Chapter 64

460 4 0
                                    


"Elmo naman bakit pati sa grocery kailangan mo akong isama?" Nagmamatol na sa sambit ni Alvin habang panay ang sunod niya kay Elmo habang nagtutulak ito ng push cart. "May date ako mamayang 8pm, paano na ako nyan?"

Hindi niya pinapansin si Alvin dahil abala siya sa paghahanap ng mga nakalista papel na ibinigay sa kanya ni Julie. "Sagot ko na restaurant na kakainan niyo basta samahan mo lang ako dito."

"Bakit ba kasi nag-ampon pa kayo pwede namang gumawa nalang ulit kayo ng bago."

"Alvin, kung ako lang ang tatanungin okay na ako kahit si Julie lang pero wala gusto niya talaga yan kaya susuportahan ko nalang." Nilingon niya ito ng may maalala siya. "Oo nga pala wala ka pa namang napagsasabihan na nawalan kami ng anak di ba?"

"Wala pa naman, bakit may balak ba kayong itago yun?"

"Aampunin na namin legally si Bullet kaya hindi nalang siguro namin ilalabas na nawalan kami ng anak, malaking issue pa yun."

"Si Lola Vera, sasabihin niyo ba sa kanya?"

"Hindi ko alam." He sighed. "Hindi na siguro."

"Takot kang mapagalitan no?" He chuckled. "Bahala ka malaki ka na naman, kung ano ang desisyon mo okay lang sakin basta sagot mo palagi ang date ko."

"Ulul ka ba? Ngayon lang Alvin, alam mo namang mahirap kapag may pamilya na."

"Sus." Kinuha ni Alvin ang condom na nadaanan nila para tingnan iyon. "Ang yaman-yaman mo kaya."

"Yamanin mo mukha mo." Kinuha ni Elmo ang brand ng diaper na nasa listahang hawak niya.

"Bro bili mo nga ako nito."

"Condom? Hoy Alvin ikaw ang magbayad nyan."

"Dali na, may asawa ka naman. Nakakahiyang magbayad sa counter eh."

"Hindi ko kailangan mag-ganyan, hindi ko kailangang magpakasafe kay Julie."

"Sinabi ko bang kailangan mo? Akin kasi yan."

"Ikaw magbabayad nyan, tapos ang usapan."

"Ayaw mo ha." Kinuha ni Alvin ang cellphone niya at nagkunwaring may tinatawagan.

"Sino tinatawagan mo?"

"Si Tita Gina, sasabihin ko secret mo."

"Ulul ka talaga Alvin-" Kinuha niya ang cellphone ni Alvin. "Oo na ako na magbabayad." Inis na sambit niya ng iabot niyang muli ang cellphone na iyon sa kanyang kaibigan.

"Talaga?" Bumalik ulit si Alvin sa istanteng pinagkuhaan nito para kumuha pa ng lima. "May date kasi ako sa susunod pang linggo, just in case." He laughed.

"Konting mali mo lang sa mga pinaggagawa mong yan todas kang loko ka." Natatawang sambit din ni Elmo.

"Sana kung magkakamali rin ako ng bingwit kasing hot at ganda rin ng asawa mo para sulit ang pagkakabingwit."

"Mangarap ka Alvin." He chuckled.

***

Matapos ibaba ni Elmo si Alvin sa labas ng building ng condo nito ay kaagad na siyang nagdrive papauwi. Hindi lang siya nakotongan ng kanyang kaibigan, nautakan pa siya nito dahil pati ang ireregalo ni Alvin sa date nito ay siya narin ang nagbayad, kesho naiwanan niya ang wallet niya, wala pa siyang sweldo, and so on and so forth. Natawa nalang si Elmo. Medyo sanay narin siya kay Alvin dahil parang kapatid niya na ito.

Nang makarating na siya sa bahay nila ay kaagad siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niya si Julie na hinihele si Bullet habang pasway-sway ito. Kahit mabigat ang kanyang mga bitbit ay hindi na niya napansin pa iyon, bigla na naman siyang nakaramdam ng kakaiba. Everytime kasi na nakikita niyang nag-aalaga si Julie ng bata ay mas lalo siyang naiinlove rito. Doon niya narerealize na sana anak nalang talaga si Bullet. Na sana, naipanganak ni Julie ang batang matagal nilang hinintay na makita.

