AGTR 82

760 19 1
                                    


Danica's Point of View.

Maaga ako nagising dahil nga susunduin ako ni Harold dito. Nag paalam ako kina mama na di ako papasok ngayong araw dahil ihahatid ko si Harold. Pumayag naman siya dahil ngayon lang naman ako umabsent.

10:00 AM dadating si Harold dito para sunduin ako. 1 PM kasi ang flight niya. Kailangan maaga sila dahil traffic pa naman sa Pinas. So nag bihis na ako. Simpleng white t-shirt at black na ripped-jeans.

Bumaba na ako para kumain ng umagahan. Nakita ko naman si Mama na naghahain ng pagkain ko. Ngumiti ako. "Good Morning, Ma." bati ko.

Ngumiti naman siya saakin at niyakap ako. "Good Morning din." Malambing na sabi niya saakin. "Talaga bang aalis na si Harold?" tanong niya. Umupo na ako. Ganun din si mama, pero wala siyang pagkain.

"Opo, pero babalik daw siya. Isang buwan lang daw siya doon." saad ko. Sumubo na ako ng pagkain.

"Ganun ba? Mamiss yun ng kapatid mo. Pumasok pa naman na." napangiti nalang ako. Kasi mga tatlong beses bumibisita si Harold dito. Ang ginagawa niya? Nakikipag kwentuhan sa nanay at kapatid ko. Tas tumutulong. Daig pa ko hahaha. Para siya yung anak.

"Babalik naman yun e. Hahaha." Hinayaan na ako ni mama kumain. Pagtapos ko kumain naupo lang ako sa sala at nanood. Habang nagpapalipas ng oras. Si mama naman naghuhugas, sinabi ko na ako na kaso mapalit siya. Hintayin ko nalang daw si Harold.






Nakarinig ako ng busina ng kotse. Sakto naman kakatapos lang din ni mama. Kinuha ko na yung bag ko ng may kumatok. Si Harold. "Good Morning!" masayang bati niya.

"Pasok." nakangiting sabi ko. Para wala sakanya na aalis siya. Dumaretso naman siya sa mama ko.

"Ma!!! Mamimiss kita." sabi sainyo close sila ni mama. Mama na din tawag, loko. Niyakap din siya ni mama.

"Nako ikaw hijo! Ba't di mo sinabi na aalis ka! Kung di pa sinabi ni Danica di ko malalaman." sabi ni mama. Umupo lang ako at tinitigan sila.

"Sorry po biglaan din kasi iyon, Ma." kamot-ulo niyang sabi. "Ayy oo nga pala. Mama, ibigay mo to kay Gresie. Sapatos yan. Baka kasi magtampo kasi di ako nakapag-paalam." Napangiti ako. Para siyang kapatid ko.

"Nako! Dapat di ka na nag abala. Ingat ka doon ah. Bumalik ka kaagad." Tumawa naman siya at tumango.

"Yes Ma'am!" kaya kaming tatlo natawa nalang. "Mauna na po kami. Babalik din po ako." niyakap niya ulit si Mama.

"Ingat ka doon." sabi ni mama.

"Ma alis na po kami." paalam ko at niyakap din siya.

"Ingat." saad niya. Inihatid kami ni mama hanggang gate.

Sumakay na ako sa kotse. Kumaway siya kay Mama. Di pa siya nakuntento, binaba niya yung salamin ng sasakyan tas nag wave siya habang umaandar. "Bye Ma!! Babalik po ako!!" Napailing nalang ako.

Pinalo ko yung likod niya. "Ah! Sakit nun!" Reklamo niya.

"Umayos ka nga! Baka gusto mo maaksidente." Saad ko. Umayos naman siya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now