Chapter 58

421 4 0
                                    


May dugo ang ilang parte ng puting longsleeves na suot ni Elmo dahil sa pagbuhat niya kay Julie, maluwang narin ang pagkakatali ng necktie na nakasabit sa kanyang leeg at maging ang buhok niya ay magulo narin. Paikot-ikot siya sa aisle ng ospital na iyon ng biglang may tumapik sa kanya.

Si Alvin.

"Anong nangyari?"

"Ewan ko rin, we were having a small fight tapos bigla nalang may umagos na dugo sa hita niya." Tulirong sagot ni Elmo sa kanyang kaibigan.

"Alam mo naman kung ano ang sitwasyon ng asawa mo, bakit mo pa inaway? Are you out of your mind Elmo?"

"Alvin hindi ko na alam." Umupo siya sa isang tabi. "Kapag may masamang nangyari kay Julie o sa baby namin hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Dapat lang." He paused. "Elmo alam mo kung gaano ka excited si Lola Vera para sa magiging apo niya. Kahit nasa ospital siya si Julie at ang magiging apo parin niya ang lagi niyang inaalala." Umiling siya habang pinagmamasdan niya si Elmo. "Pasalamat ka kailangang magpa-opera ni Lola sa America kung hindi you're dead by now."

Napatingala si Elmo kay Alvin ng magprocess na sa isip niya ang sinabi nito. "Umalis si Lola Vera ng hindi nagpapaalam sakin?"

"Yes. Kailangan na siyang dalahin sa US as soon as possible kaya nawalan na siya ng time na magpaalam sa inyo. May five operations siyang pagdadaanan every year kaya matatagalan siya dun."

Hindi nalang umimik si Elmo. Now's not the time to think of something else. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang ipagdasal ang safety ng mag-ina niya.

After a few minutes, may lumabas ng doktor mula sa emergency room. Nagtanggal na ito ng facemask at ng gloves bago nito lapitan si Elmo.

"Are you the husband?" Tanong ng lalaking doktor habang tinitingnan niya si Elmo na balisang sumalubong sa kanya.

Nada-dapa dapang lumapit si Elmo sa doktor na umasikaso kay Julie. "Doc okay lang ba ang mag-ina ko? How's the baby?"

Sandaling nanahimik ang doktor na iyon bago niya muling tingnan si Elmo. "Your wife is safe Mr. Magalona but-" He paused. "we failed to save the baby."

"Eh g*go ka pala eh!" Kwinelyuhan ni Elmo ang doktor na kausap niya. Akma na niyang susuntukin ito ng pigilan siya ni Alvin na gawin iyon.

"Doc pasensya ka na. Ako na po ang bahala sa kanya." Kaagad na inilayo ni Alvin si Elmo mula sa doktor sabay tulak dito papunta sa pader.

"I understand his situation. It's fine." Malumanay na sambit ng doktor bago ito maglakad papalayo sa kanila.

"Well fuck you! I shouldn't have asked you to save them. You are useless!" Inis na sagot ni Elmo sa doktor.

"Pare ano ba!"

"Ano ba?!?" Namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. "Alvin pinagkatiwala ko sa mga hayop na yan ang mag-ina ko tapos yan ang sasabihin mo sakin ngayon?! 'Ano ba?' pagkatapos nilang pabayaan ang asawa't anak ko?!"

"Don't blame them Elmo!" Napailing siya. "In the first place, ikaw ang nagpabaya hindi sila. Kung hindi mo sana inaway ang asawa mo edi sana wala ka sa sitwasyong 'to ngayon."

Hindi na nakapagsalita pa si Elmo ng sambitin iyon ni Alvin sa harapan niya.

"Nangyari na ang nangyari. You have to accept that." Dagdag pa nito.

"Hindi ganun kadali yun Alvin, ano ang sasabihin ko kay Julie pag nagising siya? Na ano? Na nangyari na ang nangyari at kailangan niyang tanggapin na wala na ang baby namin?! Is that what you want me to do?"

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now