Chapter 13

525 4 0
                                    


"Ano Elmo, anong pinagsasabi mo dyan?" Napahinga ng malalim si Alvin. "Baka naman pinaglalaruan mo lang 'yung babaeng kasama mo sa bahay niyo ha. Elmo, kilala kita. Alam kong mahal na mahal mo si Ziri kaya ang impossible ng sinasabi mong parang may nararamdaman ka na sa kanya. It's too early to tell."

Ibinaba ni Elmo ang tasang hawak niya sa coffee table at pagkatapos ay isinandal niya muli ang likod niya sa couch na kanyang inuupuan. "Ewan ko rin Alvin, pero wala pa kasing babae ang nag-asikaso sakin tulad ng ginagawa niya kahit si Ziri hindi niya yun nagawa."

"Hindi nagawa yun ni Ziri kasi hindi siya marunong magluto." He paused. "At tsaka akala ko ba may kontrata kayo ng babaeng yun?"

"Yun nga eh, hindi ko alam kung yung concern niya sakin out of contract o concern lang talaga siya."

"Ewan ko sayo Elmo, baka naman binibigyan mo lang ng motibo ang time and effort niya."

"Sa tingin mo?"

"Bakit hindi mo simulang umuwi na sa inyo, di ba sabi mo may dinner siyang ihahanda para sayo?"

"Shit!" Tiningnan ni Elmo ang relo niya. "Bakit ngayon mo lang pinaalala." Dali-daling tumayo si Elmo sa kinauupuan niya sabay kuha ng susi ng kotse mula sa bulsa ng pants niya. "See you again soon bro."

Mapang-asar na ngiti na lamang ang isinagot ni Alvin kay Elmo dahil hindi niya nagawang asarin ito ng pasalita dala narin ng pagmamadali ng matilik niyang kaibigan.

"You're so dead Elmo." He whispered.

***

Halos dalawang oras nang naghihintay si Julie kay Elmo pero wala parin ito. Nakapangalumbaba siya sa lamesa habang tinitingnan niya ang kanyang mga nilutong pagkain.

"Nasaan na kaya yun, gutom na ako."

"Edi kumain ka."

Napabalik ang ulirat ni Julie ng may marinig siyang magsalita. Nakita niya si Elmo na nakasandal sa pader ng dining area nang ipininid niya ang kanyang ulo sa kaliwa.

"Nandyan ka na pala, kain na tayo?" She said with a smile.

"Busog na ako, ikaw nalang."

"Okay." Dahan-dahang nawala ang ngiti ni Julie at naglakad na siya papalabas ng dining area. Dumaan siya sa harapan ni Elmo ng nakayuko at tila ba'y nalugi nang matanto niyang walang kakain ng mga niluto niya.

Papalabas na siya ng dining area ng maramdaman niya ang kamay ni Elmo na dumampi sa kaliwang braso niya. Ang gentle ng pagkakahawak na iyon ni Elmo na tila ba'y may halong paglalambing kaya naman mas lalong bumigat ang sama ng loob na nararamdaman niya.

"Saan ka pupunta?" Inosenteng tanong ni Elmo.

Nakayuko parin si Julie, wala parin siyang planong tingnan ng mata sa mata si Elmo. "Wala ka na dun."

"Akala ko ba gutom ka?"

"Wala na akong gana." Hindi niya napigilan ang sarili niya ng sambitin ni Elmo ang tanong na iyon. Biglang tumulo ang luha niya ng walang pasabi kaya naman hindi na niya nagawang pigilin ang pagtulo ng luha niya.

Ikinabahala naman ni Elmo ang biglaang pag-iyak ni Julie dahil hindi niya makuha kung bakit ito naiyak. Wala naman siyang sinabing masama o masakit na salita para ikaiyak nito kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya. "Oh bakit ka naiyak dyan?"

