AGTR 63

840 22 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Babe, san tayo kakain?" tanong ni Thalia.

"Hmm, ikaw?" tanong ko pabalik. Kasalukuyan kami naglalakad sa hallway. Kakatapos lang ng klase namin. Inikot ko ang mga mata ko, may hinahanap.

"E kung sa ****?" tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti. Nakita ko si Harold. Papalapit saamin.

"Bro, may itatanong sana ako/ Bro, puwede magtanong?" sabay naming sabi ni Harold ng magkasalubong kami. Napakamot kami sa ulo.

"Isa-isa lang guys." Thalia.

"Sige, ikaw muna." saad ko.

"Nakita mo ba si Danica?" Tanong niya. Iyon din kasi itatanong ko. Mangheheram kasi ako ng notebook e. Kaya ko siya hinihanap.

"Di mo siya kasama?" tanong ni Thalia. Bumitaw ako sa pag kakahawak sakanya.

"Baka nauna na?" sabi ko. Tumango sila.

May isang van ang sumalubong saamin sa entrance ng school. WHAT? Agad-agad ko, inilagay si Thalia sa likod ko. "Oh. Babe."

May isang lala-Bakla ang lumabas mula doon. Huh?

"Girl! Ano ka ba!" Lumapit siya saamin.

"Oy bakla! Ba't andito ka!" Natatawang saad ni Thalia at umalis sa likod ko.

"Babe?" tanong ko.

"Ayy! Babe, Si Kerry pala. Make up artist ko. Kerry, this is Jacob, my boyfriend." pagpapakilala niya doon sa Kerry daw.

"Hello Handsome! Puwede ko ba mahiram muna ang baklang ito?" saad niya kay Thalia. Kumunot noo ko. Wala naman siyang schedule ah?

"Para san?" saad ko.

"May biglaang photoshoot. At ako ito?! Pinaghahanap ng model. And ang naisip ko itong si Lia nalang."

"Babe?" Hindi ko pinakinggan ang sinabi nung bakla. Sa halip, humarap ako kay Thalia. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Ahm babe, di ko pala nasabi sayo. Minsan biglaan ang mga ito." saad niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now