ABTR 8

1.1K 41 1
                                    

Jacob's Point of View.

Nalaman ko na lahat sakanya. Mabait siya at lagi tumutulong sa magulang. Scholar siya sa school namin. Magaling siya.

Madami din siyang kaibigan. Dahil nga mabait siya.

Pero di ko maintindihan bakit siya pinatay? O sinasabi nila na nagsuicide siya. Ano nga ba talaga ang nangyari? Ano nga ba sa dalawa ang totoo?

                               
***

Maaga na ng nakabalik ako sa bahay. Doon nako sa hideout natulog. Pumasok na ako sa bahay. "Aray!!!!" Kaasar naman! Di ko alam na may lumilipad na palang kaldero ngayon.

"San ka na naman galing! Ikaw Jacob ah!" Sigaw niya.

"Saan ba ko lagi galing?" Tsk. Iniwasan ko ngayon yung ibabato naman niya. "Oo nga pala may suprise ako sayo."

"Young Lady." Tumingin ako sa may pintuan. Nanlaki ang mata ni Ate.

"Mr.Shin!" Niyakap niya ito. Okay labas na ko.

Pagpasok ko palang."Ahhh! Shit!"

"Okay ka lang Jacob?" Sinarado ko ang pintuan ko.

"Okay? Matapos mo ko takutin! Ano nangyari sa muka mo!" Daig pa niya yung puyat na puyat sa eye bag.

"Hinintay kita kagabi. Wala ka kasi." Nagising pala siya.

"Matulog ka na. May inasikaso lang ako sa grupo namin." Saad ko. Kahit pala multo nagkakaroon parin ng eye bag ngayon.

"*yawn* Sabi mo eh" Tumingin ako sakanya. Natulog na siya. Napangiti ako ang cute niya kasi eh. Hinintay niya ko?

Kinuha ko yung maleta at naglagay na ng mga gamit na kailangan ko. Di na ko puwede tumira dito dahil sigurado ako mapagkakamalan na ko na baliw dahil may kinakausap ako.

Nang matapos ko iyon. Umupo muna ako sa sofa. Nakakapagod din pala. Doon muna ako ay hindi pala kami titira sa condo ko. Para safe ako makikipag usap sa multo na to.

Tumingin ako sa mahimbing na natutulog. Di ko mapigilan na di mag isip. Ano nga ba talaga nangyari sakanya? Oo, simula palang to pero ang gulo na. Naalala ko yung pulis, sabi niya puntahan ko siya para malaman ko ang totoo. So ibig sabihin may alam siya sa case ni Danica. Ang gulo napaka gulo.

Hinawi ko ang buhok niya. "Ano ba talaga nangyari sayo?." Mahinang sabi ko. "Pinatay ka ba talaga? o Pinatay mo ang sarili mo?" Muka akong tanga nakikipag usap sa tulog. "Kung alin man doon nangangako ako aalamin ko kung bakit ganun ang nangyari...Di ako titigil Danica hanggang di mo maasam ang hustisya na kailangan mo."

———————
Hi Guys! I'm back!

Pasensiya na kung natagalan ang update ko. Madami kasi ako ginagawa dahil malapit na ang concert ng Bts!

Excited na kasi ako sobra! Eto kasi yung una kong punta sa concert.

Sino pupunta? Kung pupunta kayo mag comment kayo lagay niyo na rin kung ano Day kayo saka bias niyo. Hihi!

Kpop fan po ako pero huwag kayong mag aalala mag uupdate parin si Author! Hahaha.

Sorry kung Boring na masyado ang story na to tapos maiikli pa. Hayaan niyo malapit na maging interesting ang story na to I promise! Kapag wala na ko ginagawa dalawang beses na ako mag uupdate!

Salamat sa mga nagbabasa at sa magbabasa.

Don't forget to Vote & Comment. Mas gaganahan si Author kung mag cocomment kayo. Huwag naman yung bad vibes ah!

~Lovelots!

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now