Chapter 39

457 5 0
                                    


Papalabas na si Julie sa comfort room matapos nitong maghilamos nang matigilan siya dahil sa napansin niyang longsleeves ni Elmo ang kanyang suot-suot at hindi ang paborito niyang pantulog.

Napahawi nalang siya ng buhok niyang medyo kulot sa ilalim ng makita niya sa salamin ang kanyang katawan. Ilang beses siyang umikot sa harap salamin upang mapagmasdan niya ang kanyang sarili.

Tanging loongsleeves lamang ng asawa niya ang kanyang suot-suot maliban sa kanyang panloob. Sinubukan niyang tumingkayad para mas makita niya pa ang kabuuan ng kanyang katawan. Sa repleksyon mula sa salamin, nakita niya na ibang-iba na siya ngayon, bukod sa mas tumingkad pa ang kanyang kulay ay napansin niya rin na nag-iba na ang pangangatawan niya. Medyo nagkalaman na siya at medyo namumula narin ang mga pisngi niya. Blooming kung baga.

"Bigyan niyo ako ng apo." Biglang natigilan si Julie ng biglang pumasok sa isip niya ang huling sinabi sa kanila ni Vera. Dali-dali siyang lumabas ng banyo para mawala na sa isip niya ang hiling sa kanila ng matanda.

Pabalik na siya sa kama nila ng bigla niyang mapansin na wala na roon si Elmo. Sinubukan niyang pumunta sa balcony ng kanilang kwarto ngunit wala parin doon ang kanyang asawa. Dahil dito, napilitan si Julie na lumabas ng kanilang kwarto upang hanapin si Elmo.

"Nasaan na naman kaya yung lalaking yun?" May pagtatakang sambit ni Julie nang siya'y makababa na.

"Bakit gising ka pa?" Nagulat si Julie ng bigla niyang makita si Elmo na nakaupo sa couch na ilang hakbang lang ang layo sa kanya.

"Bakit ikaw gising ka pa rin?"

"Ako ang unang nagtanong." Biglang natawa si Elmo nang taasan siya ng kilay ni Julie. "Halika nga dito."

She crossed her arms. "Ayoko nga, ikaw ang may kailangan sakin ikaw ang lumapit."

"Halika nga sinabi." Nang hindi parin lumapit si Julie sa kanya ay tumayo na siya upang hilahin ito papunta sa couch kung saan siya nakaupo kanina.

Hinila niya ng dahan-dahan si Julie para sabay silang mahiga sa couch na iyon. Pinahiga niya ang kanyang asawa sa kanyang kaliwang braso sabay yakap sa ibaba ng dibdib nito. Nang pareho na silang nanahimik, idinantay ni Elmo ang kanang binti niya sa kanang binti ni Julie sabay lagay ng kaliwa niyang kamay sa pagitan ng kili-kili at dibdib ni Julie.

"Hon?" Humarap si Julie ng bahagya kay Elmo kaya naman napilitan ito na tanggalin ang kaliwang braso niya na nakayakap sa kanya. Nakipagtitigan siya ng sandali sa kanyang asawa bago niya ito hinalikan ito sa labi. Mabilis lamang ang halik na iyon sapat para magtaka si Elmo sa mga ikinikilos ni Julie. "Do you want a baby?"

Hindi kaagad nakasagot si Elmo. Pinagmasdan muna niya si Julie bago mag-sink in sa kanya ang sinabi ng kanyang asawa.

"Bakit parang biglaan?"

Tumalikod si Julie kay Elmo ng hindi niya magustuhan ang tono ng pananalita nito.

"Alam mo kung ayaw mo, sabihin mo nalang."

"Julie hindi naman sa ayaw ko pero-"

"Edi ayaw mo nga?"

Niyakap ni Elmo si Julie ng mahigpit sabay dampi ng labi niya sa balikat nito. "Gusto ko pero-"

"I got it Moe-" Tumayo na si Julie dahil sa inis niya kay Elmo.

Pinili nalang din ni Elmo na tumayo para mapigilan niya ang kanyang asawa sa pag-alis. "Hon, it's not what it is."

"Then what is it Moe?" Naluluhang sambit ni Julie. "Alam mo ba na nakakadisappoint malaman na ayaw mong magkaanak sakin?"

"Julie hindi nga yun yon-" He paused. "Ayoko pa ngayon kasi ayokong gawin natin yun out of pity. Ano ng nangyari sa pagiging spontaneous natin?"

"Moe hindi, kahit out of pity man o hindi pareho lang yun."

"Julie there's a big difference, iba ang ayaw sa-"

"Sa ano?" Inis na sambit ni Julie. "Sabihin mo nga, what's stopping you? Si Ziri ba?"

"Bakit ba sa tuwing nag-aaway tayo lagi mo siyang pinapasok? She has nothing to do with our problem."

Huminga muna si Julie bago siya muling magsalita. "Ibabalik ko lang ang tanong mo sayo, bakit sa tuwing nag-aaway tayo lagi mo nalang siyang pinagtatanggol?"

"Okay, you want the truth?" Tiningnan niya ng seryoso si Julie. "Ayoko pang magkaanak kasi hindi pa ako ready, hindi pa tayo ready."

"But I am ready."

"Julie hindi pa ako ready, naiintindihan mo ba?"

"Pero Moe-"

Hinila ni Elmo papalapit sa kanya si Julie sabay yakap dito ng mahigpit. "Wala naman akong hinihiling na maging nanay ng mga anak ko, ikaw lang." Huminga siya ng malalim. "Pero hindi natin kailangang magmadali-" Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ni Julie. "Darating din tayo dun."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now