Chapter 60

508 6 0
                                    


"Julie anak?"

Nagising si Julie ng maramdaman niyang may humagod sa likod niya. Pamilyar ang boses na iyon kaya naman ng sandaling idilat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang ina sa loob ng kanilang kwarto ay bigla siyang napatayo sabay yakap dito ng mahigpit.

"Nay." Nanginginig na sambit niya.

"Julie." Naaawang sambit ng ina ni Julie ng makita niya ang nanlulumong itsura ng kanyang anak.

She sobbed. "Nay bakit ganun? Bakit ako pa?"

"Julie-" Tiningnan niya ang kanyang anak. "Pinapunta ako ng asawa mo dito para kausapin ka, hindi ka raw kumain kagabi kaya alalang-alala na siya. Anong nangyayari sayo anak?"

"Nay sa tingin mo ba makakain pa ako sa lagay na 'to?"

"Anak, makinig ka." Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Julie. "Bago ka dumating samin ng tatay mo maraming beses na akong nawalan ng anak. Pero hindi ko hinayaang kainin ako ng sakit na nararamdaman ko. Naaalala ko pa nun, ang laging sinasabi ng doktor mahina raw ang pagkakapit ng bata sa bahay-bata ko pero hindi kami tumigil ng tatay mo hanggang sa dumating ka sa buhay namin." Saglit niyang nginitian si Julie. "Anak, hindi dapat itigil ang buhay mo dahil lang dito. Alam ko masakit. Alam ko na nararamdaman mong parang wala ka ng pakinabang. Naiintindihan ko lahat yan kasi Julie nanggaling na ako dyan." Her forehead wrinkled. "Pero anak kung lagi mong ikukulong ang sarili mo dahil lang dito, walang mangyayari sayo. Hindi mo ba nakikita ang effort ng asawa mo?" Tiningnan niya ang mga pagkaing nakabalandra lang sa maliit na mesa malapit sa kama na kinaroroonan nila. "Halatang-halatang hindi siya marunong magluto pero pinagluluto ka niya. Julie, kung nawalan ka man ng anak nandyan parin naman ang asawa mo. Pwede pa kayong sumubok na magka-anak ulit."

"Wala na akong pakialam sa kanya nay. Gusto ko ng umalis dito."

"Julie ano ka ba? Ang ganda na ng buhay mo sa kanya tapos iiwan mo pa siya?"

"Ayan." She paused. "Ayan na naman kayo sa ganda ng buhay." Inis na sambit niya. "Bakit nay kapag nag-stay pa ba ako sa kanya hindi ba magiging miserable ang buhay ko?"

"Hindi yan ang gusto kong sabihin. Sino ba namang magulang ang gustong maging miserable ang anak niya?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kanyang anak ng mas lalo pa itong umiyak. "Julie, ang gusto ko lang naman subukan niyo ulit ni Elmo, tingnan mo kami ng tatay mo noon-"

"Nay iba kayo ni tatay."

"Sige sabihin mo sakin kung ano ang pinagkaiba namin sa inyo?" Biglang natahimik si Julie. "Julie wag kang magpakain sa emosyon mo, dahan-dahan kang papatayin nyan."

"Sana nga namatay nalang ako."

"Julie ano ba!"

"Nay ganun din naman di ba? Oras-oras, minu-minuto parang pinapatay narin ako ng sakit na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit na nay-" She was shaking. "Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayanin 'to."

"Julie kakayanin mo." Kaagad niyang niyakap ng mahigpit si Julie para patahanin ito sa pag-iyak. "Dapat mong kayanin anak."

Napayakap nalang din si Julie sa kanyang ina ng maramdaman niya ang sinseridad nito. "Hindi ko na maintindihan nay. Bakit parang siya, ang dali-dali lang na tanggapin na wala na yung anak namin? Kaya niya na ulit gawin yung mga dati niyang ginagawa, bakit ako, hindi ko magawa?"

"Julie hindi-" Hinaplos niya ang likod ng kanyang anak. "Kung nasasaktan ka, alam kong mas nasasaktan siya lalo na kapag nagkakaganito ka."

"Hindi ka galit sa kanya?"

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now