AGTR 23

924 29 0
                                    

Jacob's Point of View.

"J-Jacob! Bumalik ka na! Kailangan kita!"

Napahinto ako sa daan ng kalsada. Ano yun?

"Danica?"

*Beep*Beep*Beep.

Napatingin ako sa likod, naka go nga pala. Pinaandar ko na ang kotse ko.

Bigla ako kinutuban. Si Danica? Alam mo si Danica lang ang puwedeng tunawag sa boses ko at narinig ko iyon hanggang dito.

Dahil sa kaba ko...binilisan ko na ang takbo ng kotse ko. Papunta na ko Danica....maghintay ka lang.

****
Chelsea's Point of View.

Pumasok ako ng unit ni Jacob. "Di pa pala niya pinapalitan ang passcode." ngumiti ako at naglakad. Napahinto ako ng makita yung walis at dust pan. Weird. Kinuha ko ito at nilagay sa lalagyanan. Baka nakalimutan ng tagalinis.

Tsk!

Ngumisi ako at nilibot ang mata ko. Nasan na kaya yun?

Nasan na? "Magaling din palang ang lalaki na magtago nun ah?" na aamaze na saad ko. Nasan na ba yun?

Tinignan ko yung mga drawer. Nasan na bayun? Baka maabutan ako nun e.

Binuksan ko yung isang drawer puro papel...puwede dito niya nilagay iyon.

*Bzzt*Bzzt*Bzzt*

Kinuha ko yung phone ko.

From: Babe.

Umalis ka na dyan, pauwi na si Jacob, maabutan ka nun.

Bakit umalis agad?! Kaasar. Binilisan ko ang pag hahanap. Nasan na kasi yun?!

Kainis! "Chelsea?!" Sakto nasara ko yung drawer. "What are you doing here?!" Lumapit siya at hinawakan ang braso ko.

Napapikit ako ng diinan niya ito. "A-Aray...Jacob masakit.."

"Masakit huh?" Hinila niya ako. At tinulak paalis.

Kaya napaupo ako. Ang sakit!

"Huwag na huwag ka nang babalik dito!! Naintindihan mo?!! Ayoko makita ang pagmumukha mo!" Sigaw niya sabay sara ng pinto.

"Arghh!!!! Bwisit!" Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko. Kinuha ko yung phone ko.

Calling Babe...

"Hello Babe, Naabutan ka ba?"

"Can you fetch me?"

"Okay."

"I will tell you later what happend."

"Wait me there, I'm on my way now. I love you."

"I love you too."

****

Danica's Point of View.

Nasan ka na Jacob? Nakahawak ako sa puso ko na patuloy na sumasakit.

iyak lang ako ng iyak sa isang tabi. Wala na akong lakas. Di ko rin kaya hanapin si Jacob....

"Chelsea?!" Napatingin ako sa boses na yun. Andito na si Jacob!

Nakita ko siya tumingin saakin, at nagulat sa itsura ko. "What are you doing here?!"

Linapitan niya yung babae at hinawaka sa braso. Napapikit yung babae. Tumungo nalang ako at iyak na iyak.

"Huwag na Huwag ka nang babalik dito!! Naintindihan mo?!! Ayoko makikita ang pagmumukha mo!" sigaw niya.

"Danica...Shh." Naramdaman ko ang init. Niyakap niya ako.

"Jacob!" Niyakap ko siya. "Buti dumating ka....Akala ko.."

"Shhh, huwag ka nang magsalita. Andito na ko. Safe ka na." Umiyak lang ako ng umiyak.

"Danica..." Pinunasan niya ang luha ko. Nakatingin lang ako sakanya. "Eto tatandaan mo...As long as andito ako..safe ka. Wala na akong pake kung multo ka man o di ka na buhay...basta para saakin babae ka na dapat kong ingatan at protektahan." Nakatitig lang kami sa isa isa. Jacob..."Ewan ko Danica...bakit ganto nararamdaman ko..pero ayoko na umiiyak ka, nasasaktan ka, at nalulungkot....ayoko na makita ka na ganun dahil nadudurog ang puso ko...nasasaktan ako pagnakikita kita nasasaktan."

"Jacob..."

"Danica, I don't know how its start....but I'm starting to like you."

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now