Chapter 61

469 6 0
                                    


"Julie ito na yung mga pinapabili ni doc para sa baby. Dinamihan ko na para may stock tayo." Inilagay ni Elmo sa mesa sa kanilang kwarto ang mga pinamili niya habang tinitingnan niya si Julie na hinihele ang bata na hindi nila alam kung saan galing.

"Bakit ka basa?" Laking pagtataka ni Julie ng tingnan niya si Elmo. "Sumugod ka sa ulan?"

"Wala na akong choice eh, pagkatapos kong tawagan si doc umulan na. Wala palang payong sa sasakyan kaya sumugod nalang ako kesa walang inuming gatas yung bata."

"Ganun ba? Sige maligo ka na, baka magkasakit ka pa nyan." Ibinaba niya muna sa kama nila ang sanggol na iyon para maipagtimpla niya ito ng gatas.

Hindi parin umaalis si Elmo sa pwesto niya hanggang sa lumapit na roon ang kanyang asawa. "Ah Julie?"

"Hmm?" Mahinang sambit ni Julie habang binabasa niya ang instruction sa lata ng gatas na hawak niya.

"Seryoso ka na ba talaga sa batang yan?" Bigla siyang ninerbyos ng tingnan siya ni Julie. "I mean, hindi kasi natin sure kung kanino galing yan. Pano kung bawiin siya satin? Hindi kaya mas masaktan ka lang?"

"Elmo sabihin mo nga, ayaw mo ba sa bata?"

"Wala naman akong sinasabi na ayaw ko sa kanya pero hindi mo ba naiisip na kung mahirap magpalaki ng sariling anak eh mas mahirap magpalaki ng hindi mo anak?"

"Elmo whatever it takes papalakihin ko yung bata na yan. Kung ayaw mo it's fine, hindi naman kita pipilitin." Ipinagpatuloy niya nalang ang ginagawa niya. Pagkatapos niyang magtimpla ng gatas para kay Bullet ay kaagad niya na itong binalikan para padedehin.

Lumapit naman kaagad si Elmo kay Julie dahil alam niyang galit parin ito sa kanya. "Julie-"

She looked up to him. Still wearing her serious glare. "Elmo maligo ka na. Bukas nalang tayo mag-usap."

"Hindi ba pwedeng mamaya pagkatapos kong maligo?"

"Elmo I'm tired. Gusto ko ng matulog."

"How about the dinner that I have prepared for you?"

"Hindi ka parin ba kumakain?"

Umiling si Elmo na parang bata na naghahanap ng makakasabay sa pagkain. "Okay lang ba na sabayan mo ako?"

Iniwas na ni Julie ang tingin niya kay Elmo para mapadede niya na si Bullet. "Sige pero pwede bang dalahin mo nalang dito sa taas? Ang hirap kasi magbaba-akyat."

"Oo ba. Wag ka matutulog ha?" Excited na sambit ni Elmo.

"Oo na."

Dali-daling pumasok si Elmo sa sobrang tuwa. Kung dati nakaka-isang oras siya sa paliligo, ngayon twenty minutes lang ang nakonsumo niya dahil sa sobrang excitement. Kahit na ramdam parin niya ang cold treatment sa kanya ni Julie ay hindi na niya iyon pinapansin dahil alam niyang sooner or later magiging okay narin ang lahat.

Pasipol-sipol pa siya habang hinahanda ang pagkain nila sa tray. Ininit niya muna ang mga iyon dahil medyo malamig ang panahon dahil katatapos lamang bumuhos ng malakas na ulan.

Papaakyat na sana siya sa hagdan ng maalala niya ang pina-order niyang yellow rose sa kanyang secretary. Dahil sa wala na siyang ibang way para hawakan ang bulaklak na iyon ay napilitan nalang siyang kagatin ang stem nito.

