako. Napakunot ang noo ko na maramdaman ko na ang bigat. Tae! Naka sandal pala ako kay Jacob.

Tatanggalin ko na sana yung ulo niya na makita ko yung kamay niya at kamay ko. ..

magkahawak.....

Napatitig nalang ako dito.....mukha kami mag jowa ngayon...pero di naman talaga.

Pano kaya kung kami nalang nung una noh? Mahal na mahal ko pa din siya.

Kaso...ayoko masaktan kaibigan ko. Nahihirapan ako sobra.

Nagbabadya na naman yung luha ko kaya agad ko tinanggal ang kamay ni Jacob sa kamay ko at dahan-dahan na tinanggal ko ang ulo niya. Pinunasan ko yung basang mata ko.

Di ako puwedeng umiyak. Hindi puwede......"Oh Danicaaa, gising na pala u! Tignan mo ohh." Bigla niya binuksan yung kurtina ng bintana ng inuupuan namin.

Napa 'wow' nalang ako. "Okay class, gisingin niyo na yung mga kaklase niyo na natutulog. Lalabas na tayo. Kunin niyo na mga gamit niyo. Girls, mag patulong kayo sa mga lalaki." pagkasabi ng prof namin. Sinarado ko uli yun kurtina nakakasilaw e.

Tinapik ko na si Jacob. Nagmulat siya ng mata at nagkatinginan kami.

Putek....ang awkward......Ilang sigundo ata kami ganun bago ko naisipan umiwas. "Ehem.." inayos ko muna yung boses ko. Tumingin uli ako sakanya. "Gising na aba! Andito na tayo!" saad ko at binuksan yung kurtina sa inuupuan namin.

Agad naman siya napatakip ng mata. "Hey!" saad niya at umayos na ng tuluyan. Tumingkayad na ako para kunin yung luggage ko sa taas. Na mag salita siya. "Ako na dyan. Kunin mo nalang to." saad niya at ibinigay yung bag ko at bag niya. Kinuha ko naman to at bumaba na nga.

"DANICA!! Dali tignan mo yung gubat! Gosh! It's so beautiful! Excited na akooo!" sigaw ni Lisa.

"Teka-" tumingin ako sa gubat na yun. At tama nga si Lisa ang ganda. Napangiti ako.

"Woah." napatingin ako kay Jacob na dala-dala ang maleta ko at maleta niya. Nakatingin din siya sa view. "Astig." saad niya at ngumiti.

Di ko naiwasan na hindi mapatingin. Ang gwapo niya tignan pag nakangiti. "Danica, let's go?" bigla siya tumingin kaya napaiwas ako. "Hmm? May allergy ka ba? Namumula ka e." tanong niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now