Chapter 6

558 6 0
                                    


"Manyakiiiiisssss!!! Akala mo tatawag talaga ako ng pulis ngayon din kapag hindi ka gumising dyan!"

Pinaghahampas ni Julie ang lalaking nasa tabi niya habang mahimbing itong natutulog dahil narin sa pagkagulat niya sa sitwasyong naratnan niya ng oras na imulat niya ang kanyang mga mata. Pareho silang walang saplot at tanging ang putting kumot lamang ang bumabalot sa mga katawan nila.

Nang hindi parin gumigising ang lalaking iyon ay mas dinoble pa ni Julie ang lakas nang paghampas niya upang makasigurado siya na gigising talaga ito.

"Hoy lalake gumising ka nga dyan! Manyak ka!"

Inis na gumising si Elmo dahil hindi siya sanay na ginigising ng basta-basta. Pwede siyang magising kahit anong oras niya gusto at walang kahit sino ang pwedeng mag-utos sa kanya na gumising... kaya naman ganoon na lamang ang pagkainis niya ng gisingin siya ng malalakas na hampas at nakakabinging sigaw mula kay Julie.

"Ano ba?! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo. Daig mo pa ang alarm clock ko!"

"Lumayas ka nga rito!"

"Lumayas?" Napaupo si Elmo dahil sa sobrang inis. Messy hair pa siya at gayundin ang maputing babae na nasa harapan niya. Maya-maya pa ay sabay silang natigilan at parehong napahawak sa mga ulo nila dahil sabay na kumirot iyon dala narin ng hang over.

"Teka nga, sino ka ba? At anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Sambit ni Julie habang iniinda pa rin niya ang kanyang sakit ng kanyang ulo.

"Kwarto mo?!" Gulat na sambit ni Elmo. "Excuse me miss ha, para sa pagkakaalam mo, kwarto ko 'to."

Sandaling natigilan si Julie ng igala niya ang kanyang mga mata. Hindi niya nga kwarto iyon dahil wala siyang natatandaan na flatscreen sa kwarto niya, maging naglalakihang speakers o iba pang mamahaling gamit na naroroon. Patuloy niyang iginala ang kanyang mga mata hanggang bumalik na iyon sa lalaking nakabusangot ang mukha na nakaupo sa kanyang tabi.

"Sino ka ba?" mataray na sambit niya.

"Eh ikaw sino ka?"

"Ako ang unang nagtanong di ba? Kaya dapat lang na sagutin mo ang tanong ko bago ko sagutin 'yang sayo."

He smirked bitterly. "Baka nagkakalimutan tayo, nasa pamamahay kita kaya dapat na ang tanong ko muna ang sagutin mo kung ayaw mong palayasin kita rito ngayon din."

"Okay sige panalo ka na, Julie Anne San Jose ang pangalan ko. Ikaw mister anong pangalan mo?"

"Julie Anne San Jose..." Napaisip si Elmo dahil pamilyar ang pangalan na iyon sa kanya. "Julie Anne San Jose..." He repeated.

"Anong meron sa pangalan ko at nagpapaulit-ulit ka dyan? Ikaw ano bang pangalan mo?"

"Shit!" Naiiling sa sambit ni Elmo.

"Shit? Pangalan mo Shit? As in Shit?"

"Pwede ba manahimik ka muna, nag-iisip ako."

"Wow ha. Teka nga baka nagkakalimutan na tayong rapist ka." Pinaghahampas niya ang lalaking iyon ng unan ngunit kaagad naman siyang napigilan nito.

"Hindi ako rapist Julie Anne dahil hindi kita nirape. At kung rape man ang tawag mo dun, hindi parin kita nirape kasi nagparape ka sakin."

"Baboy ka!" Hahampasin na sanang muli ni Julie ang binatang iyon ng unan gamit ang isa niyang kamay ng bigla siyang matigilan dahil may nakita siyang kumikinang mula sa daliri niya. Hindi niya napigilan ang paglaki ng kanyang mga mata nang maalala na niya ang mga nangyari kagabi. "Wag mong sabihing-"

Ipinakita rin ni Elmo ang singsing sa kanyang daliri. "Unfortunately, we're legally married."

"Hindi pwede 'to" She paused. "sayo?!" She heaved a sigh. "Ayoko."

My Groom, My BrideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin