AGTR 5

1.1K 51 0
                                    

Jacob's Point of View.

"Kung suicide ang nakalagay sa case niya pero sabi niya pinatay siya. Posible kayang....iniba ang mga pangyayari?"

Nawala ang atensyon ko na may nagbukas ng pinto.

Isang waiter.

"Sir,eto po yung inorder niyo."

"Just leave it there." saad ko.

Tinignan ko ang mga picture.

Normal lang ang nakita ko. Naka school uniform siya.

Bigla kong naalala...

"Wala,naalala ko lang yan yung suot ko bago ako mamatay."

Tinignan ko maigi ang ang babae na nakadapa.

Teka...

Madami siya sugat sa. Meron dugo ang tagiliran niya.

Kung suicide ang nangyari? Bakit may mga sugat siya. At di naman niya kayang gawin lahat sa sarili niya iyon.

Ininom ko ang vodka sa tabi ko. Sumandal ako.

Ang dami gumugulo at tanong na nasa isip ko.

Bakit siya magpapakamatay?

Bakit niya gagawin sa mismong araw na kaarawan niya?

Bakit may sugat at pasa?

Bakit sinabi niya na pinatay siya?

*bzzt*bzzt*bzz*

Nabalik ako sa realidad ng tumunog ang cellphone ko.

Greg is calling...

Ba't siya tumatawag ngayon?

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot.

"Bakit?"

(Hello? Boss,may problema)

Kumunot ang noo ko. Problema?

"Ano na naman problema? Don't tell me nagyaya na naman si Taba ng away?"

(Yun na nga boss)

"Fvck,Away na naman?"

(Boss,ibang away.)

"Ibang away?"

(May ginawa sila na ikakainis niyo. Pumunta ka na agad dito.)

"Sige,papunta na ko."

Ano na naman ginawa niya ngayon? Bwisit na taba. May problema na nga ako ngayon,dadadagdagan pa niya.

Napatingin ako sa mga papel na nakakalat. Kinuha ko ito at binalik sa loob ng envelope.

Tumayo na ako at kinuha ang magamit ko.

Nang makarating ako sa counter. Nagbayad na ako. At umalis.

Pumasok na ako sa kotse. Nilagay ko sa likod ang envelope.

Pinaandar ko ang kotse papunta sa hideout.

Sa mga nalaman ko. Isa lang ang alam ko. Ibibigay ko kay Danica ang hustisya na hinahangad niya.

———————
Hello guys :))

Kahit onti lang ang reads pa nito. Okay lang.

Maguupdate parin ako.

Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa.

~Lovelots.

-Littlegirlost

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now