Chapter 44

509 6 0
                                    


Maganda ang gising ni Elmo kasi ito na ang last day ng paghihirap niya sa launch ng new collection ng company nila. After kasi ng project niyang ito pwede na siyang makapagfocus kay Julie at sa batang nasa sinapupunan nito.

As usual, tulog na tulog parin ang asawa niya, para na kasing polar bear ngayon si Julie na hibernate ng hibernate kada-oras. May kalakasan naring kumain ang kanyang asawa kaya naman namimintog na ang mga pisngi nito. Hindi maiwasang mapangiti ni Elmo ng makita niya ang pinagbago ni Julie. Ngayon, naniniwala na siya sa true love na sinasabi ng Lola Vera niya.

Sabi kasi nito noong bata pa siya kailangan niyang makahanap ng babae na mamahalin niya kahit pa magbago ang itsura nito, kahit na kumulubot pa ang mga balat nito o kahit pa mamuti ang lahat ng buhok nito. Hindi naman pumangit ang kanyang asawa, sa katunayan mas gumanda pa ito sa paningin niya.

Natutuwa siya everytime na magigising siya tapos nakayakap sa kanya si Julie. Dati rati kasi sobrang dikit talaga nila ngayon may boundary na. Natatakot kasi siyang masagi ang tyan ni Julie kaya as much as possible lumalayo siya rito ng mga three inches away. Minsan nga nasasabihan pa siya ng OA ng kanyang asawa kasi hindi pa naman malaki ang tyan nito, wala pa ngang umbok, parang namumuong bilbil palang kumbaga.

"Stop watching me."

Nagulat si Elmo ng biglang magsalita si Julie habang nakapikit ito. Ngingiti na sana siya sa pag-aakalang ng sleep talk ang kanyang asawa ng bigla niyang maramdaman ang kurot nito sa tyan niya.

"Aray naman." Napaurong si Elmo ng kaunti dahil sa sakit.

"Sabi ko kasi stop watching me." Finally she opened her eyes and smiled. "Good morning honey." Sumiksik siya sa ibaba ng kili-kili ni Elmo. "Alam mo hon kung babae ka napakapabaya mo sa katawan."

"Ha?" Nagtatakang sambit naman ni Elmo sa napakarandom na sinabi ni Julie.

Lumayo si Julie ng kaunti sabay hawak nito sa buhok sa kili-kili ni Elmo. "Ito o rain forest na. Pluck natin?"

Mabilis na isinara ni Elmo ang kamay niya para matago ang kili-kili niya sa kanyang asawa. "Masakit yan Julie ha, paglihian mo na lahat ng parte ng katawan ko wag lang yung buhok sa kili-kili ko."

"Dali na kasi." Natatawang sambit ni Julie.

"Julie isa-" Banta niya sa kanyang asawa.

"Sige na. Sige na." Natatawang sambit ni Julie habang tinitingnan niya si Elmo na salubong na ang kilay. "Nga pala, ano susuutin mo mamaya sa launch?"

"Yung dinesign mo."

"Alin dun?"

Pinahiga niya sa kanyang braso si Julie. "Yung white suit."

"Ah." Hinawi ni Julie ang buhok niya papunta sa kaliwa niyang balikat. "Ingat ka mamaya ha?"

Napatingin siya kay Julie. "Anong ingat ako? You're coming with me."

"Ayokong sumama Moe, hindi ako masyadong confident."

"Confident?" Hinaplos niya ang braso ni Julie. "Honey naririnig mo ba yung sarili mo?"

"Baka kasi hindi magustuhan ng mga investors yung gawa ko, kapag nagfail yun for sure magagalit sakin ang mommy mo."

"Hon-" Tinaas niya ang chin ni Julie para tumingin ito sa kanya. "It will be a successful launch. Nakalimutan mo na ba? Almost eighty percent ng mga investors namin puro gawa mo ang pinuri? Tsaka-" He smiled. "Napabilib mo nga si Gina, yung mga foreign investors pa kaya?"

"Sa tingin mo ba dapat talaga nandun ako?"

"Syempre naman. Tsaka ikaw yung nagdesign ng mga damit ang pangit naman kung wala ka. Anyway, lola vera's coming to watch our launch."

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now