Chapter 92

641 11 0
                                    

Enjoy reading guys!

Danica's Point of View

Nakarating din kami sa resort. Bumaba na kaming lahat galing sa bus. Napamangha ako sa sobrang ganda ng resort pagkababa ko palang.

"Girl! Dito tayong tatlo." magkakasama kami sa isang room nila Cess at Lisa.

Sabi ng prof namin, ay mag ayos na daw muna kami sa mga room namin tas bumaba nalang mamayang mga 8:00 PM para sa dinner namin dahil nakadating ata kami dito mga 6:50 na siguro.

"Wow ang gandaa!!" sabay-sabay naming sabi ng makita yung room namin.

May tatlong kama tapos may malaking glass window na makikita mo yung buong beach. Nagtalunan kami sa kama at nag tawanan dahil sobrang worth it HAHA.

Matapos naming maglaro parang bata. Nag ayos na din kami para bumaba. Nagpalit kami ng damit dahil sobrang lagkit din dahil wala kaming tamang ligo dahil nga galing bundok.

"Fresh na naman ang lola niyo!!" sigaw ni Lisa sabay pose habang naka bathrobe. Natawa naman kaming dalawa. "Ano amaze na naman kayo sa kagandahan ko?!" biro niya at nagsimula na kumuha ng damit.

"Lol, nangarap ang gaga." saad ni Cess bago pumasok sa loob ng cr. Tumawa lang ako at nag ayos na rin dahil ako nauna maligo.

Matapos naming mag ayos. Nag papahinga na muna kami habang hinihintay namin sila Jacob. Nasa kama ako ngayon at nagcecellphone. Kausap ko kasi si Jacob.

Jacob

Active Now

Jacob: Tapos na ba kayong tatlong magayos?

Yeah kanina pa. Kayo?
Seen.

Jacob: Typing....

Jacob: Ang tagal ni Chris sa cr aba. Di pa tuloy ako makaligo. -_-

Pffttt. Baho mo na.
Seen

Jacob: Ganun? Paamoy ko pa sayo sarili ko e. Ano? Game?

Yuck! Yoko nga. Kadiri ka
Seen

Jacob: Kadiri pala ah.

O bat? HAHAHA.
Seen

Naghintay ako ng reply kaso sineen lang ako. Lah? Magtytype na sana ako ulit sakanya na bigla mag chat sakin si Cliff.

Cliff

Active Now

Cliff: Hey, sabi ni Jacob suyuin mo daw siya. HAHA.

Lah? Pfft HAHAHA. Nagsabi talaga sayo? Di nalang nagchat.
Seen

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now