Chapter 21

524 5 0
                                    


"Julie, we're here."

Dahan-dahang binuksan ni Julie ang mga mata niya ng maramdaman niya ang kamay na dumampi sa kanyang kanang pisngi. Otomatik siyang napa-ayos ng upo ng makita niya si Elmo na nakatayo sa harapan niya habang titig na titig ito sa kanya.

Itinakip niya kaagad ang bag niya sa kanyang dibdib ng makita niyang sumulyap doon si Elmo. "Manyak ka talaga, bakit ganyan ang tingin mo sakin?"

He moved closer to Julie. "Punasan mo muna ang laway mo bago mo ako awayin." And then he laughed.

Kaagad namang pinunasan ni Julie ang bibig at ang gilid ng kanyang pisngi ngunit wala naman siyang naramdaman na laway o kung ano. Nang ibaling niya muli ang tingin kanyang tingin kay Elmo ay mas nilakasan pa nito ang tawa niya.

"Uto-uto." He added.

"Bwisit ka talaga!" Hinampas niya ng bag si Elmo sa sobrang inis at pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng sasakyang kung saan siya nakatulog dahil sa sobrang pagod.

"Saan ka pupunta?"

"Bahala ka sa buhay mo, maghanap ka ng mongoloid na katulad mo pwede mong kausapin." Sambit ni Julie habang gigil na gigil siyang naglalakad papapasok ng bahay nila.

Napailing nalang si Elmo habang tinitingnan niya si Julie na inis na naglalakad papalayo sa kanya. Sinarahan niya muna ang pinto ng sasakyan niya bago niya habulin si Julie upang mapigilan niya ito.

"Uy, joke lang. Ano bang problema mo bakit ang bilis mong magalit?" Hinawi ni Julie ang kamay niya ng hawakan niya ito sa braso.

Hinarap ni Julie si Elmo dahil alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi siya nagsasalita. "Anong sabi ko sayo kanina?"

"Sabi mo, maghanap ako ng mongoloid na katulad ko." Sambit ni Elmo habang pinipigil niya ang tawa niya dahil hindi niya maiwasang matawa sa tuwing naiinis niya si Julie.

"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Maghanap ka na."

"Mongoloid di ba?" Tinaasan lang siya ng kilay ni Julie. "Nasa harap ko na yung pinapahanap mo sakin eh." And then he laughed again.

"Ano ba talagang gusto mong manyari Elmo? Nakaka-badtrip ka na."

"Bakit ba kasi ang hirap mong lokohin? Wala ba sa bokabularyo mo ang joke?"

"Joke?" She scoffed. "Elmo pagod ako, wala ako sa mood makipaglokohan sayo."

Nang tumalikod sa kanya si Julie ay hinawakan niyang muli ang braso nito para mapigilan ito sa pag-alis.

"Elmo naman-" pagod na sambit niya nang pigilan siyang muli nito sa pagpapunta sa kwarto nila.

"Hindi pa kasi ako nakain-"

"So gusto mo subuan pa kita?"

He shook his head. "Ang gusto ko sabayan mo akong kumain."

"Wala rin ako sa mood kumain, kaya mo na 'yang mag-isa." Pinilit na talikuran ni Julie si Elmo kahit pa naaawa na siya sa mukha nito.

"Ako ang nagluto." Masayang sambit ni Elmo.

Napatigil sa paghakbang si Julie ng marinig niya iyon, humarap siyang muli kay Elmo ng hindi binabago ang ekspresyon ng mukha niya. "Ikaw ang nagluto?"

He nodded immediately while he was smiling at her. "At hindi sunog."

"Weh?"

"Oo nga. Tara, kain na tayo?"

Napangiti nalang si Julie nang nilapitan siya ni Elmo at nang hinawakan nito ang kamay niya upang sabay silang pumunta sa dining area. "Kapag lang 'yang niluto mo eh sunog-"

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now