AGTR 4

1.2K 47 0
                                    

Danica's Point of View.

Ano kaya yung nasa envelope?
Nacu-curious ako.Parang may nagsasabi na buksan ko iyon.

Pero yung isa naman sinasabi mali iyon.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Bakit?" napatingin naman ako kay Jacob nung nagsalita siya.

"Huh?"

"Sabi ko bakit nagbubuntong hininga ka diyan." Jacob.

"Wala.May naisip lang ako." Tumingin lang ako darestso sa bintana.

"Bakit kasi ang layo nun.Sayang gas ko." Napatingin ulit ako sakanya at tumungo.

"Pasensiya na.Kung gusto mo huwag mo nalang ako tulungan." Handa naman ako na tumira sa isang madilim na mundo.Puno ng kalungkutan.

Kesa may tao na naghihirap ng dahil saakin.Mas gusto ko pa ako nalang maghirap kesa ang ibang tao.

At meroon saakin na ayoko malaman kung sino ang pumatay saakin at kung bakit niya ko pinatay.

Bigla niyang hininto ang kotse.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko kung nahihirapan ka huwag mo ng ituloy." Saad ko.Ngumiti ako ng malapad.

"Nahihibang ka na ba?! Ngayon pa ba ko aayaw eh ginagawa ko na.Akala ko ba gusto pumunta sa langit? Bakit ganyan ka?" Tanong niya saakin.

Nakatingin parin siya sa harap.

"G-Gusto ko.Pero ayoko meroong nasasaktan o naghihirap ng dahil saakin.H-Hindi ko kaya may makita na ganun." Saad ko.

"Hindi.Ako.Nahihirapan.Eto tandaan mo.Tutulungan kita kahit anong mangyari.Ilalaban ko ang karapatan mo.Hustisiya na matagal mo ng hinahangad." Napatingin ako sakanya.

Di ko naiwasan na maiyak.

Kung buhay ko...

Puwede ko siyang mahalin...

Pero hindi eh.Patay na ako....

Masasaktan lang ako kapag umibig ako.

At sa di ko ka-uri.

-*-
Jacob's Point of View.

"Hindi.Ako.Nahihirapan.Eto tandaan mo.Tutulungan kita kahit anong mangyari.Ilalaban ko ang karapatan mo.Hustisiya na matagal mo ng hinahangad." Sabi ko.

Kung di ko naipaglaban noon ang mama ko.Ngayon itatama ko.

Di man siya ito pero para saakin kapag tinulungan ko si Danica.Makakamit rin ng mama ko ang hustisiya na di ko nagawa sakanya.

Makikita niya na hindi na ko duwag na kaya ko na ipaglaban ang nararapat.

Tinigil ko ang kotse sa isang drive-thru.
Umorder lang ako.

A Ghost to Remember. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon