Chapter 3

573 4 0
                                    


"This-is-it!" Hindi makapaniwala si Elmo sa nakikita niya. It's a garden wedding. Iyon kasi ang gusto ni Ziri kaya naman kaagad niya itong sinunod. Lahat ng bisita ay naroroon na, maging ang pari na magkakasal sa kanila ay naroroon narin. May nag-iisa nalang talagang kulang... ang pinakamagandang babae sa araw na iyon... ang bride niya.

"Elmo, five minutes na siyang late. Itutuloy pa ba natin 'to?" Kinakabahang sambit ni Alvin.

Si Alvin ang personal assistant ng ina ni Elmo. Siya rin ang itinuturing na nakakatandang kapatid ng binata dahil halos sabay na silang lumaki. Maagang pumanaw ang mga magulang ni Alvin kaya ang pamilya Magalona na ang kumupkop sa kanya ng permanente.

Matangkad si Alvin, matangos ang ilong nito at may kasingkitan ang mga mata. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at may matikas na katawan. Tall, dark and handsome, iyan ang paglalarawan sa kanya ng mga babaeng patuloy paring naghahabol sa binata. Ngunit kahit ganoon pa man ay parati parin siyang nalalamangan ni Elmo dahil mas malakas parin ang sex appeal nito kaysa sa kanya.

"Chill ka lang Alvin, mas kinakabahan ka pa sakin e ako itong ikakasal." He tapped his right shoulder. "Natraffic lang yun."

"Sana nga, ayoko namang masayang ang pagsuway ko kay Tita Gina."

Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni Elmo ng marinig niya iyon. "Pagsuway? Bakit ano na naman ang sinabi niya sayo?"

"Sabi niya kasi puputulin niya raw ang lahat ng bank accounts ko sa oras na pumayag akong maging best man ng kasal mo kay Ziri."

"She threatened you like that?!"

"You know Tita Gina, she's the queen." He paused. "She's the boss."

"Well not anymore, kaya nga pinush ko talaga 'tong kasal na 'to para mapatunayan ko sa kanya na hindi lahat kaya niyang paikutin sa mga kamay niya."

"Elmo aminin mo nga." Lumapit siya kay Elmo upang walang ibang makarinig sa sasabihin niya. "Ito bang kasal na 'to gagawin mo dahil mahal mo si Ziri o dahil lang gusto mong may mapatunayan sa mommy mo?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Elmo. Tumingin muna siya sa buong paligid nila para makapag-isip. Maganda ang buong paligid, punong-puno iyon ng bulaklak at mga nagliliparang paru-paro. Mayroong ding carpet at arko na pumapagitna sa dulo ng mga bulaklaking upuan na naroroon. Kakaunti lamang ang mga upuan na pinalagay nila Elmo dahil piling bisita lang din ang inimbitahan nila ni Ziri. All in all, the place was so melodic... so sweet... so refreshing... so solemn... so Ziri.

"I am doing this because I love Ziri so much and I am willing to give up everything... just for her."

"Ziri must be lucky."

"I am the lucky guy in here, Alvin." Elmo said happily.

***

"Manong pakitigil ng kotse." Utos ni Julie habang nanginginig ang kamay niya.

"Pero ma'am sabi po ni Sir Restituto sa simbahan ko raw po kayo ibababa."

"Ititigil mo ba o tatalon ako habang tumatakbo ang sasakyan na 'to?!"

Dahil narin sa takot ng driver sa tono ng pananalita ni Julie ay napaapak ito sa brake ng sasakyan. Mabuti na lamang at nasa gilid sila ng kalsada dahil kung hindi ay maaari pa silang makasagabal sa ibang pang mga motorista.

"Julie, ano ba 'yang naiisipan mo? Akala ko ba desidido ka na ha?" Naguguluhang sambit ni Peebee habang tinitingnan niya ang kanyang kaibigan na nakaupo sa kanyang tabi.

"Peebs tama ka, hindi ko dapat pakasalan 'yung lalaking yun. Hindi ko siya mahal at lalong ayokong magpakasal sa taong hindi ko kailanman nakilala ng masinsinan. Isang malaking kalokohan kung itutuloy ko pa 'to."

