Chapter 52

394 2 0
                                    


"What bro? You did that?" Gulat na sambit ni Alvin habang iniinom niya ang binili niyang kape sa loob ng opisina ni Elmo. Nag-overtime narin siya ng malaman niyang mag-oovertime si Elmo.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya." Inilagay niya sa isang tabi ang kapeng binigay sa kanya ni Alvin.

"Teka nga-" Inayos niya ang kanyang upo sabay tingin ng seryoso kay Elmo. "May babae ka ba?"

"Ulul ka ba? Alam mo namang hindi ako ganun."

"Malay ko bang nag-iba na ang ihip ng hangin. Pero seryoso na Moe, san ka galing kagabi?"

"Sinamahan ko kasi si Ziri."

"Oh???" Nanlaki ang mga mata niya habang nakatuon parin ang atensyon niya kay Elmo. "Kayo na ulit?"

"Hindi." Mabilis na pagtanggi ni Elmo. "Nagpasama lang talaga siya sa dating meeting place namin."

"Ayun. Gets ko na." He cleared his throat. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Pagkanta niya.

"Tss. Tigilan mo nga ako Alvin." Kinuha niya ang mga folder na kailangan niyang i-approve sa araw na iyon para lamang hindi na siya kulitin pa ng kanyang kaibigan.

"Dyan nagsisimula yan, padeny-deny pero yun pala may iba ng nararamdaman."

"Mahal ko si Julie."

"Mahal na mahal mo si Julie and at the same time mahal na mahal mo rin si Ziri. Am I right?"

"Tapos na kami Alvin, kung ano man kami noon hanggang dun nalang 'yon."

"I won't believe you. Kasi kahit kailan hindi kayang palitan ng basta-basta longterm relationship ang shortterm relationship Moe. Believe me."

"Pero pano si Julie at ang anak namin?"

"See? Edi lumabas din ang totoo." He smirked. "Bakit anong ginawa ni Ziri na ikinagulo ng utak mo?" Binigyan niya ng kakaibang tingin si Elmo. "Don't tell me you did something last night. Nako bro, todas ka sa kumander mo."

"Wala kaming ginawa. Sabi niya lang mahal niya parin ako tapos after nun-" He bit his lips. "She kissed me. And it seems like-"

"your lips were wanting more?"

Natigilan si Elmo ng itanong iyon ni Alvin sa kanya.

"Silence means yes." He shook his head. "Alam na ba ni Julie?"

"Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Siguro naaawa lang ako sa sitwasyon ni Ziri kaya ganun."

"Ha?" Napakunot ng noo si Alvin. "Bakit? Ano bang sitwasyon ni Ziri?"

"She has non-hodgkin lymphoma."

"What's that? Is that deadly?"

"It's cureless."

"Bro stop kidding me. If you're just doing this to clean up your name please don't do so."

"I'm serious Alvin. She's really sick." Seryosong sambit niya sa kanyang kaibigan.

"Oh God." Hindi makapaniwalang sambit ni Alvin.

"Kahit ako nagulat din, I know she's really weak but I didn't expect her to be as weak as this."

"Siguro nga awa lang ang nararamdaman mo sa kanya. Kaya kung ako sayo Moe sabihin mo na 'to kay Julie bago pa mahuli ang lahat."

"Natatakot kasi ako na baka iwan niya ako kung malalaman niya na nakikipagkita ako kay Ziri."

"Are you insane? Mas lalo ka niyang iiwan kung itatago mo sa kanya ang lahat ng 'to. In the first place, she's still your wife. You can always open up to her."

"Madali lang sabihin yan pero mahirap gawin."

"Dahil buntis siya?"

He nodded. "At anytime pwedeng malaglag ang bata kung maiistress siya."

"Great Elmo. Siguro nung nagsabog ang diyos ng kamalasan sinalo mo lahat." Sarkastikong sambit ni Alvin.

"Hindi ko na alam Alvin. Ang gulo-gulo!" Naiiritang sambit niya dahil hindi niya magawang alisin ang dalawang babae na gumugulo sa kanyang isipan.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now