Chapter 30

577 6 0
                                    


Panay ang tingin ni Vera kay Julie at Elmo ng makarating ang mga ito mula sa opisina. Pilit man nilang itago ang mga lambingan at titigan nila ay hindi parin iyon nakaligtas sa mga mapangmatsyag na tingin ni Vera. Dahil dito, hindi maiwasang ng matanda ang mapangiti sa tuwing nakikita niya ang mga ikinikilos ng kanyang apo at ng asawa nito.

"Pa'no ko ba 'to sasabihin sa kanila..." sambit ni Vera sa kanyang sarili habang nakaupo siya sa couch katapat ng sofa na kinauupuan ng mag-asawa.

"Oh ba't ang lungkot mo?" Pabulong na sambit ni Elmo habang nilalaro niya ang malambot na kamay ni Julie.

"May naalala lang ako." Mahinang sambit naman ni Julie.

"Ano naman yun? 'Yung kanina ba?"

"Hindi." Tumingin siya sa mga mata ni Elmo na tila ba'y nagsasabi ng 'sabihin mo na kase'. "Basta. I'm good."

"Sinungaling."

"I am telling you the truth."

"But your eyes' telling me something else."

"Na mahal kita?" Napangiti siya. "Now that's the truth."

"Akyat na tayo?" Determinadong sambit ni Elmo habang tinitingnan niya ang malalamyang mata ni Julie.

"Ano ka ba, di mo ba nakikita si Lola? Parang may gusto siyang sabihin."

"Gusto niya na raw kasing magka-apo, pagbigyan."

Palihim na siniko ni Julie ang tagiliran ni Elmo. "Pagbigyan mo 'yang mukha mo."

"Aray naman, nagsa-suggest lang. Masama ba 'yun."

"Nakaka-ilan ka na, tigilan mo nga ako Elmo."

"Sige ayaw mo? Maghahanap nalang ako ng iba." Biro pa niya.

"Subukan mo lang, baka gusto mo maghanap din ako ng iba."

"Ito naman hindi na mabiro-" Inakbayan niya si Julie sabay pasimple siyang humalik sa buhok nito. "Hindi na ako makakahanap ng katulad mo, takot ko nalang no."

"Bolero." She giggled.

"Totoo naman kase."

"Ehem." Natigil ang pag-uusap ng dalawa ng biglang sumingit si Vera. "Pwede ba akong maka-istorbo saglit?"

Tinapik ni Julie si Elmo upang masenyasan ito na umayos ng upo. "Oo naman po lola."

"Lola bakit may problema po ba?" Nag-aalalang sambit ni Elmo dahil nakita niya ang mata ni Vera na may halong kalungkutan.

"Ah, wala naman hijo." Tiningnan niyang muli ang mag-asawang nasa harapan niya. "I know I have been a burden-" Bigla siyang natawa ng maalala niya ang request sa kanya ni Julie na magtagalog nalang kaysa ingles. "Nasaan na ba ako?"

"Nakaupo ka lola." Mabilis na sagot ni Julie sabay tawa. "Joke lang po, nasa burden ka na lola." She paused. "Pero lola, hindi ka naman po pabigat samin ni Elmo eh."

"I know hija, but I really have to go."

"Yes!" Medyo may kalakasan na sambit ni Elmo dahil sa wakas ay masosolo niya narin si Julie.

Muling siniko ni Julie ang tagiliran ni Elmo sabay bulong dito na may halong inis. "Anong yes?!?"

He cleared his throat immediately. "Ang ibig ko pong sabihin yes kasi-"

"You don't have to explain hijo." Natatawang sambit ni Vera dahil nakuha niya ang gustong ipunto ng kanyang apo. Masyado na siyang matagal sa puder ng mag-asawa at halos gabi-gabi ay hinihiram niya si Julie upang matugtugan siya nito ng piano o di kaya naman ay makwentuhan ng kung ano-ano.

Aminin man niya o sa hindi ay masyado na siyang napapalapit sa asawa ng kanyang apo. Hindi sa gusto niyang dumistansya rito ngunit napagdesisyunan niya na bigyan muna ng privacy si Julie at Elmo, tutal naman, may bagong business trip siyang pagkaka-abalahan.

"Pero lola hindi naman namin kayo pinapaalis ni Julie rito. We're happy to be with you every single day."

"Plastik." Sabay na sambit ni Vera at Julie.

"Seryoso naman kasi talaga ako."

"Kidding aside hijo." Vera stopped laughing. "May business trip kasi ako with our new investors, marami silang gustong malaman about our business kaya pupunta kami sa iba't ibang branch ng companies natin. Gustuhin ko man na mommy mo ang gumawa nun but she refused, gusto niya lang daw dito sa main branch kaya hinayaan ko nalang siya."

"Ano pa ba ang maaasahan mo kay Gina, lola? She's a self-centered woman. All she cares about is herself."

"Elmo." Sumingit na si Julie sa usapan ng mag-lola ng hindi niya magustuhan ang sinabi ng kanyang asawa, kahit na alam niyang masama ang ugali ng manugang niya ay hindi parin iyon tama dahil si Gina parin ang nagluwal sa kanya. "Napag-usapan na natin 'to di ba?" Mahinang sambit ni Julie, sapat para hindi sila marinig ni Vera.

"What? I'm just stating the facts."

"Elmo please? Kahit para sakin nalang? Respect your mom."

"Sige na, sige na." Tumingin siyang muli sa lola niya. "So lola, when's your business trip?"

"Tomorrow na hijo."

"Bukas na agad?"

"Actually matagal ko ng gustong sabihin 'to sa inyo kaso hindi ako makakuha ng tsempo, kaya ngayon ko nalang sinabi."

"You love surprises, don't you?"

"Of course Moe, kaya surprise me when I get back. I want a grandwhatever as soon as possible."

"Si Julie nalang po tanungin mo lola, di ba Jul-"

Hindi pa man natatapos ang gusto niyang sabihin kay Julie ay nakaalis na ito sa tabi niya upang magtungo sa kinauupuan ni Vera.

Umupo si Julie sa tabi ni Vera sabay yakap dito ng mahigpit.

"Lola mamimiss kita."

"Ako rin hija, sobrang mamimiss kita. Tsaka na ulit ang kwentuhan natin tungkol kay Elmo ha?"

"Anong tungkol sakin?"

"Wala. Chismoso." Julie and Vera said in unison, and then they both laughed.

"Sige lang pagtawanan niyo pa ako. Dyan naman kayo magaling."

"Drama." Natatawang sambit ni Julie habang nakikipagtitigan siya kay Elmo.

"Elmo, Julie-" kaagad namang tumingin ang mag-asawa kay Vera ng muli siyang magsalita. "Seryoso ako sa magiging apo ko, sana pagbalik ko sa business trip ko."

"Narinig mo yun Julie?" taas-baba ang kilay ni Elmo habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawa.

"Oo naman Elmo." Sambit ni Julie habang pinanlalakihan niya ng mata si Elmo.

"Lola oh nagagalit."

"Ha?" Bahagyang niliitan ni Julie ang mga mata niya sa pormang puppy eyes. "Hindi naman lola eh."

"Hayaan mo lola, may plan B na ako." Natatawang sambit ni Elmo. "kapag hindi gumana may plan C to Z pa."

"Plan C to Z pala ha." May pag-irap na sambit ni Julie.

"Oo at kapag hindi gumana, the process repeats." He winked to his very beautiful and seductive wife with a lot of confidence.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now