Chapter 66

477 6 0
                                    

May kinakapa si Julie sa tabi niya ng siya'y maalimpungatan. Ipinagpatuloy niya pa ang pagkapa niya sa kama habang siya'y nakapikit pero hindi niya maramdaman ang gusto niyang mahawakan kaya naman napilitan na siyang imulat ang kanyang mga mata.

"Bullet?" Dali-dali siyang tumayo para isuot ang tsinelas niya na nasa gilid ng kanilang kama. "Bullet?!" Sinubukan niyang sumilip sa ilalim ng kama nila, 'yon kasi ang favorite hiding place ng kanyang anak kaya doon niya ito unang hinanap. "Honey bear, nandyan ka ba?"

Habang aligaga si Julie sa kakahanap kay Bullet ay chill na chill naman si Elmo na nagpupunas ng buhok nito. Hindi na kasi bago sa kanya ang nakikita niya. Julie's like that all the time. She always freaks out when Bullet's not around.

"Moe, have you seen Bullet?"

Tinanggal ni Elmo ang nakatapis sa kanyang tuwalya para magsuot ng slacks. "He's just having his breakfast downstairs Julie. Don't freak out."

Nakahinga na siya ng maluwang ng malaman niya na safe si Bullet, hindi parin kasi siya sanay na wala ang anak niya sa kanyang tabi sa tuwing magigising siya sa umaga.

"Maligo ka na, baka malate pa tayo sa trabaho ngayon." He grabbed his white long sleeves and he put it on. "Kanina pa bihis si Bullet."

"Kawawa naman si Bullet imbis na naglalaro siya sa playground lagi siyang exposed sa mga trabaho sa office."

"Wala naman tayong choice, ayaw mo naman kumuha ng yaya kaya pagtyagaan nalang natin to." Inabot niya kay Julie ang blue necktie na kanyang hawak. "Oo nga pala, may meeting ka ba?"

Isinuot ni Julie ang pagkakalagay ng necktie sa kwelyo ng long sleeves ni Elmo bago niya ito ayusin. "Oo-" saglit niyang tiningnan ang kanyang asawa. "teka nga, don't tell me may appointment ka rin today?"

"Something came up, good thing ten thirty pa ang meeting ko ngayon, sakto tapos na meeting mo by that time, am I right?"

"Right." Kinuha na ni Julie ang kanyang tuwalya matapos niyang asikasuhin si Elmo. "Puntahan mo na si Bullet baka kung ano na ginagawa nun sa baba."

Time flies so fast. Limang taon na ang dumaan simula ng makita ni Julie at Elmo ang batang nasa puder nila ngayon. Lumalaking bibo at masayahing bata si Bullet. Sa murang edad, iba na ang pananaw niya sa mga bagay-bagay, kung tutuusin nga parang hindi na siya batang mag-isip. Siguro dahil mahilig siyang magbasa ng mga libro, mga novel na kinakailangan ng matinding pang-unawa, mahilig din siyang magbigay ng side comments sa mga issues na napapanuod niya sa evening o morning news, at higit sa lahat, kaya niyang bigyan ng payo sina Julie at Elmo sa tuwing nahahalata niyang magkaaway ang dalawang ito.

Happy family man kung titingnan pero medyo malayo ang loob ni Bullet kay Elmo. Sa part ni Bullet hindi niya alam kung bakit pero kung part ni Elmo ang titingnan halatang-halata na pinagseselosan niya si Bullet dahil feeling niya inaagaw nito ang lahat ng atensyon ni Julie na para ay sa kanya. Konting iyak o angal lang kasi ni Bullet nandyan na agad si Julie pero 'pag dating sa kanya nag-aalangan pa ang kanyang asawa. In simpler explanation, there's a gap between Elmo and Bullet, and that gap is pushing Elmo away from their adopted child.

***

"Bullet what do you want to eat?"

Pinapaside-to-side ni Bullet ang kinauupuan niyang movale chair sa loob ng office ni Elmo. "Can I go outside Elmo?"

Simula nang matututong magsalita si Bullet, Elmo na talaga ang tawag niya rito. Siguro dahil narin sa 'Elmo' ang laging tawag ni Julie sa amang kinagisnan niya. Hindi naman umangal pa si Elmo sa tawag sa kanya ni Bullet, it's like they're 'buddy-buddy'. Some wouldn't find it cool, but Elmo did. Somehow.

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now