Chapter 48

395 3 0
                                    


"Hon?" Pinagmamasdan ni Julie ang sarili niya sa salamin habang panay ang haplos niya sa kanyang tiyan ma medyo may kalakihan na.

Natigilan naman si Elmo sa ginagawa niyang report sa kanyang laptop ng bigla siyang tawagin ng kanyang asawa. "Hmm?"

"May problema ba sakin?" Tumigil siya saglit upang tingnan ang repleksyon ni Elmo sa salamin. "O di kaya sa baby natin?"

"Problema?" Hinubad ni Elmo suot niya reading glass sabay masahe sa kanyang batok. "Bakit mo naman nasabi na may problema sa inyo ng baby natin?"

"Medyo weird kasi yung pagbubuntis ko, may mga napanuod kasi ako sa online site about pregnant women and base dun sa mga naranasan nila ibang-iba yung sakin. Sabi kasi dun, first trimester lang yung morning sickness eh bakit ako second trimester ko na pero may morning sickness parin ako?"

"Hon, iba ka naman sa kanila. First baby natin to kaya baka maselan ka lang talaga."

Nag-isip saglit si Julie. "Sila rin naman maselan ang pagbubuntis nila ah pero bakit parang ibang-iba lang talaga yung sakin? Almost everyday nasakit yung tyan ko tapos bigla nalang mawawala. Ang weird di ba?"

Napatayo nalang si Elmo para i-comfort ang kanyang asawa. Niyakap niya ito from behind sabay patong ng baba niya sa balikat ni Julie habang pinagmamasdan niya silang dalawa sa harap ng salamin. "You know what? You're just overthinking."

"You think?" Julie said unsurely.

"Yes." Hinalikan niya ang pisngi ni Julie ng may lambing. "You're gonna be okay." Tumingin siya sa salamin sabay hawak sa tiyan ni Julie. "We're going to be okay."

"Hon one more thing."

"Hmm?"

"Pangit na ba ako sa paningin mo?"

Biglang natawa si Elmo ng makita niya ang mga kunot sa noo ng kanyang asawa. "Kapag ganyan itsura mo, panget ka." He joked.

"Yung totoo kase."

"Sexy ka pa naman sa paningin ko." Biro niyang muli.

"Alam mo Elmo isa pa talagang joke mo hihiwalayan na kita."

"Bakit ba kasi?" He said while he was laughing. "Hindi ko na naman masabayan yang sudden change of mood mo honey."

"Ang simple-simple lang kasi ng tanong hindi mo pa masagot."

"Mahal kita." Seryosong sambit ni Elmo.

"Nasaan ang sagot sa tanong ko dun?"

"Di ba nga kapag mahal mo ang isang tao kahit ano pang itsura niya mahal mo parin siya?"

Mabilis na humiwalay si Julie kay Elmo sabay hampas sa braso nito. "Edi pangit nga ako?"

"Wala akong sinasabi." Sumipol-sipol siya habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa kanyang mga bulsa.

"Kainis ka talaga!" Binigyan niya pa si Elmo ng tatlong sunod-sunod na hampas sa dibdib.

"Teka. Teka." Natatawang sambit niya habang hawak-hawak niya ang dalawang kamay ni Julie. "Bakit parang ikaw pa ang galit dyan? Mahal naman kita. Hindi ba dapat masaya ka sa sinagot ko?"

Tiningnan ni Julie ng masama si Elmo dahil hindi niya gusto ang pagbibiro nito sa kanya. "Ewan ko sayo." Hinigit ni Julie ang mga kamay niya pabalik. "Gusto ko bukas annul na tayo."

"At anong ilalagay ko sa annulment papers? Na tinanong ako ng asawa ko kung pangit na siya tapos ang sinagot ko mahal ko siya?" Sinubukan niyang suyuin si Julie ngunit nagmatigas ito sa kanya kaya natawa nalang siyang muli sa kinikilos ng kanyang asawa. "Hon, your argument is invalid."

"Hon-honin mo ang mukha mo." Naglakad si Julie papunta sa kama nila sabay bukas ng tv para doon nalang ibaling ang atensyon niya.

Syempre dahil hindi matiis ni Elmo ang asawa niya nilapitan niya kaagad ito para lambingin at suyuin kahit na nagmamatigas parin sa kanya si Julie.

"Sorry na. Hindi ka naman pangit, alam mo namang ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko di ba?"

Hindi sumagot sa kanya si Julie.

"Uyyy." Malambing na sambit niya habang hinihila niya ang manggas ng suot ni Julie na maternitiy dress.

After a few minutes tumingin narin sa kanya si Julie. Umiiyak na ito na parang bata dahil sa sobrang inis sa asawa niya. Everyday silang ganun, magtatampo si Julie tapos susuyuin naman siya kaagad ni Elmo. Para silang mga bata na kailangang patahanin ang isa para makapaglaro ng muli.

Maraming natutunan si Elmo sa pagbubuntis ni Julie, bukod sa pagpapahaba ng maikli niyang pasensya natutunan niya rin na isipin muna ang kalagayan ng mag-ina niya para sa kanya. As much as possible, inilalayo niya si Julie sa mga problema sa opisina o maging sa bahay nila. Hindi niya rin nakakalimutan ang mga gamot na dapat inumin ng kanyang asawa, maging ang food pyramid sinaulo niya narin.

"Umiiyak ka na naman." Pinunasan niya ang mga luha ni Julie. "Sorry na talaga."

"Gusto kong makita si Elmo." Humikikbing sambit ni Julie habang nakatingin siya sa kanyang asawa.

"Ha?"

"Gusto ko ngang makita si Elmo!"

"Nandito naman ako ah." Nagtatakang sambit ni Elmo.

"Hindi ikaw, si Elmo ang gusto ko." She sniffed. "Si Elmo ng sesame street!"

"Okay." Iniipit ni Elmo ang tawa niya habang pinupunasan niya ang natitirang luha na nasa pisngi ng kanyang asawa. Matapos niyang gawin iyon ay kaagad niyang kinuha ang remote para ilipat ang channel ng tv sa palabas na sesame street.

Dahan-dahan niyang pinahiga si Julie sa dibdib niya ng malibang ito. Nang sandaling lumapat ang ulo ni Julie sa dibdib niya ng walang angal ay kaagad lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa oras kasi na iyon alam niya na wala na ang tampo nito sa kanya at bati na sila.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now