Chapter 94

640 11 1
                                    

~~Enjoy reading!~~

~Chris's Point of View~

"Tell me Chris, ano nangyari doon sa dalawa? They didn't show up in the dining area tas eto yung mangyayari?" saad ng prof namin. Kasalukuyan kami na sa labas ng clinic.

"Ms, The truth is we don't know what really happened. Sabi lang nila may paguusapan sila kaya iniwan na namin silang dalawa." saad ko. Napabuntong-hininga nalang ang prof namin.

"Call me when they wake up." Tumango ako. Umupo ako sa tabi ni Lisa.

"Hey.." Tumingin naman siya sakin. Pansin na pansin ang pamamaga ng mata niya.

"C-Chris..natatakot ako...bakit ganun yun nangyari?" tanong niya sakin Kahit ako din, Lisa, tinatanong ko yan sa sarili ko.

Ano ba ginawa niyong dalawa?

Imbes na sagutin ko siya niyakap ko nalang siya. Ayoko magalala siya. "Everything will be alright, I swear." Saad ko. Tumango siya at tumahin din.

Lumabas naman sa clinic sina Cess at Cliff. Pagkatingin pala ni Cess kay Lisa, dali-dali na ito pumunta samin. "Oy babae! Ano pinagiiyak mo dyan?" pang-aasar ni Cess. Alam ko ginawa niya lang iyon para di na umiyak si Lisa and I'm thankful for that.

"Tse!" singhal ni Lisa sabay pout. Ang cute e noh?

"Aysus! Chansing kalang kamo! HAHAHA." natawa ako dun.

Pinalo naman agad ako ni Lisa. Tinaas ko lang siyang ng balikat at dinilaan.Nakita ko naman sumenyas si Cliff, pagkatingin ko. "Hey, usap muna kayo ni Cess ah? Balik din kami kaagad." paalam ko sakanila. Ngumiti at tumango si Lisa saakin.

Sumunod ako kay Cliff. Nang alam na namin na malayo na kami sa dalawa saka kami tumigil.

Sumandal kami pareho sa magkabilang pader ng hallway na to. "Ano sa tingin mo yung nangyari?" Sambit ni Cliff. Di ko alam pre.

Napabuntong-hininga ako. "Pre, gulong-gulo ako. Kanina okay naman tayong lahat? Tas pagtapos lang ng dinner may mangyayaring ganito?"

"Do you remember what Jacob said earlier? Before he passed out?" Tumingin ako ng daretso sakanya. Napataas ako ng kilay.

Naalala ko na. Sinambit ni Jacob. "I deserve this"

"Ano meron don?" tanong ko. Tumingin sakin si Cliff.

At kwinento ang nangyari, simula doon sa kwento ni Cess na nakita niya lumuha si Danica at ang pag message ni Thalia sa phone ni Jacob na nakita ng chismosong si Cliff. Pfft. Ngayon ko lang narealize, lahat ng to is may kinalaman si Thalia.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now