Chapter 75

451 5 0
                                    

Hindi nagpatinag si Elmo sa pagmamatigas sa kanya ni Julie. Sinundan niya ito hanggang sa makauwi ito sa bahay kasama si Bullet. Matagal narin simula noong huli niyang nakita na nag-iimpake ang kanyang asawa sa harap niya, gusto niya man itong pigilan ngunit hindi niya magawa dahil natatakot siya sa mga 'wag-mo-akong-pipigilan' na tingin ni Julie sa kanya. Wala siyang ibang magawa sa mga oras na iyon kundi tumingin at sumunod kay Julie hanggang sa... hanggang sa mailabas na ni Julie lahat ng gamit nila ni Bullet para mailagay na iyon sa loob ng sasakyang gagamitin nila.

"Bullet pumasok ka na sa loob ng sasakyan, ilalagay lang ni mommy yung mga gamit sa compartment."

"But mommy-"

Tiningnan ni Julie ng seryoso ang anak niya. "Bullet, napag-usapan na natin 'to, sumunod ka nalang kay mommy, okay?"

"Okay." Napilitang sambit ni Bullet bago siya pumasok sa kanilang sasakyan ng nakayuko.

Hinawakan na niya ang huling bagahe na ilalagay ni Julie sa compartment nang hindi na siya makatiis. "Julie, wag namang ganito please." Galit na titig lamang ang nakuha niya kay Julie. "Sige bahala ka, kahit tingnan mo ako araw-araw ng ganyan okay lang basta wag lang kayong umalis ni Bullet ng bahay."

"Sagutin mo ang tanong ko, baka sakaling hindi na kami umalis ng bahay mo."

"Alam mo na naman ang sagot sa tanong mo."

"Elmo kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam ang sagot."

"Ayokong umalis ka."

Bumigay na si Julie ng makita niya ang mga gumigilid na luha sa mga mata ni Elmo. "Bakit sa tingin mo ba gusto ko 'to?"

"Wag ka umalis, please?"

"I'm sorry Elmo pero kailangan kong gawin 'to para sating dalawa." Hinigit na ni Julie ang bagahe na pareho nilang hawak at agad niya iyong ipinasok sa loob ng sasakyan. "See you at work."

"Bakit hindi mo suot ang wedding ring natin?"

"Alam naman nating pareho na hindi tayo kinasal dahil mahal natin ang isa't isa. It was a wedding by an accident. Kahit yang bata na nasa loob ng sasakyan hindi rin sayo, Elmo kung tutuusin you're free to love another woman again. Wala ng pipigil sayo."

"Hindi naman kasi ganun yu-"

"Elmo-" Pinunasan niya ang kanyang luha sabay pilit na ngumiti sa harapan ng kanyang asawa. "Ramdam ko na mahal mo siya, at kung saka-sakaling tama ako sige lang, gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang sinasabi sayo nito-" hinawakan niya ang parte ng katawan ni Elmo kung saan naroroon ang puso nito. "yun ang sundin mo, kasi kung hindi mo yan gagawin habang buhay kang magsisisi na ako ang pinakasalan mo." She looked at him intently. "Naalala mo nung araw na nagising ka na nasa tabi mo ako? Gusto mo bang ganun ang maging reaksyon mo habang buhay? Elmo malaki ka na, alam mo na dapat kung ano ang tama sa mali kaya kung si Ziri talaga ang mahal mo, panindigan mo."

"Julie-"

"Goodbye Elmo." And then she left.

***

Nakatunganga lang si Alvin habang pinagmamasdan niya si Elmo na walang tigil sa pag-inom ng beer. Hindi na nga inom ang ginagawa ng kanyang kaibigan kundi laklak na. Subukan niya mang pigilan si Elmo pero hindi ito nagpapatinag sa kanya kaya kesa masuntok niya ang kanyang kaibigan ay pinabayaan niya nalang ito.

"Alvin-"

"Marunong ka pa palang magsalita no? Akala ko papanisin mo lang ang laway ko ngayong gabi."

"Alvin may gusto ka ba sa asawa ko?"

Nabulunan si Alvin ng tanungin iyon sa kanya ni Elmo. "Ano?! G*go ka ba?"

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now