Chapter 34

534 5 0
                                    

Kakatapos lang maligo ni Elmo nang mapansin niya si Julie na nakahiga parin sa kama. Madalas kasi kapag lumalabas siya ng comfort room, si Julie na agad ang susunod na papasok doon kaya naman ganun nalang ang pagtataka niya ng makita pa niya si Julie na tulog pa sa kanilang kama.

Dahan-dahan siyang lumapit dito habang pinupunasan niya ang kanyang buhok. Umupo siya sa gilid ng kama nila sabay halik sa pisngi ng kanyang natutulog na asawa.

"Wake up honey." He sweetly said. "Papasok ka ba o hindi?"

"Ang bigat ng katawan ko Moe." Inaantok na sagot nito.

Kaagad namang chineck ni Elmo ang body temperature ni Julie ng sabihin iyon sa kanya ng kanyang asawa. "May lagnat ka ba?"

"Wala naman, pero ang bigat-bigat talaga ng katawan ko." Tiningnan niya ng diretso si Elmo. "Mukhang ang bilis ng karma ko dapat pala hindi nalang ako nagsakit-sakitan nung isang araw."

"Gusto mo pacheck up tayo? Hindi nalang ako papasok para maalagaan kita."

She shook her head. "Marami kang trabaho sa office mo, tsaka kaya ko naman 'to. Masyado mo lang ata akong pinapagod." She joked.

"You sure?" She just nodded. "Parang tinatamad narin akong pumasok." Humiga nalang din si Elmo sa tabi ni Julie para yakapin niya ito.

"Magbihis ka na, malalate ka nyan sige ka."

"Hindi na nga ako papasok."

"Papasok ka."

"Ayoko nga, boss mo naman ako ah."

"Hoy mister, sa office lang kita boss, pag dating dito sa bahay ako ang boss mo. Inchendes?"

He pouted. "Wala naman akong gagawin din. Ah basta dito lang ako sa tabi mo."

"Elmo sa ayaw at sa gusto mo papasok ka."

Inilapit ni Elmo ang mukha niya sa mukha ni Julie habang hindi niya pinuputol ang tingin niya rito. "Pa'no kapag hindi kita sinunod?"

"Magpapa-annul tayo."

"Kaya mo?"

She looked at him fiercely. "Try me."

Mabilis na bumangon si Elmo sa higaan ng titigan siya ng ganoon ni Julie. "Sabi ko nga, magbibihis na ako para makapasok ako on time."


"Good." Natatawang sambit ni Julie habang pinagmamasdan niya si Elmo na hindi magkanda ugaga sa pagbibihis. "Agahan mo lang uwi mo mamaya ha?"

"Syempre naman, lalo ngayong may sakit ka." Sambit ni Elmo habang nagsusuot siya ng longsleeves.

"You want help?"

"Wag na, magpahinga ka nalang dyan." Lumapit si Elmo kay Julie upang halikan ang labi nito. "Pa'no I have to go, magpapadeliver nalang ako ng pagkain para di ka na magluto."

"Wag na, kaya ko namang kumilos."

"I insist kaya pwedeng wag na masyadong matigas ang ulo."

"Okay." She smiled. "Ingat ka ha."

"Ikaw din." Pinisil ni Elmo ng bahagya ang ilong ni Julie bago niya tuluyang iwan si Julie sa loob ng kwarto nila.

Tumayo narin si Julie at nag-ayos ng kanyang sarili nang makaalis si Elmo. Nagpalit siya ng damit bago siya bumaba ng hagdan. Napakatahimik ng buong lugar kaya ramdam na ramdam niya na siya lang talaga ang tao sa bahay na iyon.

Dahil wala ng magawa si Julie ay binuksan niya nalang ang tv set at nanuod ng kung anong palabas na mahagip ng paglipat-lipat niya ng channel.

"Nakakatamad." She sighed.

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now