Chapter 36

503 5 0
                                    


Abala na ang lahat ng tao sa clothing company nila Elmo dahil malapit na nilang i-launch ang kanilang mga bagong collection. Hindi na magkamayaw ang lahat ng empleyado sa kompanyang iyon dahil doon nakasalalay ang desisyon ng mga foreign investor na makatutulong sa pagpapalago pa ng negosyo nila.

"Ma'am Julie congrats, halos lahat po ng designs niyo inapprove na ni Ms. President."

Natigilan si Julie habang nag-aayos siya ng mga papel sa table niya ng marinig niya iyon mula kay Michelle. "She did?" nagtatakang sambit ni Julie.

"Opo ma'am, sabi pa nga po ng secretary ni Ms. President, tuwang-tuwa raw po si Madam sa mga dinesign mo."

"Tuwang-tuwa?" Napaisip saglit si Julie dahil fresh parin sa utak niya ang not-so-good encounter nila ng ina ni Elmo. "Totoo ba yan?"

"Opo ma'am, mukhang inspired daw kasi mga designs mo." Kiniliti ni Michelle ang tagiliran ni Julie ng bahagya. "Yiiie."

She giggled. "Sana talaga nagustuhan niya nga."

"Ma'am alam mo wala namang hindi magugustuhan sayo, bukod sa maganda ka napaka-talented mo pa. Kitang-kita naman sa designs mo. Yung totoo ma'am inspired ka no?"

"Kanino naman?"

"Kay Sir Elmo." Kinikilig na sambit nito.

"Given na naman yun." She smiled.

"Ang swerte talaga ni Sir Elmo sayo ma'am, ikaw kasi yung tipong babae na panghabangbuhay."

"Sobra na naman ata Mich, pero kung tutuusin mas swerte ako kay Elmo. Hindi pa kasi ako nakakita ng kasing sweet and caring niya, not to mention gwapo pa."

"At macho." Dagdag pa ni Michelle.

"Tama lang." She laughed.

"Ang hot kaya ma'am."

She laughed again. "San banda? Hot-headed kamo."

"Sus ma'am in denial ka lang." She joked.

"Ah, Ma'am Julie-"

Natigilan sila Julie at Michelle sa pagbibiruan ng biglang sumingit sa kanila ang secretary ni Elmo.

"Bakit Mariz? May problema ba?"

"Ma'am pinapatawag po kayo ni Ma'am Ziri sa office ni Sir Elmo."

"Si Ziri?" Napakunot ang noo ni Julie. "Anong ginagawa niya sa office ni Elmo?"

"Hindi ko rin po alam Ma'am basta po ang kabilin-bilinan niya papuntahin daw po kita sa office ni Sir Elmo as soon as possible."

"Sige Mariz, susunod nalang ako."

"Sige po Ma'am."

***

Hindi mapakali si Julie habang naglalakad siya papunta sa office ni Elmo dahil hindi niya makuha kung bakit naroroon si Ziri sa office ng asawa niya. Ayaw niya mang mag-isip ng kung ano-ano ngunit iniisip niya palang na magkasama si Elmo at ang ex-fiancé nito ay hindi na niya maiwasang hindi kabahan.

Hindi na nagpatumpit-tumpit pa si Julie, binuksan niya na kaagad ang pinto ng office ni Elmo ng walang pasabi. Magkatitigan si Elmo at Ziri ng maratnan niya ang mga ito, para bang may connection sila na hindi niya maintindihan.

Masakit. Iyon ang nararamadaman ni Julie habang tumatagal ang pagtitig niya kay Ziri at kay Elmo. Mas lalo pa siyang nasaktan ng makita niya ang unti-unting paghawak ni Ziri sa kamay ni Elmo habang magkatitigan ang dalawang ito.

"Ah-" She cleared her throat. "Pinapatawag mo raw ako?" mahinahong sambit ni Julie habang nakatingin siya sa direksyon ni Ziri.

