Chapter 72

461 5 0
                                    

"Elmo, wake up." Hindi ni Bullet magawang gisingin si Elmo ng pabulong kaya napilitan na siyang alugin ang katawan nito. "Elmo, I said wake up!" may pang-gigigil na sambit nito sa kanyang ama.

Napakamot si Elmo ng makita niya si Bullet sa tabi niya. "Bakit ba Bullet? Ang aga-aga pa."

He crossed his arms. "Sige ka, kapag hindi ka dyan kumilos hindi ka makakapoints kay mommy."

"Makakapoints? What are you saying?"

"Elmo today is the day!" Ipinakita niya ang dalawang piraso ng bawang na kanyang hawak-hawak. "You ready?"

Napatayo si Elmo ng marealize niya na ngayon na ang araw ng plano nila ni Bullet. Hindi dapat umalis ng bahay si Julie, iyon ang mission nila. "Kailangan ko ba talagang ilagay yan sa kili-kili ko?"

"Bakit gusto mo bang kainin to?"

"Syempre hindi."

"Kaya nga ilagay mo na sa kili-kili mo, ang dami mo pang arte." Binuksan niya ang dalawang kamay ni Elmo sabay lagay ng tig-isang piraso ng bawang sa magkabilang palad nito. "Sige na, habang nasa shower room pa si mommy."

"Ang wild talaga ng imagination mo-" Kahit na nasusuka pa siya sa amoy ng bawang ay wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang sundin ang utos ng kanyang anak. It was like he was Bullet's slave. "What if this plan doesn't work?"

"Don't worry Elmo-" He tapped his shoulders. "I have a back-up plan."

"At ano naman?"

Magsasalita na sana muli si Bullet ng biglang niyang marinig ang pagclick ng doorknob sa pinto ng shower room kaya naman nagmadali na siyang lumabas sa kwarto nila Julie.

Kaagad namang bumalik si Elmo sa kanyang pagkakahiga at nagkunwaring nagchichill ng tuluyan ng makalabas si Julie mula sa kanilang comfort room.

"Ang lamig." Pagpaparinig niya kay Julie para lapitan siya nito.

"Hininaan ko na yung aircon kanina."

Pinakiramdaman muna ni Elmo ang sarili niya bago siya magsalita muli. Positive, sobrang tumaas nga ang body temperature niya. "May lagnat ata ako hon."

"Ha?" Inayos ni Julie ang bathrobe niya bago niya lapitan si Elmo para i-check ang temperature nito. "Oo nga, pero okay ka pa naman kagabi ah."

"Hindi ko rin alam." Hinawakan niya ang kamay ni Julie. "Pwede bang wag ka ng pumasok ngayon?"

"Alam mo naman na importante ang meeting ko ngayon with Alvin di ba?"

"Lagi naman kayong may meeting, pwede bang ako naman ngayon ang i-prioritize mo?"

"But hon-"

"Please hon? Kahit ngayon lang..."

Pinagmasdan saglit ni Julie si Elmo na tila ba'y nagdadalawang isip siya. And then she crossed her arms. "Elmo tumayo ka nga dyan."

"I can't, I'm sick nga di ba?"

"Tatayo ka dyan o ako pa ang magtatayo sayo?"

Napilitang umupo si Elmo dahil alam niyang seryoso ang kanyang asawa sa timpla palang ng pananalita nito. Pero hindi parin siya tumigil sa pagkukunwaring may sakit siya. "You're torturing me. Nakakahilo kaya."

"You're torturing me. Nakakahilo kaya." She mocked his words. "Pakitaas nga ng kili-kili mo."

"Ha? Bakit ko naman kailangang gawin yun?" Kinipit ni Elmo ang kili-kili niya. "Nilalamig nga ako."

"Itaas mo yan."

"Bakit nga."

"Alam kong alam mo na ang sagot."

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now