AGTR 40

880 27 0
                                    

Enjoy Reading Guys! :)

Nathan's Point of View.

Napatigil ako nang bigla lumuhod si Jacob. Teka..ngayon lang to.

"Nagmamakaawa ako, magsalita ka na. Kailangan ka ni Danica. Kailangan na kailangan." natahimik ako.

To-Totoo ba ang nakikita ko? Si J-Jacob ba to? Bakit?

Ngayon lang niya ginawa to.....kahit noon wala siya ginawa. Pero bakit dahil sa Danica na yun, napaluhod siya? Napatigil ako, umiiyak siya...Bakit?

Nasan na yung gangster?

Nasan na yung masungit?

Nasan na yung ngisi?

Nasan na yung masama?

Nasan na yung malakas?

Nasan na yung walang inuurungan?

Nasan na yung kilala kong JACOB.

"Nagmamakaawa ako....F *hik* F-Faye...parang awa mo na magsalita kana..." umiiyak na saad ni Jacob. Tumingin ako kay Faye, nagsimula na siya umiyak at umiwas nang tingin.

"S-Sorry, pero di ko talaga alam ang sinasabi mo." Lumuhod ako.

"Jacob, tumayo ka na dyan." mahinahon na saad ko. Ayoko nakikita ang kaibigan ko na nakaluhod naiinis ako, bakit bigla nawala yung Jacob?

"Wala!" nagulat ako na bigla siya sumigaw habang nakaluhod. "Anong klase kang kaibigan?" mahinang saad ni Jacob.

Tinayo ko siya. "Pagtapos nang lahat...itataboy mo siya?" di makapaniwala tono ni Jacob. Tumingin ako kay Faye. Ang mga mata niya may gustong sabihin. Napatingin ako kay Jacob nang tumawa siya. Tawa nang demonyo.

"Kaibigan ka ba talaga? o kagaya ka rin ni Chelsea."

"P-Pano.." Faye.

"Pano?" nakangising tinignan ni Jacob si Faye.

"Sabi ko sayo, takasan mo man ako, di mo matatakasan ang RESPONSIBILIDAD mo. Madami ako alam Faye..." Jacob. "Kaibigan ka ba talaga niya? Para kasing hindi e."

"Kung PAGTABUYAN, ISIGAW NA HINDI MO SIYA KILALA? Sa tingin ko, hindi ka NIYA kaibigan." Jacob.

Lumakas ang iyak ni Faye. Naguguluhan na ako.

"Napaisip ako, ano ba ang nangyari, bakit di ka nagsalita." Jacob.

"Pre, huminahon ka." saad ko. Tumingin siya saakin at tumango.

"Naalala mo ba yung mismong araw na nakita siya?" Tanong ni Jacob kay Faye. Nagpalipat lipat ang tingin ko sakanila. "Diba sabi mo, hindi siya nagpakamatay?"

"P-Pano mo nalaman ang mga iyon?!." Faye.

"Faye, hinihingi ko lang sayo, magsalita ka lang, magkakaroon nang hustisya ang kaibigan mo." Jacob.

"S-Sorry Jacob." Tumakbo si Faye sa taas.

"Pre!!" bigla siya nawalan nang malay. Takte naman! Binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko. "Ano ba nangyayari?"

"Manang, kumuha ka nang damit ko, sabihan mo si Mang Edgar na pumanik dito at palitan si Jacob." paalam ko kay Manang. Lumabas ako sa kwarto ko.

Napaisip ako, yung kanina, di normal saakin ang ginawa ni Jacob. Iba siya nung nakita ko.

Yung mag makaawa siya sa tao, ngayon lang yun. Ano ba si Danica sakanya? Bakit ang lakas niya kay Jacob? Bakit napaiyak niya si Jacob?

Kahit nang sila pa ni Chelsea, nung nagbreak sila, oo, nasaktan siya, at nagalit ako doon, pero di ko siya nakita umiyak, nakita ko lang kung paano siya uminom.

Kahit ako nabigla. Saka pano niya nalaman na kasama si Faye? Bat ang dami niya alam?

Hindi ako naniniwala na nahilig siya sa mga kaso. Sigurado ako, na may iba pa itong rason bakit niya binuksan ito. At nasisigurado ako na mahalaga iyon.

Bilang kaibigan, kailangan ko tong gawin, kailangan ko malaman ano ba talaga nang yari. Kailangan nila si Faye at gagawa ako nang paraan para matulungan ko si Jacob.

Kinatok ko si Faye. Bukas ang pinto niya kaya pumasok ako. "Faye?"

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. "Nathan, natatakot ako.." umiiyak na saad niya. Napakunot ang noo ko.

"Ano ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nathan, natatakot ako magsalita. Baka ipahamak ko at natin." napatahimik ako.

So tama si Jacob...may alam siya.

"Kilala...mo....si...Danica?" tanong ko.

"Kilalang-kilala, di ko siya puwede malimutan. Hinding-hindi."

------------------
Don't forget to Vote, Comment and Follow :)

~Lovelots

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now