Kaagad namang napatayo si Elmo ng makita niya si Julie sa loob ng office niya. Tiningnan niya kaagad ang kanyang asawa ngunit hindi siya tinitingnan nito. "Julie, nandyan ka pala."

"Nag-eenjoy ka kasi ata masyado dyan sa ginagawa mo kaya hindi mo ako napansin." Sarkastikong sambit ni Julie.

Lumapit si Elmo sa tabi ni Julie upang halikan ito ngunit umiwas lamang ito sa kanya. "Lunch pa ang usapan natin hon di ba?" He paused. "Ba't nandito ka na agad?"

"Moe, ako ang nagpatawag sa kanya rito." Nangingiting sambit ni Ziri.

Napatingin si Elmo sa direksyon ni Ziri. "Ikaw? Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sayo na ayaw na kitang makita at may asawa na ako?"

"Relax." Tumawa si Ziri ng may halong pang-aasar. "I came here to let Julie know that I will be working with you Moe."

"Work?" Sinamaan ni Julie ng tingin si Elmo. "Anong work yan?"

"Ewan ko." Mabilis na pagtanggi ni Elmo. "I didn't hire her."

"Kung hindi ikaw, sino?" inis na sambit ni Julie.

"Your mother-in-law hired me Julie. How surprising isn't it?"

"Si Gina?" His forehead wrinkled. "Niloloko mo ba ako?"

"Of course not, she loves me Moe, she hates your wife. Try to accept that."

"Hindi ka niya gusto." Hinawakan niya ang bewang ni Julie sabay titig dito. "I'll do something about it. I promise."

"You can't do something about it Elmo." Sabay-sabay na napatingin sila Julie, Elmo at Ziri sa may pintuan ng office na iyon ng may biglang sumingit sa usapan nila.

"Ano yung sinasabi niya na hinire mo siya?" inis na sambit ni Elmo.

"It's true, and you will work with her whether you like it or not." Tumingin siya kay Julie na nasa tabi ng anak niya. "And you too Ms. Julie Anne San Jose-"

"Mrs. Julie Anne Magalona." Pagka-klaro ni Elmo habang sinasamaan niya ng tingin ang kanyang ina.

"Whatever-" Tiningnan niyang muli si Julie. "I want you to create more fantastic designs for Ziri. Is it clear enough?"

"Yes Ma'am."

"Pero Julie-" nag-aalalang sambit ni Elmo dahil wala siyang tiwala sa kanyang ina pagdating sa ganitong mga bagay.

"Okay lang Elmo, I work for your mom. Trabaho lang naman 'to."

"Good." Gina crossed her arms. "Elmo, ikaw ang maghahandle ng launch, kaya kapag pumalpak yan ikaw ang mananagot sakin."

"Magta-trabaho ako sa launch na yun kung kasama ko si Julie."

"No, siya lang ang gagawa ng mga designs. You have to focus Elmo."

"Kapag sinabi kong kasama ko si Julie sa launch na yun, kasama siya."

"Okay fine, you win." Tumalikod si Gina sabay ngiti. "Ziri, let's go to my office."

Kaagad namang sumunod si Ziri sa ina ni Elmo, hinantay muna ng mag-asawan na makaalis ang mga ito bago sila naghiwalay.

"Sige babalik na ako sa trabaho ko." Mahinang sambit ni Julie habang nakayuko ito.

"Galit ka ba?"

"Maliwanag na sakin na mommy mo ang may gusto kaya wala akong rason para magalit."

"Galit ka alam ko." Hinila ni Elmo papalapit sa kanya si Julie sabay yakap dito ng pagkahigpit-higpit. "I want you." He hugged her even tighter. "I need you."

Napayakap nalang din si Julie kay Elmo ng maramdaman niyang nanghina ang mga buto niya ng kanyang marinig ang mga salitang iyon.

"I love you hon." She sweetly whispered.

Napapikit si Elmo nang hinalikan niya ng madiin ang buhok ni Julie. "I love you too hon."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now