Chapter 89

658 10 1
                                    

Enjoy reading :)

Danica's Point of View

*DUG*DUG*DUG*DUG*

*DUG*DUG*DUG*DUG*

Tumigil ang paligid namin kahit alam ko walang tao.

Ang lambot ng mga labi niya...

Nagpaparamdam sakin na kung gaano niya ako kamahal....

Napapikit ako. At unting-unti ako napaluha. Sobrang namiss ko ang mga labi niya na puno ng pagmamahal.

At ngayon....eto na!!! Ramdam ko na!!! PUTA SOBRANG SAYA NG PAKIRAMDAM KO. Kahit mali 'to......

Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa batok niya. Dahan-dahan niyang sinimulan mas palalimin ang halik namin....at eto ako nadadala. Hinayaan ko ang sarili ko na magpadala sa mga halik niya.

Sobrang namiss ko ito. Namiss ko ang Jacob ko. Ang nasa isip ko nalang ngayon ay kung gaano ka saya ang nararamdaman ko yun lang.

Mas lumalalim ang halik namin at patagal ng patagal. Maya-maya naghiwalay na din kami. Parehas kami nawalan ng hininga doon.

"I love you, Danica..." saad niya. Umiyak ako at niyakap ko siya.

"Mahal din kita!" saad ko.

.      
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ba't ang tagal niyo?!" bungad samin ni Lisa.

"Ano? Naghabulan pa?" Cess

Pft. Ngumiti lang ako. "Sorry naman eto na. Gutom na? Nakahanap na kayo ng pagkain?"

"Yahh kanina pa. Oy Cliff, Lisa! Magsimula na kayo gawin yung apoy" sabi uli ni Cess.

"Nica, upo ka muna dito." saad ni Jacob. Umupo naman ako at tumabi siya.

"Lisa, alis ka na dyan. Pumasok na muna kayo sa tent. Kami ng lalaki magluluto." Saad ni Chris. Kaya wwla kami nagawa kundi pumasok.

Bigla naman ako binatukan ni Lisa pagpasok. "Aw! Para san yun?" tanong ko.

"May nangyari noh? Kanina?" saad ni Cess. Umiwas naman ako. At napangiti.

"Wala." saad ko.

"Naku! Nakuuuu, kunwari ka pa! Alam naman namin na may nararamdaman kayo sa isa't-isa." saad ni Lisa at humiga.

"Yah. Kaya wag ka na magtago. Di naman kami ganun na sasabihin kay Thalia." Cess.

A Ghost to Remember. (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora