Chapter 57

412 4 0
                                    


"What? She did that to you? No, I will talk to her. Malapit na ako sa bahay. Will call you back Ziri." Pinutol na kaagad ni Elmo ang linya ng maiparada na niya ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay.

Dire-diretso siyang pumasok sa bahay nila, at nang hindi niya makita si Julie sa baba ay kaagad na siyang umakyat sa hagdan para i-check kung nasa kwarto nila ang kanyang asawa.

"Julie? Julie?" May diing sambit niya ng siya'y makarating na sa pinto ng kanilang kwarto.

Nang walang umimik sa kanya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan ang pintong iyon. Naroroon nga si Julie, nakatayo ito sa closet at tila ba'y may pinagkakaabalahang gawin.

"Julie hindi mo ba ako naririnig?"

Tiningnan lang siya ni Julie sabay balik sa ginagawa nito. "Nandyan ka na pala."

"Anong ginawa mo kay Ziri?"

She scoffed. "Nakapagsumbong na pala sayo yung babaeng yun. Ang bilis naman ata."

"Julie ba't ka ba nagkakaganyan? May mali ba akong nagawa?"

"Mali mong nagawa?" Dinampot ni Julie ang mga papel na ipinakita niya kay Ziri para malaman ni Elmo ang kinagagalit niya. "Itong mga 'to." Lumapit siya kay Elmo sabay inis niyang iniabot ang mga papel na iyon sa kanyang asawa. "Bakit mo sakin tinago ang mga 'yan?"

Tiningnan muna ni Elmo ang mga iyon bago niya muling kausapin ang kanyang asawa na galit na galit sa kanya. "Wala naman 'tong mga 'to."

Pinigil muna ni Julie ang inis niya para makayanan niya pang pakitunguhan ng maayos si Elmo. "Kung wala yang mga yan para sayo, bakit mo kailangang itago sa akin na nagkikita na ulit pala kayo ni Ziri? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa mo ha Elmo?" Hindi na niya napigilang pa maiyak nang matalo na siya ng nararamdaman niyang inis na may halong galit. "Buti pa yung mga check up schedules niya updated ka, samin ba ng anak mo may alam ka?" Nakatitig lang siya kay Elmo habang panay ang tulo ng mga luha niya. "Wala di ba?" She paused. "Ang lagi mo lang namang tinatanong, 'no ang sinabi ng doktor sakin. Okay lang ba ako.' Shit Elmo! Sa tingin mo ba hindi kita kailangan sa tabi ko everytime na sumasakit ang tiyan ko? Everytime na sobra-sobra na ang morning sickness ko? Syempre wala ka paring narinig sakin kasi akala ko mararamdaman mo pero hindi eh-" Pinilit niyang pigilan ang mga luha niya sa pagtulo but she failed to do that. "ang manhid mo kase."

"Manhid? Kailan ako nagpakamanhid sayo Julie?" Tinitiis niyang pagmasdan si Julie na naiyak dahil gusto niyang maipaliwanag sa kanyang asawa ang side niya. "Oo sabihin na nating I failed to do that, pero Julie hindi kasing grabe ng sitwasyon mo ang sitwasyon ni Ziri. Hindi mo dapat siya trinato ng ganun lalo pa kung ang gusto niya lang naman ay makausap ka."

"Utang na loob Elmo." Sandali siyang nanahimik ng maramdaman niyang kumirot ang tiyan niya. "Alam mo kung gaano ako tinatrato ng babaeng yun kaya wag kang magtataka kung binabalik ko lang sa kanya ang pagtrato niya sakin."

"For God's sake! She's changing Julie." Ipinakita niya ang mga papel na hawak niya. "Ito ba ang kinakagalit mo?" Pinunit niya iyon sa harapan ni Julie. "Wala nga ang mga 'to di ba? Ayan masaya ka na?!"

"Bakit ba kasi siya ang kinakampihan mo? Siya ang pumunta rito sa bahay, binantaan niya ako ng kung ano-ano. Sa tingin mo ano ang dapat na gawin ko? Magpakasaya habang tinatakot niya? Yun ba Elmo?!" Mas lalo pang nadaragdagan ang mga luha na pumapatak sa mga mata ni Julie sa tuwing ipinagtatanggol ni Elmo si Ziri sa harap niya.

"Ang gusto ko lang naman tratuhin mo siya ng maayos at alagaan mo 'yang baby natin. Yun lang. Mahirap bang gawin yun?"

"That's it!" She had enough.

"What do you mean that's it?"

Hindi na sumagot pa si Julie kay Elmo. Pumunta na siya sa damitan niya upang kumuha ng kaunting damit na magkakasya sa maliit na bag na nadampot niya.

"Julie ano 'yang ginagawa mo?"

"Ano ba ang pakialam mo? Sa akin nga wala kang pakialam, sa anak pa kaya natin? Wag na tayong maglokohan Elmo, aalis nalang ako tutal naman siya nalang ang laging mahalaga para sayo."

"Julie tumigil ka nga!" Kaagad siyang lumapit kay Julie para ilabas ang mga damit na nailagay na nito sa maliit na bag na hawak-hawak ng kanyang asawa. "Dito ka lang, hindi ka aalis."

"Sino ka para sabihin sakin yan?" Kumukuha parin siya ng mga damit para lamanan ang bag na tinatanggalan ni Elmo ng damit.

"Julie asawa mo ako." He softly said. "Please don't do this to me."

"Asawa? Elmo nakalimutan mo na ba? Aksidente lang tayo na napunta sa sitwasyong 'to. Ni hindi nga natin kilala ang isa't isa kaya please lang hayan mo na ako. Ayoko na Elmo, ayoko na."

"Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin na 'to Julie? Laro na kapag ayaw mo na, ayaw ko narin?" Patuloy parin siya sa pagtanggal ng damit mula sa bag na iyon habang tuloy-tuloy parin ang kanyang asawa sa paglalagay ng mga damit nito. "Julie sabihin mo ng madaya ako sa madaya pero hindi ako titigil na makipaglaro kung laro lang ang lahat ng 'to para sayo. Julie mahal kita, gets mo ba?"

"Mahal?" Pinunasan ni Julie ang mga luha niya sabay titig kay Elmo. "Ewan ko na. Kung gusto mo talagang maglaro, makipaglaro ka sa sarili mo basta ako, I'm out of this game. Sawang-sawa na ako Elmo." Tiningnan niya si Elmo sa mga mata nito. "Ayokong iwan ka katulad ng ginawa sayo ng favorite girl mo but Elmo you're pushing me away."

"Pushing you away? Kailan ko ginawa yan?"

"Simula nung araw na nagdecide ka na itago ang lahat ng 'to at makipagkita ulit sa ex mo."

Hindi na nakapagsalita pa si Elmo.

"Sige yan ang gusto mo?!" Binitawan ni Elmo ang bag na pareho nilang hawak. "Edi umalis ka, bahala ka na kung yan talaga ang gusto mo."

"Hindi ko 'to gusto Elmo pero pinilit mo ako-" Biglang natigilan si Julie ng may maramdaman siyang dumadaloy na likido sa kanyang hita.

"Elmo..." tiningnan niya si Elmo matapos niyang makita ang dugo sa kanyang kamay matapos niyang hawakan ang likido sa kanyang hita. "yung baby natin..."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now