"Oh hon nandyan ka na pala." Nakangiting sambit nito kay Elmo sabay baba kay Bullet sa crib ng marahan.

Lumapit siya kay Julie para halikan ito sa labi. "Pinamili ko na lahat ng nilista mo, sana walang mali." He smiled. "Ilalagay ko na sa kitchen ha?"

"Sure, nakapagdinner ka na ba?" Mahinahong sambit niya habang sinusundan niya si Elmo papunta sa kanilang kusina.

"Hindi pa, nagmamadali si Alvin may date pa raw."

"Ah." She chuckled. "Okay narin yun, hindi pa kasi ako nagdidinner, sabay na tayo." Pumunta siya sa mga pinamili ni Elmo upang ayusin na ang mga iyon.

"Hindi ka pa nagdidiner?"

"Oo, medyo maarte si Bullet ngayon, gusto niya parati karga ko siya."

"Ah, kaya pala." Lumapit muli si Elmo kay Julie para yakapin ito from behind. "Hon, ano ready ka na bang pirmahan yung pag-ampon natin sa kanya?"

"Kailangan pa ba talaga yun?"

He nodded. "Kung gusto mo talagang satin na siya, gawin na nating legal. Ayoko namang dumating yung araw na bigla nalang siyang babawiin satin. Ayoko ng masaktan ka."

Napangiti si Julie ng marinig niya iyon. "Sure, papuntahin mo na dito sa bahay yung friend mo para masettle na natin lahat."

"Okay then." Hinalikan niya ang gilid ng noo si Julie. "Magbibihis lang ako."

"Hep. Hep." He was about to go out of the kitchen when Julie suddenly stopped him.

"Bakit?" Nagtataka niyang nilingon si Julie. Nakataas ang kilay nito sa kanya habang may hawak-hawak na mga items na medyo pamilyar sa kanya.

"Elmo Magalona bakit may mga condom sa mga pinamili mo?"

Biglang natawa si Elmo ng maalala niya na nakalimutan niyang ilagay iyon sa mga pinamili ni Alvin. Sinamahan pa iyon ng kakaibang tingin sa kanya ni Julie kaya mas lalo pa siyang natawa. "Hindi akin yan."

"Eh kanino to? Sakin?!"

"Honey." Lumapit ulit siya kay Julie para pakalmahin ito. "kay Alvin 'to."

"Sigurado ka?"

"Bakit gusto mong gamitin natin yan?" He naughtily said.

"Magbihis ka na nga lang Elmo." Ibinalik muli ni Julie ang mga iyon sa plastic sabay abot sa asawa niya. "Oh ayan ibigay mo yank ay Alvin, subukan mo lang gamitin yan kung kani-kanino bahala ka na talaga sa buhay mo."

He chuckled. "Good boy 'to no."

"Okay." Kinuha niya ang mga lata ng gatas sa harap niya para ilagay iyon sa cabinet. "Oo nga pala hon, tumawag sakin secretary ng mommy mo I need to go back to work six months from now."

"Ha? Bakit ang bilis naman ata?"

"Yung mga foreign investors niyo raw kasi medyo demanding, ayaw nila yung design ng iba. Yung akin lang daw."

"Pano si Bullet? Sino mag-aalaga sa kanya?"

"Tayong dalawa." She said innocently.

"Ha? Hindi pwedeng yaya?"

"Magshi-shift tayo, magta-trabaho ka sa umaga ako naman sa gabi. Okay na ba yun sayo?"

"Ayoko nun, bakit hindi nalang tayo kumuha ng yaya?" Mabilis na pagtanggi ni Elmo sa offer ni Julie.

"Mas lalong ayoko."

"Edi wag ka nalang magtrabaho."

"Moe lumalaki si Bullet, ayoko namang puro ikaw ang nagastos. Tsaka magagalit lang lalo sakin si Gina kapag iniwan ko sa ere ang company niyo."

"Alam ko na-" Nginitian niya si Julie. "Dito ka muna magtrabaho sa bahay for the meantime, ako nalang magpapasa ng mga designs mo. Kapag malaki na si Bullet tsaka ka nalang ulit bumalik sa office mo, pwede na namang mag-stay nun si Bullet sa mga offices natin."

"Sigurado ka bang papayag ang mommy mo?"

"Papayag siya. Ako ng bahala."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now