"Bakit ako naiyak?" Matamang na hinarap ni Julie si Elmo kahit na may mga luha pang patuloy na napatak sa mga mata niya. "Ikaw kaya ang maghintay sa wala, hindi ka ba maiiyak dun?" She paused. "Ang hirap kayang magluto, palibhasa kasi hindi mo alam kung gaano kahirap yun kaya balewala nalang sayo ang effort ko." Pinunasan niya ang luha niya sabay tanggal sa kamay ni Elmo na nakahawak sa braso niya. "Excuse me."

"Uy-" Hinawakang muli ni Elmo ang braso ni Julie bago pa man ito makaalis. "niloloko lang naman kita, gutom ako. Nag-coffee lang naman kami ni Alvin, bakit ba ang bigla mo nalang siniseryoso ang mga sinasabi ko?"

"Hindi lahat ng biro mo makukuha ko." Inis na sambit ni Julie ni Julie bago niyang tuluyang iwan si Elmo.

***

Isang oras narin simula noong nagpalipas ng sama ng loob si Julie sa loob ng kubo ng maaninagan niya si Elmo na may dala-dalang tray at papalapit sa kanya. Kaagad siyang tumayo upang umiwas dito pero huli na ang lahat dahil nakalapit na ito sa kanya bago pa siya makatakbo papalayo.

"I know gutom ka na at gutom narin ako kaya sabay na tayong kumain kung okay lang sayo." Kinakabahan si Elmo habang sinasabi niya iyon dahil kitang-kita niya parin ang mga kunot sa noo ni Julie habang tinitingnan niya ito.

"Hindi ako gutom." Her stomach suddenly growled.

Tahimik lamang ang buong paligid, walang nagsasalita o nagbibigay ng reaksyon sa narinig nilang pareho ng biglang sabay sumabog ang tawa nila dahil narin sa hindi na nila kaya pang hindi matawa sa lakas ng tunog mula sa loob ng tyan ni Julie.

"Ano? Kakain ka na kasabay ako?" Sambit niya matapos nilang tumigil sa pagtawa.

"Ininit mo ba yan?" She said calmly.

Ibinaba muna ni Elmo ang tray na hawak niya sa lamesa sa loob ng kubo bago niya muling binalikan si Julie. Ipinakita niya muna rito ang namumulang kamay niya bago siya magsalita. "Napaso nga ako sa kakainit ng mga yan, ang dami mo kasi masyadong niluto."

"Edi ang daming hugasin?" She paused. "Elmo naman pagod na ako eh-"

"Sige na kumain na muna tayo mamaya mo na intindihin ang hugasin-" Marahan niyang hinigit papasok sa loob ng kubo si Julie. "Tutulungan kitang maghugas."

"Weh?" sambit niya matapos niyang umupo sa tapat ng inuupuan ni Elmo.

"Oo nga kaya kumain na tayo gutom na gutom na talaga ako." Nagsimula na si Elmo na maglagay ng mga pagkain sa pinggan nila ni Julie.

Napapangiti na lang si Julie sa ginagawa ni Elmo dahil halatang-halata na gutom na gutom na nga ito sa dami ng sinandok nito sa parehong pinggan nila.

"Gutom ka nga no?" Pabirong sambit ni Julie habang pinapanuod niya si Elmo na kumakain ng nakakamay.

"Obvious ba." Sumubo siyang muli matapos niyang sagutin si Julie.

"Pakabusog ka." Nakangiting sambit niya.

"Kumain ka narin, hindi nakakaganang kumain kapag walang kasabay."

"Papahuli ba naman ako sa pagkain." Inisantabi ni Julie ang kutsara't tinidor sa harap niya at nagsimula naring kumain ng nakakamay.

Palihim na pinagmamasdan ni Julie si Elmo habang kumakain siya. Ibang-iba na ang Elmo na nakilala niya noon sa Elmo na kasabay niyang kumain ngayon. Bukod sa medyo marunong na itong makibagay sa kanya ay natuto narin ito ng mga bagay na ginagawa niya tulad na lamang ng pagkain ng parang walang bukas habang nakakamay.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now