AGTR 9

1.2K 39 0
                                    

Danica's Point of View.

"San ba tayo pupunta?" saad ko. Kasi umagang-umaga palang ginising na niya ko. Ang sarap pa naman ng tulog ko. May dala siya maleta. Teka— "Don't tell me na papatayin mo ko!" Mamatay na ba ulit ako? Bakit? Di naman niya ko mapapatay diba? Kung ilalagay niya ko sa maleta tatagusan ko lang naman iyon. Kaya hindi rin.

"Tanga!" Sabi niya. "Sa tingin mo mapapatay pa kita? Saka sino ba nagsabi na papatayin kita? Ano ba ang pinaginipan mo at nahihibang ka ngayon?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Sorry naman. Di mo kasi sinasabi kung saan tayo pupunta kaya ako nakakapagisip ng mga bagay-bagay." sabi ko.

"Tsk. Makikita mo rin kapag nandun na tayo." saad naman niya. Tumango-tango ako. Bigla kong naalala yung case ko.

"Jacob, naalala ko bigla ano na? May nalaman ka na bang information?" tanong ko. Tumingin siya saakin at umiwas rin.

"Ako na bahala doon. Huwag ka na masyado mag alala." Kumunot ang noo ko. Pero hinayaan ko nalang iyon. Baka wala pa siya ganun alam sa nangyari saakin.

***

"Ang ganda naman dito!" saad ko. Isa itong condo, sakanila ata ito eh. Kasi sakanya lang yung 15th floor. Pagbukas mo ng 15th floor isang pintuan lang makikita mo. Nung pumasok kami dito ito agad ang bumungad saakin. Ang ganda sobra.

Para na nga di ito condo eh. Parang bahay na rin. Umupo ako sa malaking sofa. Ang lambot sobra. Di na ko nakapag pigil at humiga. Puwede ka na makatulog dito dahil sobrang komportable.

"Sayo to?" Tanong ko.

"Di ba obvious?" Nang milosopo na naman.

"Sorry naman. Akala ko sa ate mo eh." Puwede sa ate niya to baka hiniram lang niya diba?

"Akin to okay? Kita mo naman diba black and white." Jacob.

"Bakit di ba puwede na gusto ng ate mo ang black and white? psh." Nagantihan din kita.

"Tsk. Meron rin si ate, nandun sa 9th floor." Kwento niya. Sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa isang kwarto.

"Ah, bakit tayo nandito?" tanong ko. Pinikit ko ang mata ko.

"Dito muna tayo titira hanggang sa malaman na tin kung bakit ka namatay." Napadilat ako. Saka napakunot ang noo ko. Umayos ako ng upo.

"Huh? Eh bakit kailangan pa natin na umalis doon?" tanong ko.

Tumingin siya saakin. Alam ko nakukulitan na siya. "Dahil ayoko pagkamalan ako na baliw, ang kumakausap na di naman nakikita ng ibang tao isa lang ang ibig sabihin nun may saltik na sa utak. Kaya umiiwas ako sa sasabihin nila dahil di naman totoo. Pero ewan ko di parin ako makapaniwala na kumakausap ako ng multo." iling-iling na sabi niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now