AGTR 29

934 29 0
                                    

Danica's Point of View.

"HINDI! ANAK!!" Napapikit ako at hinawakan ang aking tenga.

Di ko kaya...di ko kaya makita si mama na ganun.

Gusto kong umalis..pero di ko magawa. Para may nakabaon sa paa ko na bato na di ko matanggal.

Nakatayo ako sa malayo at tanaw na tanaw ko ang mama ko na umiiyak.

Kung sana lang talaga. Bakit kailangan ko maranasan ang ganto? Bakit kailangan umiyak at masaktan?

"*Hik* Ma, sorry." Yun lang ang lumalabas sa aking bibig. Di niya dapat diserve ako na anak.

****

Jacob's Point of View.

"Kailan pa?" tanong ng tatay ni Danica. Galing siya sa kanya trabaho.

"Isang taon na." Saad ko.

Andito ang buong pamilya ni Danica. "Kuya, totoo po ba na wala na ang ate ko?" Tanong ni Gresie.

"Nasa magandang lugar siya." saad ko.

"Anak, doon ka muna sa kwarto mo kasama si Jane." saad niya. Pinsan ni Danica si Jane na ngayon ay tumitira na kasama ng pamilya ni Danica.

"Bakit ngayon lang namin alam?"

"Yung kaso po ni Danica, mabilis na nagsarado." saad ko. Tumingin ako sakanila. "Hindi nila masyado ginalaw ang kaso dahil alam nila na suicide ang nangyari."

Pinagsaklob ko ang dalawa kong mga kamay ko at pinatong ang baba ko doon. animoy nagdadasal ako.

NAGLAKAD na ako papasok sa sasakyan, wala doon si Danica. Ginala ko ang aking paningin at nakita ko siya.

Lumakad ako papunta sakanya at umupo sa tabi niya. Umiyak siya. Namamaga ang naya habang nakatingin sa dagat. Tinanggal ko ang jacket at nilagay iyon sakanya.

Nakuha ko ang atensyon niya. "Tara na, malamig na oh." saad ko. Pero nanatili siyang nakatingin saakin.

"Jacob, bakit kailangan mahirapan ako?" tanong niya saakin. Namuo ang mga luha niya. "Bakit kailangan lagi ako masaktan?" Tumingin ulit siya sa dagat. "Bakit lahat nalang ng tao na mahal ko, nasasaktan? At kahit ako."

"Danica.." tumingin siya saakin na kinagulat ko. Di ko kaya makita siya umiiyak.

"Bakit kailangan mo kong saktan? Bakit pinaasa mo ako?" Di ko alam ang sasabihin ko....ibig sabihin.

"Mahal na mahal kita."

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now