Chapter 29

564 6 0
                                    


It's a brand new day, everyday para kay Julie at Elmo. Simula noong bumalik sila mula sa bahay nila Julie ay talagang nagbago na ang lahat. Hindi na sila madalas mag-away, nababawasan narin ang pagpe-pretend nila sa harap ng lola ni Elmo at mas marami na silang natutunan ngayon sa isa't isa dahil halos minu-minuto na silang magkasama.

"Ma'am Julie bumu-blooming ka ngayon ah." Biro ni Michelle habang pinagmamasdan niya si Julie na abala sa pag-i-sketch.

"Blooming?" She giggled. "Edi ibig sabihin hindi ako blooming dati?"

"Nako hindi ma'am." Inurong ni Michelle ang upuan niya papunta sa cubicle ni Julie habang nakasakay siya rito. "Pero kasi ma'am halatang hindi ka stressed sa asawa mo, tapos rosey cheeks ka pa. Yung totoo ma'am nagchorvahan kayo kagabi no?"

"Excuse me?" Napahawak si Julie sa pisngi niya ng marinig niya iyon.

"Sige na ma'am, aminin mo na. Tayo lang namang dalawa ang nag-uusap dito eh."

Dahan-dahang tinanggal ni Julie ang mga kamay niya sa pisngi sabay titig kay Michelle. "Ganun ba talaga ang basehan nun?"

"Hahaha! Edi ma'am nagchorvahan nga kayo ni Sir Elmo?!"

"Ssssh!" Mabilis na tinakluban ni Julie ang bibig ng katrabaho niya. "Hinaan mo naman ang boses mo, nakakahiya."

"Sabi na eh." Kiniliti ni Michelle si Julie sa tagiliran nito. "Swete mo sa asawa mo ma'am bukod sa gwapo na macho pa." She paused. "At mayaman pa pala."

"Wala naman ako sa yaman niya pero sa gwapo at macho pwede na." She joked.

"Seryoso ma'am?"

"Na ano?"

"Na kagwapuhan lang niya at kamachuhan ang gusto hindi yung-"

"Wala naman sakin kung mayaman siya eh, para kasing add-ons nalang yun. Sa totoo lang ayokong magtake advantage sa yaman niya kasi hindi naman dahil dun kaya ko siya minahal." She smiled.

"Mali pala ako ma'am." Ngumiti rin si Michelle kay Julie. "Si Sir Elmo po pala ang swerte sayo."

"Bakit naman?" Sambit ni Julie na may halong patagong kilig.

"Kasi ma'am mahal mo talaga siya ng walang halong joke."

Natawa si Julie ng marinig niya yun. "Kung alam mo lang kung pa'no kami jinoke ng tadhana."

"Nako ma'am magpasalamat ka nalang na jinoke ka ng tadhana kasi kung hindi, malamang sa alamang wala kang Elmo ngayon."

Natahimik nalang si Julie at hindi na nakapagsalita pa ng matanto niya kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Michelle. Tama nga ang katrabaho niya, kung wala ang joke ni Mr. Tadhana, wala siya sa mind blowing lovelife ngayon.

Napatingin si Michelle sa relo niya ng hindi na nagsalita pa si Julie. "Ay ma'am lunch na pala, hindi pa po ba kayo magla-lunch?"

"Ay oo nga pala!" Nagmamadaling kinuha ni Julie ang bag niya bago siya tumayo. "Mich, mauna na muna ako ha? May usapan kasi kami ni Elmo eh."

"May bago pa ba sa usapan na yan, inaraw-araw niyo na eh." She joked.

"Baliw." She laughed. "Osya, see you later."

"Enjoy his hotness ma'am! Yiiie."

Napailing nalang si Julie habang naglalakad siya palayo kay Michelle dahil patuloy parin siya nitong inaasar at kinakantyawan.

****

"Vernice ano ba 'yang ginagawa mo?" Gulat na sambit ni Elmo ng bigla siya sunggaban ni Vernice pagkatapos ng meeting nilang dalawa tungkol sa mga bagong designs ni Julie.

My Groom, My BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя