AGTR 19

1K 31 0
                                    

Danica's Point of View.

Pag gising ko, wala si Jacob, nasan na kaya iyon? Anong araw na ba?

Sunday.....bukas pa ang pasok niya. Hayaan mo na nga yun Danica, baka nag gagala.

"Ano kaya magandang gawin ngayon?" nakakasawa na rin kasi gumala gala.

Napatingin ako sa bag ko, umiilaw. Kinuha ko iyon at binuksan iyon. Tinaob ko at nilabas lahat. At doon ko nakita yung isang kwintas na umiilaw.

Kinuha ko ito, at tumigil na umilaw. Naalala ko ang sinabi ni God saakin.

"Kapag umilaw na yan, ibig sabihin tapos na ang misyon mo. Kapag tumigil ang ilaw ng kunin mo, ibig sabihin malapit na..."

"Isuot mo yan, kapag baba mo."

Sinuot ko ito, nakaramdam ako ng onting lungkot.....Oo nga pala, multo ako at di ako tao. At di ako puwede manatili dito.

Tumulo ang luha ko, ewan ko pero nasasaktan ako, isipin ko palang na aalis ako
..parang d-di ko kaya.....

Ayokong umalis... yan ang sinasabi mg puso ko....pero ang isip ko sinasabi na kahit anong gawin ko kailangan ko bumalik.

Pero anong m-magagawa ko? Naguguluhan ako. Gulong-gulo ako.

"Danica, a-ano b-bang nangyayari sayo?" lumuluha kong sabi sa sarili ko.

T-Tama. Siguro dahil di ko pa nakikita ang magulang ko....kaya ganto.

Di ko naman kaya na pumunta mag isa doon, dahil di ko kaya. Masyado malayo di kakayanin ng lakas ko at kapag nangyari yun maliligaw lang ako.

Pinunasan ko ang luha ko. Tama na Danica! Multo ka! Multo ka!

Di ka tao.

Mapait ako napangiti, mas okay na iyon para malaman ko sa sarili ko na dapat di ako magmahal.........Di dapat ako magmahal ng tao.

Dahil ako ang masasaktan. Naalala ko si Jessie.......yung mga sinabi niya saakin....

~~FLASHBACK~~

"Ate Jessie! Nakabalik ka na pala!" Masayang saad ko kay Ate Jessie.

Niyakap ko siya at ganun din siya.

"Namiss kita Danica! Kamusta?"

"Eto hinihintay ka. So iiwan mo na ko, papasok ka na sa langit?" Malungkot na saad ko.

Tumawa siya. "Magkikita naman tayo ulit...doon. Malapit mo na rin magawa ang misyon mo."

Umupo kami sa ilalim na puting puno. Lahat dito ay puti. Mga puno at ano mang bagay.

"Misyon?"

"Oo, diba nung pumunta ka dito wala ka naalala?" Napaisip ako tama siya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now