Chapter 69

442 4 0
                                    

It was an ordinary night. Hindi parin magawang pansinin ni Elmo si Julie kaya mas pinipili niya nalang magpalipas oras sa mga tea o coffee shop. Sa mga lugar kasi tulad noon ay mas nakakapagrelax siya hindi katulad sa bahay nila na puro nalang pag-aasikaso kay Bullet at paggawa ng mga trabaho from the office.

"Look who's here."

Naputol ang malalim na iniisip ni Elmo ng may babaeng tumayo sa harapan niya. "It's you again." Sumandal siya sa kanyang kinakaupuan, nagkunwaring wala siyang nakikita.

"I don't really get you-" Umupo si Ziri sa harapan ni Elmo. "I thought we're friends?"

"Ayoko ng away Ziri."

"Bakit? Sino bang makikipag-away? Elmo-" Hinawakan niya ang pisngi ni Elmo para tumingin ito sa kanya. "All I wanted is to be friends with you. Now tell me, masama ba yun?"

"Ziri-"

"I know you're not happy with your wife."

Tinanggal niya ang kamay ni Ziri mula sa pisngi niya. "What are you talking about? I'm happy with her."

"You gotta be kidding me-" She smirked. "Kung masaya ka talaga sa kanya-" Umupo siya sa upuan sa harap ni Elmo. dapat nakauwi ka na ngayon sa bahay niyo."

"It's none of your business Ziri."

"It's none of your business, puro nalang it's none of my business." Hinawakan niya ang kamay ni Elmo kahit nagmamatigas ito sa kanya. "Elmo, I'm still your friend. You can open up to me."

Nang hindi na matiis pa ni Elmo si Ziri ay hinayaan niya na lamang ito na makipag-usap sa kanya. "We had a fight."

"Hmm-" Bumitaw si Ziri sa pagkakahawak niya sa kamay ni Elmo sabay ayos ng kanyang upo. "Bakit?"

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo 'to pero-"

"Nanlalamig na siya sayo?"

Ayaw mang aminin ni Elmo pero wala narin siyang magawa pa, para kasing fortune teller si Ziri na alam na alam ang lahat ng nangyayari sa buhay mag-asawa. "Yes."

"Alam mo lahat naman ganyan, siguro kasi nagsasawa na?" She joked. "I'm just kidding."

He chuckled. "Hindi naman siguro, ayaw niya lang talagang magkaron kami ng isa pang anak."

"Ahh." She crossed her legs. "Kahit naman siguro ako tama na ang isang baby, sayang ang figure."

He chuckled once more. "So how are you Ziri?"

"Doing great Moe, pero medyo may symptoms parin yung sakit ko."

"Ano na ba ang sabi ng mga doktor?"

"Hindi pa raw totally nawawala yung mga cancer cells. Ayoko namang magmukmok sa bahay kaya nung nagkaroon ng chance para maging designer ng company niyo nagtry ako."

"Designer ka narin? What department?"

"Umder ako ng asawa mo pero iba ang team leader ko."

"So she knows?"

"Hindi ko alam, maybe?"

"I'm glad that you're doing okay Ziri-" Tiningnan ni Elmo ang relo niya, mag-aalasdose na kaya minabuti na niyang tumayo para putulin na ang usapan nila ni Ziri, "Sorry pero kailangan ko ng umalis, baka nag-aalala na si Julie."

"Sure." Tumayo narin si Ziri pagkatapos niyang kunin ang kanyang bag at ang tinake-out niyang kape sa coffee shop na iyon.

"Moe-"

Nilingon ni Elmo si Ziri.

"Pwede bang mag-usap ulit tayo kapag hindi ka busy?" Hindi sumagot si Elmo kaya dinugtungan niya pa ang kanyang alok. "Walang malisya, katulad lang nito parang catching up."

"Sige." He said with a smile on his face.

***

Katulad ng dati, lagi niyang naaabutang gising si Julie sa tuwing hindi tama sa oras ang kanyang uwi. Abala itong nag-i-sketch sa bar counter nila ng siya'y dumating kaya hindi na niya ito inabala pa at nagkunwari nalang na wala siyang nakikita.

"Wala ba akong kiss dyan?" sambit ni Julie habang pinagmamasdan niya si Elmo na papa-akyat na ng hagdan.

Napahinto si Elmo sa paglalakad sabay lingon kay Julie. "Baka maistoro lang kita sa ginagawa mo."

She smiled. "Sinong may sabing may ginagawa ako?" Tiningnan niya ang mga nakakalat na papel sa harapan niya. "Pampalipas oras ko lang yan habang hinihintay kita,"

"Dapat natulog ka na, maaga pa ang pasok natin bukas."

Inayos niya muna ang mga papel at lapis na ginamit niya bago siya lumapit kay Elmo. "Uulitin ko-" Pinagmasdan niya ang mukha ni Elmo na hindi parin nagbabago simula noong una niya itong makilala, gwapo at charming parin. "wala ba akong-" Dahan-dahan niyang inalagay ang kanyang mga kamay sa leeg nito. "kiss dyan?"

Natawa si Elmo habang pinagmamasdan niya si Julie. Hindi niya talaga maggawang mag-resist sa mga simpleng bagay na ginagawa nito sa kanya sa tuwing may tampuhan sila. "Alam na alam mo talaga kung paano ako papatawanin no?"

"Syempre naman-" may pagyayabang na sambit nito. "yan ang talent ko." She giggled. "Ano na? Nasaan na ang kiss ko?"

"Sa pagkakaalam ko ikaw ang may atraso sakin-" He looked at her cutely. "Pwede bang ikaw ang unang kumiss?" Napatawa siya ng simangot lang ang sinagot sa kanya ni Julie. "Sige na, ako na ang mauuna-" He pulled her closer to him and gave her a gentle kiss. "I love you Julie."

"I love you too, Moe." Masyado pa silang malapit sa isa't isa, nararamdaman pa nila ang init ng hininga ng bawat isa kaya naman hindi napigilan ni Elmo ang kanyang sarili na halikan muli si Julie.

After the kiss,nagdecide na sila na umakyat na. Hawak niya Elmo ang bewang ni Julie habang si Julie naman ay nakasiksik sa tabi nito. "Hon, bakit pala late ka na umuwi? May meeting ka?"

Hindi kaagad nakasagot si Elmo dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot. "Ahh-" Tiningnan niya si Julie na animo'y naghihintay sa kanyang sagot. "Yeah."

Ayaw niyang muli silang magkatampuhan ni Julie kaya mas pinili niya nalang na magsinungaling.

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now