AGTR 73

809 18 1
                                    

Danica's Point of View.


Hanggang ngayon hila-hila pa din ako ni Jacob, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Natakot ako bigla. Paano kung itatanong niya saakin lahat? Paano kung isumbat niya saakin lahat?

Wala ako sa sarili na hininto ko ang mga paa ko. Ayoko. Ayoko sumama sakanya. Hindi ako puwede magpahila nalang. Ayoko. Ayoko na magtanong siya. Nahihirapan lang ako. Sinubukan ko makawala sakanya pero di pa din niya ako binitawan. Mabigat ako! Kaya ko 'to. Tumigil siya at humarap saakin.

Napa 'ow' ako ng bigla niya hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napatingin lang ako. Hindi siya yung Jacob na kilala ko. Hindi siya yung Jacob na minahal ko. Sa mga nakikita ko sa mata niya, puno ng galit saakin at mga tanong na naging sanhi para magulo ang utak niya. Masama niya ako tinignan. Kaya napaiwas ako. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Naramdaman ko na nababasa na ang gilid na mga mata ko.

"W-Wala naman t-tayong pag-uusapan." malumanay na saad ko habang nakatungo. Hindi ko kaya makipagsabayan sa tingin niyang nakakamatay. Mas lalo niya hinigpitan ang kapit niya kaya napahawak ako sa kamay niya na kumakapit sa braso ko. Sinubukan ko tanggalin ito kaso hindi ko matanggal. "Ano ba! Nasasaktan na ako." sigaw ko sakanya. Buti nalang at walang tao dito. Hindi kasi masyado ito dinadaanan.

"Puwede ba! Tumahimik ka nalang at sumama?" inis na saad niya saakin. "Madami akong itatanong sayo." Saad niya. Kinabahan ako.

"Kahit magtanong ka pa, wala akong isasagot." matigas na sabi ko. Dahil una palang wala akong balak ipaalam sakanya. "Kaya bitawan mo na ko." saad ko. At hinili uli ang kamay ko. Pero bigo ako at hinila paakayat ng rooftop.

Abot-abot ang kaba ko. Alam ko na dadating din 'to. Pero bakit kailangan pa ngayon? Sa panahon na gulong-gulo din ako. Binitiwan niya ako ng makarating kami sa rooftop. Tinignan niya ako. Yung tingin nung una kami magkita. "Hinayaan kita ng isang buwan. Hinayaan kita para magkaroon ka ng oras mag-isip kung paano mo ipapaliwanag ang mga kagaguhan na nasa isip ko." Inis na saad niya saakin. Nakatingin lang ako. Kaya pala. Kaya pala di niya ako kinausap at pinansin para maisip ko naman na sabihin sakanya ang lahat. Pero, pasensiyahan tayo. Wala akong balak na ipaalam sakanya.  Buo na yung desisyon ko.

"Siguro naman sapat na yung isang buwan para maisip mo pano ipapaliwanag ito diba?" tanong niya saakin. Kitang-kita sa mata niya na gusto niya malaman lahat. Pero, pasensiya na. Hindi ko talaga kaya. Tahimik lang ako at nakatingin sakanya. "Kaya magpaliwanag ka na. Bakit kita naiisip? Bakit kita naalala? Bakit kita minamahal sa alaala ko? Bakit?" sunod-sunod na tanong niya. Halatang inis na inis na siya. Umiwas ako ng tingin.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now