Chapter 43

485 5 0
                                    

"She's two weeks pregnant."

Hindi makapagfocus si Gina sa mga binabasa niyang documents dahil hindi niya magawang alisin sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni Elmo kagabi. Medyo hindi parin siya makapaniwala sa sinabi sa kanya ng kanyang anak kaya naman sinubukan niyang ipatrace sa secretary niya kung saan nagpapacheck up si Julie. Pero... wala siyang nakuhang impormasyon. Wala ni isang ospital ang may hawak ng records ni Julie, marahil, hindi pa nagpapacheck up ang asawa ng kanyang anak.

"What the hell mom-in-law, ang aga-aga ng call mo. Mamaya pa namang 6:30pm ang launch right? Ano yan excited ka lang?" sunod-sunod na sambit ni Ziri kay Gina ng walang pasabi siyang pumasok sa office nito kahit pa pinipigilan na siya ng secretary ng ina ni Elmo.

"Ma'am I'm really, really sorry I've been-"

"It's okay. You can leave us now." Gina said seriously.

Pinagdiskitihan ni Ziri ang makulit na secretary ni Gina. Tiningnan niya ito ng masama sabay taas ng kilay bago siya magbitiw ng salita. "Bingi ka ba? She said chupi!"

Nagmadali namang lumabas ang secretary ni Gina na para bang isang daga na itinaboy ng pusa papalayo.

Napailing nalang si Gina ng takot na takot na lumabas ang secretary niya. "Chupi? What's that?"

Inayos ni Ziri ang pagkakahawak sa bag niya, inilagay niya ito sa kanyang braso sabay lakad ng pasuray-suray papunta sa mesa ni Gina. "Ay oo nga pala, sosyal ka. Chupi-" sandali siyang nag-isip. "Go away. Ayan masaya ka na mom-in-law? "

"Could you please stop calling me mom-in-law? You-are-not-my-son's-wife. Please put that in mind." She rolled her eyes. "And by the way, nakainom ka ba?"

"Hindi pa ba obvious?" She laughed sarcastically. "Kaya nga naiinis ako kasi sinira mo ang beauty rest ko." Maarte niyang inayos ang kanyang buhok. "Kailangan ko pa namang maging pinakamaganda mamayang gabi."

"At kailangan ko rin na maayos ka mamayang gabi, ayokong masira sa mga investors namin. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Whatever." Umupo siya sa sofa malapit sa kinatatayuan niya sabay cross legs. "Anyway, bakit mo pala ako pinatawag ng ganito kaaga? May problema ba?"

"Yes." Isinara muna ni Gina ang mga dokyumentong nasa mesa niya. Isinandal niya ang likod niya sa kanyang upuan sabay tingin ng diretso kay Ziri. "Gusto kong itigil mo muna ang mga plano mo."

"Plano ko? Or plano nating dalawa?"

"Whatever you want to call that plan Ziri, I don't want to push through with it."

"Aba bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Parang kahapon lang galit na galit ka sa magaling mong manugang tapos ngayon para kang aso na biglang naputulan ng bundot dyan." She laughed. "Gina Magalona, are you sick?"

"The situation now is different from before Ziri."

"What do you mean different?" Laking pagtataka niya.

"May bata ng involved, kaya please let's stop this."

"Bata? Teka nga, wag mong sabihing buntis si..." She paused. "'yung babaeng yun?!"

"Yes, according to Elmo, his wife's two weeks pregnant."

"You gotta be kidding me." She scoffed. "She's not the type of woman na magpapasira ng figure."

"That's what I thought too, but she's really different."

"She's desperate." Sumandal si Ziri sa kinauupuan niya. "Itutuloy ko parin ang plano natin sa ayaw o sa gusto mo."

"Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan lang? Ang sabi ko let's stop this, ayokong madamay ang magiging apo ko. Don't ever dare Ziri, kasi ako ang makakalaban mo sa oras na may masamang mangyari sa apo ko." She crossed her arms. "Kung gusto mong ituloy yan after nalang manganak ni Julie, basta ayokong idadamay mo sa plano mo yung bata."

Nang-aasar na pumalakpak si Ziri habang bahagya niyang nginingitian si Gina. "Good plan. Pwede kong gamitin ang bata para mas mapalapit kay Elmo kasi medyo mailap sakin ang anak mo ngayon. I can sense na matindi ang pangangailangan niya kay Julie, parang nagayuma na ata talaga siya ng babaeng yun."

"Trust me, she's better than you. She knows how to play well."

"So ano ang gusto mong palabasin? Na tanga ako?"

"I didn't say that." She smirked. "Alam mo kung hindi ka lang mukhang pera edi sana ikaw na ang nagpapakasasa ngayon sa mga pera ni Elmo pero hindi mas inuna mo ang offer ko. Sorry ka ngayon."

"Ha-ha-ha! Sorry ka rin ngayon kasi kahit anong gawin mo kailangan mong tanggapin na magiging manugang mo ako-" She twisted her hair. "sa ayaw at sa gusto mo."

"Work on it Ziri." Pairap na sambit niya. "Tingnan natin kung gagana yang plano mo."

"Watch me Gina. I promise you-" Tumayo na si Ziri para ayusin ang skirt na suot niya. "This plan will definitely work."

"We'll see Ziri. We'll see." Panghahamong sambit ng ina ni Elmo sa dating kasintahan nito.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now