"Eh anong gagawin mo ngayon?"

"Bahala na, ikaw nalang ang pumunta sa simbahan, sabihin mo kay nanay, gagawa ako ng paraan para mabayaran ang utang namin sa lalong madaling panahon." Binuksan ni Julie ang pintuan sa backseat matapos niyang hawakan ang ilalim ng gown niya upang makalabas siya ng ayos at ng mabilis. Nang tuluyan na siyang makalabas ng kotse ay kaagad siyang pumara ng taxi upang makatakas na siya sa bangungot na iyon sa lalong madaling panahon.

"Pambihira! Julie teka! Julie!" sigaw ni Peebee habang pinapanood niya ang paglayo ng taxi-ng sinakyan ng kanyang matalik na kaibigan.

"Ma'am paano na po yan? Saan na po tayo?"

"Manong obvious naman di ba? Wala ng bride alangan namang ako ang magpakasal sa bisugo na yun." Inis na sambit ni Peebee. "Pakidiretso nalang po sa simbahan para masabi ko sa kanila na hindi na tuloy ang kasal." She heaved a very deep sigh. "Kapag ako lang napatay ni Aling Vicki... nako Julie maililibing talaga kita ng buhay 'pag nagkita tayo!!"

***

Halos kalahating oras na ang nakalipas ngunit wala parin si Ziri. Hindi na mapakali si Elmo sa kanyang kinatatayuan dahil alam niyang naiinip na ang mga bisita nila. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang bride ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

"Ano Elmo, na-contact mo na ba?"

"She's not answering the phone."

"Hijo?" Tumigil si Elmo sa ginagawa niya ng lumapit sa kanya ang ama ni Ziri.

"Bakit po Tito?"

Marahang lumapit ang matandang lalaki kay Elmo upang makabulong ito sa tenga ng binata. Nakatingin lamang si Alvin sa kanyang kaibigan at kapansin-pansin ang mukha nito na halos hindi na maipinta dahil sa halo-halong emosyon ng binata.

"Pero Tito imposible, magkausap lang po kami kaninang umaga. Imposible po talaga."

"Hijo pasensya na talaga, kahit kami nagtaka sa naging desisyon niya pero-"

Hindi na pinatapos pa ni Elmo ang sinasabi sa kanya ng ama ni Ziri. Dali-dali na siyang tumakbo papalayo dahil narin sa hindi siya makapaniwala na iiwan at bibigyan siya ng kahihiyan ng kanyang fiancée.

He was hurt dahil alam niyang lahat ng gusto ni Ziri para sa kasal nilang iyon ay ibinigay niya. Ultimong bridal gown nito na pagkamahal-mahal ay iginapang niya maging ang pre-nuptial video nila para lamang matupad ang dream wedding ng babaeng mahal niya. Kaya ganoon na lamang ang sama ng loob niya ng malaman niyang umatras na ang kanyang kasintahan sa pinakaaasam-asam nilang kasal. Ang araw na magiging Ziri Vuenafuerte - Magalona na sana ang babaeng pinapangarap niyang makasama pang-habang-buhay.

"Huwag niyo nalang daw ituloy ang kasal na ito hijo, ayaw niya na raw. Gusto niya munang mag-buhay dalaga, hindi pa raw siya handa."

Paulit-ulit iyong pumapasok sa isip ni Elmo habang tumatakbo siya papunta sa kanyang sasakyan na naka-park sa di kalayuan. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon basta't ang alam niya lang ay gusto niyang tumakbo ng malayong-malayo upang maibsan ang sakit na nadarama niya.

"Ziri, why..." Nangingiyak at nanghihinang sambit ni Elmo ng makapasok na siya sa sasakyan niya. Kaagad niya iyong inistart at pagkatapos ay nagpatakbo ng pagkatulin-tulin. Binabagabag parin siya ng mga salitang nagpapaulit-ulit sa pagtakbo sa kanyang isipan kaya hindi na niya napapansin na halos papuntang langit na ang pagpapatakbo niya ng kanyang magarang sasakyan.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now