Chapter 82

589 6 0
                                    


Maganda ang sikat ng araw lalo na habang pinagmamasdan ni Julie ang ilang sinag nito sa mukha ng kanyanga matapos niyang buksan ang bintana sa kwarto nito. Puyat man siya dahil sa pagpe-prepare nila ni Elmo sa surprise kay Bullet buong gabi ay hindi na iyon alintana pa sa kanya dahil gusto niyang mapasaya ang anak niya habang nasa tabi pa niya ito, habang kaya niya pang ibigay ang lahat ng kaya niyang ibigay sa batang bumuo sa pagkatao niya at maging ng pagkatao ni Elmo, ang batang nagbigay sa kanila ng second chance... a chance of being one again, a chance of a new beginning.

"Mommy?" Nangingiyak-ngiyak na samba ni Bullet habang nakapikit ang mga mata nito.

Kaagad namang lumapit si Julie sa kanyang anak upang haplusin ang kamay nito, alam niya na nasasaktan na naman si Bullet at alam niya rin na napaka-impossible ang hinihiling niya na sa kanya nalang ang lahat ng sakit na nararamdaman ni Bullet dahil kahit anong gawin niya ay hinding-hindi mangyayari 'yon. "Sssh. Baby don't cry, mommy's here."

"Where's daddy?" ungot pa ni Bullet matapos niyang buksan ang kanyang mga mata.

"Baby, hinihintay na tayo ni daddy sa baba. Kaya mo bang tumayo? "

"Mommy ayoko na ng mga nakakabit sakin, can you remove them from my body?"

"Bullet gustuhin man ni mommy pero hindi pwede, hindi makakatulong 'to sa condition mo."

"Please mommy?"

"Baby kapag gumaling ka na pwede na nating tanggalin ang lahat ng 'to."

"Mommy hindi na ako gagaling. I heard everything when we were at the hospital. Akala niyo natutulog ako but I wasn't, so please let me be the old Bullet again-" He cried. "Last na 'to mommy."

"Bullet bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?" Umiyak narin si Julie dahil hindi na talaga niya kaya. "I want the best for you. Please accept that."

"Mommy, I'm not okay. I will never be." Pinilit niyang abutin ang pisngi ni Julie para punasan ang luha nito. "You have to accept that as much as I do."

"Natatakot ako."

"Ako rin naman mommy-" Humikbi siya. "Iniisip ko palang na wala kayo ni daddy sa lugar na pupuntahan ko natatakot na ako pero mommy lahat naman ng 'to may ending."

Hinawakan niya ang maliliit na kamay ng kanyang anak na nasa kanyang pisngi. "Pero ayoko ng wala ka sa ending ng buhay ko Bullet, naiintindihan mo ba yun?"

"Hindi naman ako mawawala mommy. Yes, maybe this illness can take me out of this world, but it can't take me out of your life and daddy's. I will always be staying here, promise yan."

"Bullet stop talking okay? Bababa na tayo, makikita mo ang surprise namin sayo tapos after nun lalaban ka para gumaling ka na."

"Mommy-" He smirked while he was still crying. "Please stop crying."

"Tinatakot mo kasi ako." Hinalikan niya ang kamay ni Bullet bago siya magsalitang muli. "Baby, I want to be with you for the rest of my life, I want you now, I want you forever." Humikbi narin si Julie. "Gets mo naman di ba?"

"Mommy, hindi nga po ako mawawala. I will always be right here." Hinawakan niya ang parte ng dibdib ni Julie kung saan niya palaging nararamdaman ang tibok ng puso nito sa tuwing pinapatulog siya ng kanyang ina. "Think of me as a caterpillar in a cocoon." He smiled. "Someday I will be born again, it could be tomorrow, could be the day after tomorrow or even months from now." Hinawakan niya ang tiyan ni Julie. "Could be the baby inside here-" He chuckled. "We can't say mom, basta ang alam ko you will always be my mommy in another life. And when that day comes, I will become your butterfly again."

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now