Pinaa niya nalang ang pinto nila na iniwan niyang nakabukas ng kaunti. Naabutan niya si Julie na nagpupunas ng buhok. Halatang bagong ligo ito, naamoy niya pa ang shampoo at sabon na ginamit nito. Kaya naman pagkatapos niyang mailagay sa mesa sa balcony nila ang tray na bitbit niya ay kaagad niya ng binalikan si Julie.

"Kain na tayo?" Tango lang ang isinagot sa kanya ni Julie. "Para sayo nga pala."

"Ano yan?"

"Bulaklak?"

"Ang ibig kong sabihin, para saan yan?"

"Ayaw mo ba?"

"Yellow rose." Tinanggap ni Julie ang bulaklak at kaagad niyang inamoy iyon. "Anong sinisymbolize nito?"

"Promise of a new beginning." He gave her a sweet smile.

Wala paring bakas ng kahit anong reaksyon sa mukha ni Julie. "Nagresearch ka talaga?"

Umiling siya. "Inalam ko na yan noon pa."

"Okay. Kain na tayo." Dumiretso na si Julie sa balcony para makapagsimula na silang kumain. Sumunod naman kaagad si Elmo sa kanya, ipinaghila pa siya nito ng silya para makaupo na siya.

"Julie bakit nga pala Bullet?" Tanong ni Elmo habang nilalagyan niya ng pagkain si Julie sa pinggan nito.

Hindi naman kaagad nakasagot sa kanya ang kanyang asawa kaya hindi niya nalang inulit pa ang tanong niya. Umupo nalang din siya at nagdasal na para makapagsimula na siyang kumain.

"Bullet kasi..." Napatingin si Elmo kay Julie ng bigla itong magsalita. "kasi yun dapat ang ipapangalan ko sa anak natin." Napainom si Julie ng juice dahil hindi siya komportable na pag-usapan ang bagay na iyon. "Kung ico-compare kasi sa bala ng baril parang ganun din kabilis ang lahat ng pangyayari since nung nagkakilala tayo hanggang sa-"

"Julie-" He interfered his wife. "you don't have to push yourself to explain everything to me. Kung nahihirapan ka, tsaka mo na ipaliwanag sakin. Naiintindihan ko naman."

"No, okay na naman ako. Tama naman si nanay, hindi dapat tumigil ang buhay ko dahil lang nawalan ako ng anak."

"Sure ka na ba sa papasukin nating 'to?"

"Ako oo na, ikaw?"

Hindi kaagad nakasagot si Elmo dahil hindi niya alam kung sigurado na ba talaga siya o baka nadadala lang siya dahil sa nakikita niya na masaya si Julie sa tuwing hawak-hawak nito si Bullet.

"Kapag ba ipinasok natin siya sa buhay natin mababalik na ulit yung dating tayo?"

"That I don't know." Ibinuhos nalang ni Julie ang atensyon niya sa pagkain dahil hindi niya na gusto ang patutunguhan ng usapan nila. Ready na siyang tanggapin si Bullet sa buhay niya, pero ang tanggapin ulit si Elmo? Iyon ang bagay na hindi niya pa kayang sagutin sa ngayon dahil kahit anong limot at pagpapatawad ang gawin niya hindi parin maalis sa kanya ang sakit sa tuwing naaalala niya ang lahat ng mga pangyayari.

"Julie-" Hinawakan niya ang isang kamay ni Julie para maibalik ang atensyon nito sa kanya. "Maghihintay ako." Ngumiti siya. "Hihintayin kita kahit anong mangyari."

"Pa'no kapag matatagalan pa? Makapaghihintay ka parin?"

He immediately nodded. "I don't want to think I'm going to lose you someday. You've always been there for me and I want to be there for you just the same." Pinagmasdan niya saglit si Julie habang nakatingin ito sa kanya sabay ngiting muli. "you're the kind of person I could never afford to lose and that's because I love you so much Julie!" Tumayo siya sapat para mahalikan niya ang noo ni Julie. "I love you so much." Pag-ulit pa niya.

To be continued...

My Groom, My BrideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz