AGTR 74

906 18 0
                                    

Jacob's Point of View.

Isang buwan na nakalipas nung nangyari yung aksidente ko. Yung aksidente na yun ay nangyari dahil din sa mga pesteng na aalala ko. Hindi nila ako pinatatahimik! Araw-araw may naalala ako, gabi-gabi napapanaginipan ko. At lahat na yun, kasama si Danica! Lahat na 'yun magkasama kaming dalawa.

Sa isang buwan na iyon putol-putol ang naalala ko. Hindi sila buo. Kaya lalo sumasakit ang ulo ko. Dahil kahit ilang beses na ko nakakaalala ni isa doon walang buo. Lagi iba kada araw.

Nahihirapan na ako sobra, akala ko noon hindi na iyon magtutuloy-tuloy kaya hinayaan ko. Pero mas tumindi iyon nang makalabas ako ng ospital. Halos araw-araw na iyon. Walang pinapalipas na araw.

My head hurts so much because of those memories. I have to remember those memories so that I can be free. I will never have peace if those memories won't return.

She is the only person I know who could help me. Kaya ako humiling na tulungan niya ako. Siya kasi ang nakakaalala nung panahon na iyon. Tinanong ko siya kung ipapaalala niya ba saakin lahat. Pero imbes na sagutin niya ako, iniwan niya ako sa rooftop. Hindi ko na siya hinabol dahil nakita ko yung sakit na nasa mata niya.

Alam ko nahihirapan siya, ako din naman e. Nahihirapan ako sa ganto. Lalo na sa damdamin ko. Hindi ko alam kung ano na ba nararamdaman ko. Nung panahon na iniwasan ko siya bigla nalang nanakit ang pakiramdam ko kapag nakikita ko yung mga mata niya na nasasaktan. Normal lang naman 'yun diba?

Yung tipo na kapag nakita mo yung babae nasasaktan ka talaga. Normal sa lalaki 'yun diba? Dahil may ate at nanay ako na ayoko nasasaktan. Kaya normal lang ang nararamdman ko kay Danica dahil....

Bigla ako napatahimik. Ano ka ba si Danica? Ah. Kaibigan ko kasi siya kaya ganun. Kaibigan lang ba talaga? Hays. Hindi ko na alam.

Mahal na Mahal ko si Thalia sa totoo lang...pero naguguluhan ako ngayon. Lalo na sa mga naalala ko lalo ako naguguluhan. Yung mga pinagsamahan namin ni Danica noon para ang saya sobra. Minsan naitatanong ko sa sarili ko. Paano kaya kung hanggang ngayon ganun pa din kami?

Bakit ako naguguluhan? Kita naman na mas pabor saakin si Thalia kasi siya yung mahal ko bago dumating sa buhay ko si Danica diba?

Nagseselos ako kapag nakikita ko si Thalia may kasamang iba.

Nagseselos ka din kapag nakita mo si Harold at si Thalia.

Pinagtatanggol siya sa mga tao na may balak sakanya.

Pinagtanggol mo si Danica sa isang lalaki na dapat pagsasamantalahan siya.

Ayoko umiiyak si Thalia dahil nasasaktan ako.

Ayaw mo din nakikita si Danica na umiiyak dahil nasasaktan ka.

At higit sa lahat. Siya yung babae na gustong-gusto ko at mahal na mahal ko.

Si Danica minahal at ginusto mo din.

Teka, bakit may pang bara yung isip ko?

Kasi totoo naman.

A Ghost to Remember. (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora