Chapter 25

528 5 0
                                    


"Kwarto?" Napakunot ang noo ni Julie. "Anong gagawin natin dun?"

"Bakit saan mo ba gusto? Dito?" Pilyong sagot ni Elmo.

Nang makuha ni Julie ang gustong ipahiwatig ni Elmo ay kaagad niya itong itinulak papalayo sa kanya. "Alam mo matalino man ang matsing, napaglalamangan din."

"Julie, isa!"

"Mag-laway ka Elmo." Mapang-asar na sambit niya bago niya tuluyang talikuran si Elmo upang magpunta kung saan nakapark ang sasakyan nito.

"Julie bumalik ka rito hindi pa ako tapos makipag-usap sayo."

"Pwes ako tapos na."

"Julie naman." Padabog niyang sinundan si Julie dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa sa desisyon nito. "Kainis binitin ako." He murmured.

"Ano aalis na ba tayo?" Inosenteng tanong niya ng tumayo si Elmo sa pinto kung nasaan ang driver's seat.

"Oo na, 'yan naman ang agenda mo di ba? Ang bitinin ako." Nagmamaktol na sambit niya.

"Bitinin?" She laughed while she was crossing her arms. "Aminin mo nga, talo ka na ba sa pustahan natin?"

"Na ano?"

She cleared her throat. "Naiinlove ka na sakin no?"

"Ako?" Tinuro ni Elmo ang sarili niya. "Baka ikaw, nadala ka nga sa halik ko eh." Pagmamayabang pa niya.

She scoffed. "Ako pa pala ngayon, eh sino kaya satin dalawa ang unang humalik?"

"Alam mo tinitest lang talaga kita."

"Palusot mo Magalona, hindi na 'yan lulusot sakin." And then she opened the frontseat's door. "May nakalimutan pala sa kwarto ha." Patuloy na pang-aasar niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Bwisit." Pumasok nalang din si Elmo sa loob ng sasakyan kahit na medyo nahihiya siya kay Julie dahil sa biglaan niyang paghalik dito. Bigla niya nalang iyong naramdaman. Bigla nalang nangyari. Parang biglang...

***

"Hoy Elmo kanina pa ako daldal ng daldal dito, bakit hindi ka pa nagsasalita dyan?" Inabutan niya ito ng isang bote ng tubig. "Uhaw ka ba?"

Iling lamang ang isinagot ni Elmo sa kanya.

"Elmo naman, kausapin mo ako, ano ba ang nangyayari sayo?"

"Julie, wala lang ba para sayo yung-"

"Ayoko ng pag-usapan 'yan, wag nalang sanang maulit Elmo." Tumingin si Julie sa labas ng bintana upang makaiwas sa tingin ni Elmo.

"Paano kung gusto kong ulitin?"

Napabalik ang tingin niya kay Elmo ng marinig niya iyon. "Anong ibig mong sabihin?"

"Julie-" hinawakan niya ang kamay ni Julie habang nagfo-focus parin siya sa pagmamaneho. "bakit hindi nalang natin totohanin ang lahat ng 'to?"

"Totohanin? Elmo nagjo-joke ka ba?" She said while she was laughing.

"Sa tingin mo ba nagjo-joke ako?" seryosong sambit niya.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Julie ng biglaang mag-iba ang tono ng pananalita ni Elmo. "Elmo alam mo naman di ba na may boyfriend ako?"

"Boyfriend?" Gulat na sambit ni Elmo.

"Oo, 'yung kinikwento ko sayo."

"Ex mo 'yun ah."

"Ex na kung ex pero kasi-"

"Julie, pareho lang naman tayo. May ex ka, may ex din naman ako." He paused. "And they're our past."

"Mahirap kasing magsalita ng tapos Elmo, baka masyado lang tayong nadadala sa sitwasyon natin ngayon." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kanya ni Elmo. "Lahat ng 'to may hangganan kaya bago pa tayo mafall sa isa't isa, mas mabuti pang umiwas nalang tayo."

"Ang ibig sabihin ba nyan wala talaga akong chance sayo?"

Hindi nakasagot si Julie.

"I get it. Your silence means no." He added.

"No."

"No? You mean yes or you mean no as in no?"

"Elmo natatakot ako."

"Saan?" Pinihit ni Elmo sa gilid ang manibela sabay tigil ng sasakyan upang makapag-usap sila ng maayos ni Julie. "Julie, sabihin mo lang na may chance ako, ipapakita ko sayo na worth it ako ng pagmamahal mo."

"Elmo narinig mo ba ako? Na.ta.ta.kot a.ko."

"Ano pa ba ang kinakatakot mo?" Nag-ipon ng lakas si Elmo bago siya muling magsalita. "Sige Julie aaminin ko na. Talo na kung talo pero mahal na yata kita."

"Naiinis ako."

"Ha?" Napaisip saglit si Elmo. "May mali ba sa nasabi ko kaya ka naiinis?"

Umiling si Julie sabay tingin ng masinsinan kay Elmo. "Naiinis ako kasi walang nanalo sa pustahan natin, pareho tayong natalo."

"Ang ibig mong sabihin-" Biglang lumabas ang ngiti ni Elmo ng hindi niya namamalayan. Para bang nababading siya sa kilig na nararamdaman niya kaya naman bago pa siya tuluyang bumigay ay hinigit na niya si Julie papunta sa kanya upang mayakap ito ng mahigpit.

Gayundin naman ang ginawa ni Julie, gumanti nalang din siya ng yakap tulad ng pagganti niya sa paghalik sa kanya ni Elmo.

"Pero Elmo paano kung bumalik si Ziri?" may pag-aalinlangang sambit ni Julie dahil alam niyang ayaw ng marinig ni Elmo ang pangalang iyon.

"Okay lang, nandito na naman sa tabi ko si Julie."

Hindi napigilan ni Julie ang ngiti niya ng marinig niya iyon. Maya-maya pa ay naramdaman niya na ang unti-unting paglayo ni Elmo sa kanya sapat para magtama ang tingin nila. Pareho na silang hindi nakapagsalita dahil alam na nila kung saan ang susunod na pupuntahan noon.

Ipipikit na sana ni Julie ang mga mata niya ng biglang magsalita si Elmo.

"Dito nalang sa kotse?"

Otomatik na gumalaw ang kamay ni Julie papunta sa braso ni Elmo upang hampasin ito. "Ang baboy mo!"

"Hoy wag ka mahal mo ang baboy na 'to." Natatawang sambit niya habang tinitingnan niya ang reaksyon ni Julie.

"Wala pa akong sinasabing mahal kita."

"Sus." Hinalikan niya si Julie ng mabilisan sa labi na ikinagulat naman ng dalaga dahil tila ba'y isa iyong nakaw na halik. "Mahal mo ako, ramdam ko."

"Ramdam mo lang yun." Sambit niya na may halong irap.

"Gusto mo patunayan ko rito?" He said naughtily.

"Alam mo Elmo ang baboy, baboy mo talaga!"

"I baboy you too." He said very, very, very cutely while his eyes were twinkling.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now