Chapter 98

666 11 0
                                    

Jacob's Point of View

Dumilat ako, hinawakan ko ang puso ko. Ramdam na ramdam ko yung saya at sakit, sa mga salitang binitawan ni Danica.

Bakit kahit pinalaya mo na yung puso nagmamahal sayo, bakit mahal pa din kita?

"Danica...aalalanin kita." Umiiyak na saad ko. "Di na kita papakawalan" saad ko.

Nakatulala ako naglakad palabas. Asan na ba si Thalia? Makikipag break na ko sakanya. Ayoko siya saktan pa. Ayoko na magpanggap. Mahal ko si Danica at ayun na yon.

"J-Jacob!" Napatingin ako sa isang estudyante. Kilala ko ba to?

"Yes?"

"K-Kailangan mo pumunta sa canteen, si Danica..." di ko siya pinatapos at dali-dali ako pumunta sa canteen. Bakit ang layo ng canteen dito. Sa kabilang building pa lintek! Kabado ako tumatakbo.

----------

Harold's Point of View

Excited ako pumunta sa school. Balak ko sopresahin si Danica ngayon after ng class.
Kakabalik ko lang kasi kagabi tas naglagi ako kanina sa opisina para dun sa problema.

Nakakamiss talaga sobra. Wala ng stress. Yun nga magpapakasal pa din ako. Dumaretso muna ako locker. Tignan ko baka may naiwan akong damit. Iuuwi ko na din.

Binuksan ko ang locker ko at tumambad sakin ang isang folder. "Ano toh?" Binuksan ko iyon.

Nanlaki ang mata ko. Putang ina mo Jacob! Sabi ko alagaan mo si Danica!

Patakbo ako pumunta sa canteen at nanlumo ako sa nakita ko. Si Lilly at si Thalia? What the fuck? Ano nangyayari!

"ANO WALA KANG KASAMA? AWTS, NASA KLASE PA SILA. AYAN BAGAY SA MALANDING KAGAYA MO!" sigaw ni Lilly.

Naglakad ako papalapit at hinarang ang kamay na dapat isasampal niya kay Danica. Diniinan ko ito. Kita ko ang takot niya. Dapat lang.

Kaso...

Wala akong pake. "SUBUKAN MO PUTANG INA KA HAWAKAN SI DANICA AT SISIGURADUHIN KO MAWAWALAN NG KAYAMANAN ANG MAGULANG MO!" Sigaw ko na malakas na halos lahat sila natahimik.

"W-What? Di mo magagawa yon!" saad ni Lilly. "And andito ka na?"

"Sure ka ba? DI MO BA ALAM NA YUMAMAN KAYO DAHIL NAG INVEST KAMI SAINYO?" saad ko. Binitawan ko siya ng malakas na napaupo siya sa sahig. Kita ko ang gulat sa mata ni Thalia, sinamaan ko siya ng tingin. "Di ko alam kung anong nangyari pero isa lang alam ko. DEMONYO ka." malamig at nakakatakot na boses ang lumabas sa bibig ko. Masisi niyo ba ko? 

"Danica?" Pinuntahan ko siya. Nangigil ako. Niyakap niya ako habang umiiyak siya.

"Ilayo mo ko." pagmamakaawa niya. PUTA ASAN BA SI JACOB! ANO BANG NANGYAYARI DITO?

"Danica!" nawalan siya ng malay. Napatingin ako sakanila. "What did you do?!" sigaw ko.

Tahimik lang sila. "UULITIN KO ANO GINAWA NIYO!"

"T-Tinulak siya ni Thalia at s-sinabunutan ni Lilly." napatingin ako sa isang estudyante na nanginginig na nagsalita.

Ngumiti ako. "Thank u."

Tumingin ako kay Thalia. "Di ko alam nangyari Thalia...pero di ko alam kung bakit sumanib ka sa mga kagaya nila?" saad ko.

"K-Kasalanan niya yan." mas lalo akong naggalaiti na marinig ko ang sinabi niya.

"Naririnig mo ba sinasabi mo?! FOR GOD SAKE! BESTFRIEND MO SIYA! KILALA KO SIYA! KAPATID MO NA SIYA!" sigaw ko. "TAPOS GANTO? Nilason ka nila." saad ko.

Binuhat ko na ang walang malay na si Danica. "Soon di na kayo matatakot lahat dahil sa babaeng yan." salita ko sa lahat.

"W-what are you saying?" saad ni Lilly.

"Are you stupid? Its just means mawawala ka sa eskwelahan na to. Mark my words." Saad ko. Napatigil ako na lumabas mula sa pintuan si Jacob na hingal na hingal. HULI KA NA GAGO.

"Pre? Thalia?" Sinamaan ko ng tingin si Jacob.

"Omyghad! Danica!" lumapit samin sina Cess.

Ibinigay ko kay Cliff si Danica. "Dalhin mo agad siya sa clinic." tumango naman sila.

Bago pa makalapit si Jacob kina Cliff, hinila ko siya.

"PUTANG INA MO!" Sinuntok ko agad siya.

"Teka pre! Bat ka nanununtok!" Lumapit sakanya si Thalia.

"TANGINA NIYONG DALAWA! OH!" binato ko sakanya yung mag pictures na kung saan pinahirapan si Danica. "NAWALA LANG AKO SAGLIT ETO NA NANGYARI SA PRINSESA KO!"

"Thalia?!" Napatingin siya kay Thalia. Bakas ang gulat sa mga mata niya. Imposible naman di niya alam nangyayari to?

"SABI KO ALAGAAN MO SI DANICA HABANG WALA AKO! PERO PUTANG INA MO TOL! PINABAYAAN MO SIYA! WALA KANG KWENTA! KAPAG MAY NANGYARI KAY DANICA, PATAY KAYO SAKIN!" sigaw ko at dali-dali sumunod kina Cliff papunta sa clinic.

Sorry prinsesa ko....andito na ko.

---------
Don't forget to Vote, Comment and Follow! Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now